Press Release
May 28, 2013

Interview after the bicam meeting on the amendments
of the Juvenile Justice Law

Sir nareconcile ba (Juvenile Justice Law amendments)?

Yes nagkasundo ang House at ang Senate tungkol sa amendments sa Juvenile Justice Law, in time hopefully para sa special session sa June 5.

Ano yung mga salient point don?

Imbes na DOJ, DSWD na ang lead agency sa pag-implement ng Act na ito, tinalakay in particular yung mga children in conflict with the law below 15 but above 12, specifically kapagka sila'y may na-commit na heinous crime, na serious offense at kapagka repeat offender sila meron ng mga provision kung paano sila isa-subject sa intensified intervention program at involuntary commitment as the case may be.

Yung 16-years old mahahalo na sa regular detainee?

Hindi pa rin, pero yung above15 but below 18 existing pa rin yung provision pwede pa ring silang sampahan ng kaso kapagka ma-prove na may discernment sila in accordance with existing law, hindi na namin ginalaw yon. Ang significance siguro doon sa repeat offenders, kapagka may parehong krimen na na-commit nya o iba, basta pangalawang offense matapos na i-subject sa rehabilitation program, gumawa ulit ng krimen pwede na siyang i-involuntarily i-commit sa isang facility sa pamamagitan ng pagsampa ng petisyon ng DSWD o ng mga magulang nila mismo. Dagdag pa siguro dito nilagay din naming sa batas na yung mga gumagamit ng mga bata sa pagsulong ng ibat-ibang krimen o paggawa ng ibat-ibang krimen paparusahan sila in the maximum level nong krimen na pinagawa nila sa mga batang ginamit din nila. Nag-allocate din kami ng pondo sa batas, pina-finalize lang naming yung amount para sa construction ng Bahay Pag-asa in different parts of the country, eto kasi ang nagiging pangunahing problema, walang facility na paglalagyan kaya pinapakawalan na lamang. Ito sa ilalim ng panukalang batas nag-allocate na kami ng pondo, specific na pondo para sa pagpapagawa ng Bahay Pag-asa sa ibat-ibang parte ng bansa, lalo na don sa mga lugar na may mataas na incidence ng CIC o childten in conflict with the law.

Yung liability ng parent?

Nandon na yon sa dating batas civilly they're liable sa anuamng krimeng ginawa ng kanilang anak, pati yung mga bata kung may pera sila liable din civilly pero pangunahing obligasyon ng estado ang tiyakin ang kabataan natin ay nahahatid at dinadala sa tamang landas, joint responsibility pa rin ito ng mga magulang at ng estado.

Yung pwede nang involuntary i-commit sa isang facility anong age ulit yon?

Above 12, below 15. Below 12 hindi talaga pwede, intervention program lang yon sa isang community-based program.

Ano yung maximum years pwede sila sa facility?

Depende sa intervention na ginawa para sa kanila.

Doon sa batas hindi naka-indicate?

Individual case-to-case basis ang magiging intervention sa kada bata, hindi naman kasi pwedeng one size fits all.

But who will decide?

The Court.

Yung below 12 kahit heinous wala talaga?

Wala.

By next week mara-ratify pa yung bicam report?

Buo ang pag-asa ko na mara-ratify iyon at actually kumpiyansa ako na mara-ratify yon sa special session na gaganapin sa June 5.

Parang pagsinabi mong nasa isang facility sort of detention yon pero hindi yon sa regular na kulungan?

Again hindi natin tinatawag na child offenders sila, ang tawag sa kanila children in conflict with the law, CIC na ang tawag. Hindi ito penalty, ito ay rehabilitation para sa kanila dahil sa punto de vista ng batas, may panahon pa, kaya pang iwasto kung anuman ang pagkakamali o pagkukulang nila.

Pero restricted yung kilos nila within the facility?

Kung may involuntary commitment order galing sa Korte o kung yung magulang mismo nagsampa ng voluntary commitment ng kanilang anak sa facility

Sir pero yung above 15, below 18 wala ring kulong?

Wala kaming binago don sa probisyon na yon, sa ilalim ng existing na batas again meron pa rin silang intervention program at pwede rin silang involuntarily commit. Ang problema naman kasi, saan mo involuntarily i-commit kung wala naming facility, dahil sa ilalim ng batas bawal mong ihalo yung bata doon sa common criminal, kaya ang nagiging solusyon na lamang ng maraming LGU at pulis pinapakawalan na lamang, isa yan sa mga pangunahing in-addressed namin sa batas na ito, ang pagkakaroon ng facility para magkaroon ng involuntary commitment sa mga kasong kinakailangan naman talaga.

Approved na ito in principle?

Approved in principle ito by the bicam members, we cleared with Senators Sotto, Pangilinan and Pia Cayetano.

So ratification na lamang ang kailangan ng both Houses?

Yes on June 5.

Do you think the amendments have enough deterrents to keep children out of organized crime?

Nasa implementation pa rin, ang problema kasi kulang ang ginagawa ng mga LGU kaugnay nito, matagal nang sinasabi ng batas pondohan nila yung pag-construct ng mga Bahay Pag-asa, pondohan nila yung local Social Welfare Development Office nila na hindi ginagawa ng mga LGU, klinaro namin yung mandate na yon at yung national government wiling din magbigay ng counterpart sa panahong ito.

Ano yung provision kanina na nahirapan kayong i-reconcile?

Ang original position kasi ng House of Representative babaan talaga yung age of criminal responsibility, gusto nila exempt lamang ay 12 years old, ang problema 15 na tayo nagsimula, international standards 15 din, hindi siguro tama na bumaba tayo sa12 matapos nating ipataw nang 15 o i-set ng 15 yung age of absolute criminal responsibility.

