Press Release
February 18, 2013

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW
Interview at February 17, 2013

Cayetano: "We are an archipelago, the issue of fisheries
shouldn't be second to last."

REPORTER: Gusto niyong alisin ang BFAR na isang maliit na ahensya lang sa loob Department of Agriculture, magagawa ba natin ito?

Senator Alan Cayetano (ASC): Sa tingin ko ay kaya. Nakita niyo yung sa edukasyon, hinati nila sa DepEd at CHED para matugunan ang bawat lebel ng edukasyon. Alam ko naman na puspusan ang trabaho ng ating Agriculture Secretary, marami silang success sa self sufficiency. Pero isang archipelago tayo, hindi dapat huli o second to the last ang fisheries at hindi dapat masyadong mahal ang isda sa ating bansa kaya nakakapagtaka na napakamahal ng presyo ng isda pero mahirap parin ang mangingisda natin, hindi kumikita.

Malaking problema ito at ang displacement. Parang sa magsasaka 'pag ginawa nang subdivision o ginawang commercial yung area ang mga magsasaka nawawalan ng lupang sakahin. Maraming coastal areas na ginagamit sa turismo o ginagamit sa pabahay, na-didisplace tuloy ang ating marginalized fishermen.

Pero ang Sin Tax law naglagay tayo ng pondo para sa mga tatamaan na nagtatrabaho sa tabako, Bakit hindi natin lagyan ng pondo ang mga reclamation ng mga tatamaan na fishermen natin para may direktang benepisyo para kahit hindi man para sa kanila, para sa mga asawa nila at anak nila, mayroon silang alternative na livelihood.

So I think just by meeting with 1-Lambat, by simply bringing up the problem of fishermen is helping the agenda we want to promote through PiTiK: Presyo, Trabaho, at Kita.

REPORTER: Sa pagbalik nyo sa Senado, gagawa ba kayo ng panukala na may sariling department ang fisheries?

ASC: Sa tingin ko napaka-meritorious nitong adhikain na ito. Gusto ko makita ang sagot ng Deparment of Agriculture. Pero sa ngayon nakikita ko, tulad ng nangyari sa DepEd, magiging pabor ito sa ating buong bansa.

REPORTER: Sa tingin nyo yung maliliit na forum na ito ay makatutulong sa campaign niyo?

ASC: The campaign is just one part of governance. ang pinaka-importante pagpunta mo sa Senado nare-represent mo talaga ang mga tao. So, ang problema dun sa mga aircon naming opisina doon, yung malalakas lang ang boses, yung makapangyarihan lang ang umaabot dun.

Kahit maliit lang na forum na ito, anim na probinsya na represante ng ating pinakamaliliit na mga mangingisda ang andito. Hindi ito yung commercial fishing boats, hindi ito yung mga milyun-milyon ang kinikita sa pangingisda. Pero ito yung mga araw-araw nasa dagat at laot na nangingisda at totoo ang mga problema nila. Kaya napakalaking benepisyo sakin ang makinig sa kanila at malaman ang problema nila.

"The issue should not be about membership but rather about platforms and stands on issues."

REPORTER: Yung first 2 weeks ng kampanya yung consultation niyo, does that mean next week sasama na kayo sa Team PNoy?

ASC: Kung ngayon at kahapon ay available ako, wala kasi namang lakad yung Team PNoy. Kasi yung first 2 weeks wala pang schedule ang Team PNoy kaya ginawa na namin yung listening tour.

Pero mangyayari noon tutal hapon naman o sa tanghali yung sa Team PNoy ay pipilitin ko na sa umaga yung activities ko doon sa lugar kung saan andoon ang Team PNoy. Hindi ko lang maiwasan yung unang dalawang linggo na may mga appointments na nakakahiya naman hindi ko mapuntahan

REPORTER: Sabi ng UNA aalisin na talaga nila yung tatlong common candidates, makakatulong ba sa Team Pnoy na mapapako silang tatlo sainyo?

ASC: Nung umpisa palang sinasabi ko na na hindi sa pagsama sa rally 'yan, nasa pagkakaisa ng adhikain 'yan. Ang paniniwala ko, kaya sila kinuha ng UNA dahil pareho sila ng plataporma. Kaya sumama man sila o hindi, hindi na importante kasi pagdating niyo sa Senado, lahat naman kayo papasok dun, lahat naman kayo senador, ang tinatanong pagdating sa mga isyu sino ba ang nagkakaisa at hindi.

Kaya sa tingin ko, hindi nagiging productive yung usapin kung saan sasama yung tatlong kandidato, kung sila'y dadalhin o hindi dahil nawawala dun sa isyu ng mga plataporma. Mas gusto ko makita ng ating mga kabababayan ang diprensya ng mga plataporma at diprensya ng plataporma ng UNA at Team PNoy. Sa ganun panalo ang tao. Pero sa isyu sa kung kanino sasama, hindi panalo ang tao kasi hindi makikita ang dipresensya ng dalawang tiket.

REPORTER: Dapat bang hindi na pag-usapan ito?

ASC: Hindi mo maiiwasan dahil marami nagtatanong, dahil nagiging mainit yung bangayan ng dalawang partido. Pero pwede naman nating i-convert yung init ng bangayan, sa init ng isyu.

So, sa mga isyu tulad ng dito sa mga mangingisda tanungin natin sa Team PnNy at sa UNA: Ano ba stand nyo sa mangingisda, pagdating sa presyo, trabaho, at kita? Ano ba ang solusyon nyo sa mga problema natin?

Kung ganoon ang magiging usapan, pabor sa lahat.

News Latest News Feed