Press Release
January 25, 2013

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE
PART 1

(ASC) Sen. Alan Peter S. Cayetano:

While the arguments seemingly went to the gutter, let us go back and focus on the real issue

Magandang hapon sa inyong lahat. First of all lubusan akong nagpapasalamat sa Diyos at sa lahat ng ating mga kababayan na sobra ang suportang ipinakita.

Sadya po akong hindi nagpainterview sa kahit na anong radio station yesterday precisely because gusto ko nang magfocus sa issue. Ang speech ko ay kalimutan na natin ang bangayan and that the arguments went to the gutter and let's focus on the real issue.

Ang Senate President ay sinasabing payag siya sa audit at yun naman ang hinihingi ko, ano pa nga bang dapat pagusapan? Unfortunately kahapon sa kanyang interview, ang Senate President instead of answering the issue ay doon pa rin pumunta sa ibang topic.

Dinagdagan pa niya. He apologized for the 'fracas' pero dinagdagan pa niya yung mga allegations laban sa aking ama na wala na sa mundong ito. Sinabi niya kung bakit binigyan ng law office, yung Pepsi Paloma case, etc.

I'm really tempted to answer all that and give you the other side but I'll resist the temptation because this issue is more important. Tsaka nalang siguro sa kwentuhan or it's up to history to decide that.

We only have 6-8 session days to go. As I've been saying, issues ng trabaho, edukasyon, kalusugan at ekonomiya ang dapat na naming pinaguusapan. Ayaw ko nang maapektuhan ang kalusugan ni Senate President Enrile but if I had the opportunity to reiterate my questions I will kasi hindi niya sinagot.

Halimbawa, tinanong ko sa kanya kung paano niya niliquidate ang P250,000 na cash gift. Hindi sapat na sinabi niya na senador naman yan at binigyan ko sila bahala na sila kung saan na nila gustong gamitin. Paano kung pinambili ng relo yun o pinangkain sa labas?

During CJ Trial we asked for transparency, now we cannot give the same. Why do we have a double standard?

Ang tinatanong ko sa kanya, siya ang nagliquidate noon. So kung ni-release niya yung P250,000 anong nilagay niya? Was it for supplies or gasoline, etc? Kasi nung si Chief Justice ang ginrill nila at by certification din ang Supreme Court, hindi ba sinabi ng Senate President na hindi pwedeng ganyan at kailangan specific kung saan napunta? Bakit tayo may double standard?

Kung ordinary public official yan, pinakulong na at pinarusahan? Bakit sa kanila ay walang umiimik? Nung una di daw Christmas gift at sinabi na black propaganda ng ilang diyaryo ito sa kanya. Ngayong inamin na na Christmas gift at nagpangalan pa siya kung sino ang nangantiyaw sa kanya, ayaw naman niyang ipaliwanag kung paano niliquidate. So I'll go the responsibility of COA later.

Magaling si JPE sa "TNT"

Secondly, bakit sinasabi niya na payag siya pero depende sa majority yan. Ang tingin ko ay magaling talaga ang Senate President sa TNT, sa tago-ng-tago. Kapag may issue sa kanya si Sen. Trillanes, tatawagin niya ng mga pangalan at magbbring up ng ibang issue. Tinataguan niya ang issue. Kapag si Sen. Miriam ang nagtanong sa kanya, sasabihin niya na may imbestigasyon na yan at titirahin niya pabalik.

Ngayon naman nung ako ang nagtatanong, yung yumao kong ama ang ibbring up niya at sasabihin niya ngayon na yung majority. Bakit hindi niya harapin? Bakit kapag ang pera ay pwedeng ibigay at kapangyarihan daw niya kung sino ang di bibigyan, bakit siya lang? Sabi niya na siya lang ang may sole discretion at siya lang ang may kapangyarihan dito.

Bakit kapag audit na kailangan lahat? Dapat kung magrrelease ka ng pera ay may consensus ang Senado. Hindi mo naman pera yun, pera yun ng tao at ng Senado. Kapag audit, ikaw ang head ng office eh. Wag na natin gamitin ang word na audit dahil nalilito pa ang mga tao. Bakit hindi ilabas nalang ang mga dokumento para mapadali ang proseso?

Dalawa lang ang tanong ko: (1) Paano mo niliquidate ang P250,000? (2) Sa mahigit na P1 billion pondo ng Senado, balita ko up to P500 million ang pwedeng iliquidate by certification lang. Binasa niya lang kung saan ang allotment ng budget, hindi niya sinabi na kung magkano ang savings, kung magkano ang ni-realign at magkano doon ang nililiquidate by certification lang.

For example, sinabi ni ana mahigit P180 million ang sa travel. Ilan doon ang mayroong ticket ng eroplano o may resibo kung sa barko sumakay at ilan doon ang resibo lang o pirma lang niya at walang resibo? Yun po ang tinatanong ko sa kanya.

May kasabihan tayo sa Pilipinas na "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan." Kung gusto ni Senate President na makakapili lang siya kung sino ang bibigyan at kung paano gagamitin, pwede pero yung audit gumagawa ng paraan.

On Monday, I will file a resolution calling for an independent audit parallel to COA

Having said that, nagpapasalamat ako kay Sen. Kiko at Sen. Lacson na nagsabi kaagad na hindi sila laban and in fact, in favor of this. Bunsod noon, I think rather than keep on challenging the Senate President tapos paiikutin lang tayo at TNT, an alternative to the Senate President coming out with documents is on Monday I will have my staff file a resolution calling for a parallel audit with the COA. Pwedeng private audit under the COA. Or pwede ring yung tinatawag natin na independent people's audit.