Will you join the LP-NP coalition sa pagpili ng bagong senate president?

I am an independent but I won together with the LP coalition, I intend to remain with the LP coalition.

So kung sino yung napagkasunduan nyonh common candidate yon yung susuportahan nyo?

Kung sino yung napagkasunduan, hindi napagkasunduan, actually pinag-uusapan naman ngayon ng lahat. I am not bound by either NP or LP talks, I talk separately with LP coalition heads and members, including Senator Drilon.

So nag-usap na kayo, sir?

Yes.

So si Drilon na Sir yon?

I think he's the one being pushed by the LP coalition.

Na nag-agree yung Nacionalista Party?

Hindi ko na alam yon, I only read that in the papers.

Pero kayo sir you will vote for Senator Drilon?

I am with LP coalition, I will support the candidate of the LP coalition, if that is Senator Drilon, then yes.

So are you convinced na okay na yon sir?

May kasabihan sila it's not over until the fat lady sings, hanggat hindi tapos ang botohan marami pang pwedeng mangyari so hintayin na lamang natin.

Ano yung committee na gusto nyo?

Wala pa, all committees are open, may mga pagbabago doon, I'm not even sure if I will be retained as chairman of the two committees I'm handling, I'l leave it up to the new senate leadership, if at all, when we resume.

Pero kung papapiliin ka anong yung gusto nyo?

Basta kung ano na lang yung ibigay okay na yon - para sa akin I'l leave it to the senate leadership, senator are asked about their preferences so desisyon pa rin yan ng majority.

The Enrile bloc will be the minority?

I don't know, most likely, again hanggat hindi pa tapos, hindi pa tapos yon.

May kumausap na ba from Enrile bloc sa inyo?

None.

Yung pag-top ni Grace Poe, lumulutang yung Chiz-Grace sa 2016?

Masyadong nang maraming umaaway sa akin dahil sa mga 2016 na yan, huwag na rin muna siguro ngayon baka may umaway na naman, masyado pang malayo yon, in fact siguro lahat tayo nagpapahinga pa sa katatapos lang na halalan, siguro kami nagpapagaling pa ng mga sugat ng nakaraang halalan, don na siguro ang mode at take namin, hindi na muna 2016.

Is it possible (Chiz-Grace)?

Pareho kaming walang pera eh - Mahirap yon sa ngayon, given what we have and what we are now.

Sir nagkausap na kayo ni Drilon? Tungkol sa senate presidency?

Yes.

What particular yung pinag-usapan nyo?

I expressed my support for him. If he runs. I talked to Senator Drilon separately, individually. (Initiative nyo yon?) Yes. (Ikaw yung nagvolunteer ng suporta?) Yes, I told him if he will run he has my support.

Pero okay naman kayo ni Senator Enrile?

Okay naman.

Paano kung hiningi nya rin yung suporta nyo?

Nabigay ko na ang suporta kung tatakbo siya (Drilon).

Bakit ganoon kabilis ang desisyon nyo?

Wala lang.. Hindi naman sa obligado, I just told them, hindi rin bayad utang na loob, or anything, I just told him he has my support if he runs.

As former defense committee chair ng Senate ano yung masasabi nyo sa pagkamatay ng mga Marines as encounter with Abu Sayyaf at ngayon naman mga pulis ang namatay sa sa encounter with the NPA, indication ba na palpak yung mga authorities o malakas pa rin yung pwersa ng mga rebelde at mga bandits?

Kailangang seryosohing i-address ng pamahalaan yung lawless elements, kabilang na yung Abu Sayyaf. Kaugnay ng New Peoples Army kailangang pagpasyahan na rin ng gobyerno itutuloy ba ang usaping pagkapayapaan, magbubukasan ba muli ng mga pintuan at bintana upang sa gayon maiwasan yung mga skirmish tulad nito dahil naging matagumpay ang pamahalaan sa pakikipag-usap at pagkakaroon ng kapayapaan sa pamamagitan ng gobyerno at ng MILF, sana makita rin natin na mangyari yon sa NPA. Kaugnay ng Abu Sayyaf, iba yon, ibang klase yon, dapat talaga lipunin, ubusin at hulihin lahat ng Abu Sayyaf at walang usaping pwedeng gawin sa mga teroristang grupo tulad nila.

May pinu-push din kayo tungkol sa SALN, sa waiver ....

We will file it again, wala nang pag-asang makapasa yon sa sesyong ito, na kasama sa pag-file ng SALN ang pagsubmit din o parpirma ng waiver ng lahat ng opisyal na required mag-file ng SALN, waiver ng secrecy of bank deposits pabor sa Office of the Ombudsman para anytime pwedeng tingnan at busisiin ito ng sinuman.

Si Grace Poe did she ask your help kapagka nag-start na ng session?

We haven't taked about it.

Immune ka lang kung senator ka kapag below 6 years yung offense na case.

Immune ka kung below six years ang offense but depende sa isasampa nilang kaso, kung may isasampang kaso ha.

Kung may naka-file na case na graft kay Senator Loren ano yung pwede bang maprovide ng protection ng Senate?

Kung may ipa-file na kaso, again if it is below six years she's immune from arrest but the case can proceed, but she just immune from arrest while Congress is in session, if it's more than six years there is no immunity whatsoever.

May mali ba sa case kasi ang kini-claim sa case kung ang pinambili ng property ay association pero name after Loren Legarda parang lumalabas na kanya pa rin, may mali ba don?

I'm not too familiar with the case, in fact nabasa ko lang din sa media, pangalawa hindi ko sigurado kung may magsasampa ng kaso dito mismo sa senado laban sa kanya, ayokong masabi na-prejudge ko yung kaso one way or the other and I have yet to brush up on the actual facts of the actual facts of the complaint, I only read it on the papers.

News Latest News Feed