Press Release
February 12, 2013

Ambush interview at Team PNoy Proclamation Rally

Pero wala kayong pinadalang representative (sa UNA rally)?

Hahayaan kong sila na lang ang magsalita tungkol doon... Para hindi na umigting pa ang intriga.

Nagkausap kayo ni Binay?

Hindi kami nagkausap.

Okay pa sir yung relationship nyo?

Wala akong nakikitang masama dyan. Hindi porket kampanyahan kailangan nang mag-away

Nagsabi ka sa UNA na hindi ka sasama?

Alam nila. Yes nag-usap kami ni Toby (Tiangco).

Sir wala daw yung mga mukha (streamers) mo sa UNA?

Wala pa rin kasi kaming mga materyales, dumarating pa lang medyo late ang order namin.

So makikita namin yung mukha mo sa UNA?

Siguro... Again huwag nyo kaming pag-awayin, nagsisimula pa lang ang kampanya, masarap magkakabati-bati kami.

Sabi ni Drilon sir dito (Team PNoy rally) kayo sasama. Ano ang ibig sabihin non?

Yon naman din ang usapan namin nina Toby.

So ibig sabihin never kayong makikita sa UNA.

Walang ibig sabihin non at hindi nanggaling sa akin yon.

So ano yung ibig sabihin ng usapan na yon na dito kayo sasama?

Again hayaan kong si Toby ang magsalita tungkol doon, ayokong manggaling sa akin, may usapan na kami, nagkaintindihan kami at nagkunawaan naman kami.

Pero dapat kayo ang mag-explain kung bakit hindi kayo nagpadala ng representative.

Nag-usap na kami, gaya nang nasabi ko nag-usap na kami ni Toby, magandang ang usapan namin, wala akong makitang rason kung bakit kami pag-aawayin... Again hindi ko kayang magsalita para sa kanila, mas magandang manggaling sa kanila, mahirap naman na pangunahan.

Yung sarili nyo sir kinokonsider (inaudible)

Nagkandidato ako bilang independent candidate, nagpapasalamat kami sa sinumang magdadala sa aming kandatura, we're very appreciative of that.

Sir hindi kayo nao-offend na wala kayong poster don (UNA rally)?

Walang puwang at lugar ang sinumang kandidato na mapikon o mawalan ng pasensiya o magalit.

Si Erap sir nagtampo daw, bakit daw wala kayo?

Hindi ko alam, hindi kami nagkakausap ni Pangulong Estrada, ayokong kong bigyan ng reaksyon ang anumang manggagaling sa labas, maliban na lamang kung manggagaling mismo sa kanya at nag-usap kami.

Kasama kayo sa buong ikot ng LP?

Hindi, gaya nga nang sinabi ko, gagawin namin yung kampanya naming ginawa noong 2007. Hindi ako isa sa mga naniniwala o may paniniwala sa rally, naniniwala ako sa paggamit ng tradisyunal at makabagong media sa pangangampanya para maihatid ang mensahe.

Are you going to join UNA in the near future?

Malamang magkikita-kita rin naman kami sa labas, yun na lang ang usapan namin ni Toby dahil hindi rin naman ako sasabay sa lahat ng rally at sortie ng magkabilang grupo at panig.

Sa mga sortie ng LP nandon ka pa rin pero hindi ka pa rin..

Hindi pa namin alam kung alin ang particular na sasamahan namin dahil hindi pa naman nakaporma ang schedule. Again malamang may sarili kaming lakad , tulad ng ibang mga kandidato , may kanya-kanyang lakad yan at karamihan ng mga lakad ng mga kandidato kanya-kanya yan at hindi magkakasama.

Sir sasampa ka sa UNA o hindi?

Hindi ko alam kung iimbitahan ako sa anumang rally nila muli, inimbitahan lamang ako sa Cebu rally nila.

Senator Chiz nandito ka ngayon sa LP rally at may balita na inalis daw yung mga poster nyo sa UNA?

Wala pa yata kaming napapadalang posters kahit nga dito kakaunting posters, mainit-init pa galling sa imprintahan dahil wala pa kaming masyadong napapagawang posters. Uulitin ko yung sinabi ko kanina, hindi porket kampanyahan, pag-aaway-awayin nyo na kami, maayos ang relasyon namin, maganda ang samahan namin at walang rason kung bakit dapat intrigahin.

Representative po ba nagpadala kayo sa UNA?

Hindi, ang pinadala naming ay video speech, hindi ko lang alam kung mayroon silang kapasidad o screen para mapalabas yon.

Maayos naman senator na nakipag-usap kayo sa UNA na dito kayo sa LP proclamation rally sasama.

Maayos ang usapan namin ni Toby, nagkaunawaan kami ni Toby, kung may sasabihin pa at dagdag doon mas maganda na siguro manggaling sa kanya at hindi sa akin.

News Latest News Feed