Press Release
February 14, 2013

TRANSCRIPT OF SPEECH
Taguig City Kasalang Bayan Delivered at 11:30 AM

Magiging doble-espesyal ang araw na ito ngayon. Kasi Valentine's Day, pero ngayon, magiging anniversary na rin ninyo. Kami ni Lani, sa March 22, 9th year anniversary na din namin. Tama ang sinabi niya kanina na palaging may pagsubok at ang singsing dapat palaging isuot. Pinapakita ko sa kanya ang sinabi niyang dapat isuot kasi nagsisilbi itong paalala.

Bilang mga tao, ang singsing hindi naman 'yan basta lang. It's a symbol. Sa ating mga tao kailangan palaging may symbolism. Katulad ng picture ninyo ngayon. Kung makikita ninyo ang picture ninyo ngayon at 'yung nararamdaman ninyo ngayon, siguro para magtagal kayo, tingnan ninyo 'yon para ma-remind kayo kung gaano kayo ka-in love sa isang tao ngayong araw na ito. Kasi, ako, napakasarap ng gising ko kapag gumigising ako na niyayakap ako ni Lani. Napakasarap ng umaga ko kapag naaalala ko kung gaano ako ka-in love sa kanya.

Pero dahil tao lang tayo, dumarating talaga ang pagkakataon na mayroon kayong kaunting trials din. Pero ang tanong, ano ang papayagan ninyong pumasok sa isip ninyo? 'Yung pagmamahalan ninyo o ang ibang thought? Kami ni Lani, noong ikinasal kami, ipinangako sa amin na never naming iko-consider ang hiwalayan. Sandali pa lang kaming mag-boyfriend noon pero mapilit kami na ikasal na. Iyon ang naging bilin sa amin. Iyon ang ipinangako sa amin.

Tandaan ninyo palagi, tatlo kayo sa relationship--ang Panginoon, ang lalaki, at ang babae. Kayo ba hihiwalayan ninyo ang Panginoon? Hindi, 'di ba? Hindi rin ninyo dapat hiwalayan ang isa't isa dahil magkakasama 'yan. Isa pa, napakahirap hiwalayan ang isang tao kung in-love ka. Pero napakadaling hiwalayan ang isang tao kung ang tingin mo madamot siya, sakit sa ulo, kasiraan mo siya, o kung ang tingin mo siya ang source ng problema. Pero sa totoo lang po, kapag in-love ka ba naiisip mo ban a ang taong iyon ay problema? Hindi ba, kaya nga sabi sa kanta, "maging sino ka man"? Sana po, iyon palagi ang nasa puso at tatandaan ninyo.

Siguro po ang iba sa inyo nagtatanong kung kami ba ni Lani nagkakaroon din ng problema. Siyempre po. Bakit? Kasi wala naman po siyang oras. Nanonood kami ng "Maalaala Mo Kaya", ang sabi ko sa kaniya, "Ako, Darling, maalaala mo pa kaya?" Bakit po? Kasi, panahon ng halalan, kaya nga kapag nakikita ko si Admin, at nakikita ko ang mga konsehal niya, binubulong ko, "Bigyan niyo naman ng ticket para sa schedule si Lani." Bakit? Kasi sa dami ng kanyang kaaway, kalaban at sumasabotahe sa politika, ako ang nawawalan ng oras. Kung kailangan, pipila talaga ako para makasama siya.

Kahit alas onse ng gabi at pauwi kami, ituturo ang mga basura, gustong gisingin 'yung kumukuha dahil ayaw na madumi ang Taguig. Alas onse ng gabi, dadaan sa Bicutan, kapag may habal-habal, titigil at papagalitan. Sa C5, ala-una ng umaga, binabantayan kung may magbabato.

Lahat tayo ganoon ang pinag-dadaanan. Iba lang ang trials namin. Kaya gumawa kami ng sistema ni Lani na kung hindi almusal, tanghalian, o hapunan, magkita kami.

Kaya sa inyo po na narito naman at hindi OFW, isipin po ninyo ang mga OFW na may pangkabuhayan nga ang pamilya, pero ang layo naman nila sa isa't isa.

'Yon lamang po na umuwi tayo gabi-gabi, o doon sa mga security guard o pang-gabi, tuwing umuuwi ka lang ng umaga at Makita mo ang asawa mo, blessing nap o dapat na malaki iyon.

Congratulations sa inyong lahat. happy Valentine's day. At happy wedding day po. Sa inyong lahat. God bless you.

News Latest News Feed