Anong ibig kong sabihin dito? Hindi naman kailangan na professional audit at yung bawat singko sa P2 billion. Ang gusto lang makita ng tao ay masalip ang dokumento ng Senate at makitang ayos ito. Kapag binuksan mo naman at nakitang ginamit sa tama at nakita naman ang certification, bakit hindi?

Kung makikita ay P2-, P3-, P4 million ang cinertify lang para halimbawa sa papel o sa travel ay hindi naman maipakita kung anong travel yun, di ba karapatan ng tao ang makita yun? Remember, every minute that we don't do this, there are hundreds of millions under the Senate President following this at ganito pa rin ang ginagawa.

To COA: We and the people are with you on this and in fighting corruption

Now, there were some issues raised. First of all, yung capability ng COA. We never questioned the capability of COA. Paulit ulit ako sa integrity. I said as far as Chairperson Grace Pulido-Tan is concerned, bilib ako sa kanya at nakita ko yung reforms na ginagawa. Question, bakit ko sinabi na di lang dapat COA? Dahil nga ang COA ay kumukuha ng budget sa Senado. Kapag ma impeachment, constitutional office sila, sa Senado din yun.

Ang ibang commissioner ng COA, di pa nacconfirm. Sino ba ang chairman ng CA? Si Sen. Enrile. Sila ang iniiwas ko sa intriga. Pero never ko prinopose na alisin sa kanila ang may duty magaudit. So tama si Chairperson Tan na sila lang ang pwedeng official audit. Di ko hinihingi na official yung audit. Ang hinihingi ko ay transparency and accountability.

Malaman lang ng tao. Ibig sabihin kapag may nagsabi sa akin na, "Alan tax evader ka." Ang BIR alang ang pwedeng magbukas at tumingin. Pero walang masama na kukuha ako ng private na auditor at sabihing buksan ang mga libro at ipakita sa mga tao na hindi ko talaga ginawa yun.

Same thing sa Senado. Ang sabi ko na it is an open secret sa mga pulitiko at dito sa Senate na nagkaroon ng problema nung umpisa sa COA dahil sa pagccertify. Kinausap yan ni Senate President Enrile at ni Ma'am Gigi at sila din ang namili kung sino rin ang COA dito. Kaya nga nasabi ni Chairperson na nakalimutan niya ang sistema kaya pinayagan niya.

There is no constitutional or legal impediment to a private audit

Ang totoo nun nung bago siyang upo, tinry niyang palitan. Nagresist ang Office of the Senate President. Yang lumabas na yan,I'm asking for a parallel audit or one under the COA. Bakit ko sinabing kapag may ayaw may dahilan. Let me state for the record that there is no constitutional or legal impediment to a private audit. I am shocked that the COA will say "If Cayetano wants it, let him pay for it."

I never asked COA to pay for it. The Senate can pay for it. But let me assure you if it has to be me who will pay for it or ang tao mismo ang magaambagan ng P5000 or baka namang dekalidad na auditing firm na magvolunteer na para sa bayan gagawin. Ang important ay matuloy to.

Ang question ko tuloy ay bakit hindi pa nga naguumpisa ay kung sino ang magbabayad at similar issues ay lumalabas. But I can point to COA, instances in the past where a private audit was paid by a government entity and there was no legal impediment.

Maybe she was just responding. Baka tinanong siya kung sino ang magbabayad and sumagot siya na di ako. Pero ang lumalabas sa news ay, "Cayetano gusto mo, ikaw magbayad." Hindi magandang precedent yan.

Ito rin ang tanong ko sa COA. Napakasimple lang Ma'am. As I said, buo ang tiwala ko sa COA.Bakit kasi hindi ilabas ng COA kung paano nililiquidate ng Senate President itong P250,00. Pangalawa, tutal inilabas na naman ng COA by certification, magkano sa P2 billion budget ng Senado ang by certification?

Bakit nung si CJ Corona? Tingnan niyo po ang parallelism. Diba ang Supreme Court ay independent din yan? Hindi pwedeng sabihin ng Palasyo o ng COA na ang Senate ay independent rin. Independent din ang judiciary. Di ba pinilit natin silang ilabas ang record maski sinabi nilang confidential?

Sabi natin ang pera public record. Inilabas din. Diba nilabas din niya yung certification din at nagcomment si Sen. Enrile na bakit by certification lang? Yun pala ganoon din sa kanya. So my question is gaano ka-bold ang COA sa paghanap ng reach ng income ni CJ Corona, bakit hindi pwede ngayong maglabas ng analysis at madaliin ito?

Ilang linggo na ito at ilang araw na nung maglabas ng press statement si Sen. Enrile. Now it's already Jan. 25. By this time, if COA wanted to come up with a spot report or a preliminary report, di wala na tong presscon na to at wala na yung bangayan sa Senado.

Ang akin lang ay I'd like to let the COA know that the people are behind you at pati kami ay buo ang tiwala sayo. So kung sino man ang makakabangga ninyo ay wag kayong magalala. But that's what I'm saying, walang mawawala kung COA, people's audit or private audit ay magsabay sabay. It doesn't have to be a technical, legal audit. Ilabas lang ang dokumento, malaman lang ng tao kung sino ang nagsasabi ng totoo.

News Latest News Feed