Press Release
January 23, 2013

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER JPE MANIFESTATION AFTER ASC'S PRIVILEGE SPEECH
Cayetano responds to JPE's manifestation

Reporter: Reaction po sa manifestation ni Senate President?

ASC: Papayagan daw ang audit at nagtago sa likod ng majority.

First, The Senate President himself can authorize the audit especially doon sa wala namang kinalaman ang ibang senador.

Secondly, hindi niya sinagot yung tanong ko na magkano sa P500 million at higit pa doon sa personal services ang pinipirmahan niya lang o by certification lang ang pagliliquidate at walang resibo.

Pangatlo, nagulat ako na inamin niya na Christmas gift ito. Illegal ang pagbigay ng pondo ng gobyerno para sa regalo. Inuulit ko po na yung P250,000 ay walang dokumento, tseke lang. So I hope that the COA will look into how this was liquidated. Hindi niya sinagot nag tanong ko.

But ganoon pa man alam ko na naging emosyonal din siya. Yung BP niya ay tumaas kaya di na ako nagtanong. I hope sa susunod nila na caucus ay papayagan niya yung independent audit. Hindi matatapos itong issue na ito ng hindi niya bubuksan ang libro ng Senado.

REPORTER: He mentioned that 2009, 2010, 2011 ay mayroon ding ganoon.

ASC: Mayroong ganoon nung 2009, 2010, 2011 na MOOE. Pinaghahalo niya yung MOOE at yung sinasabing Christmas gift. Magkaiba yun. Kaya nga pinakita ko yung budget simula sa 2008 hanggang ngayon. Kasi halos dumoble ang MOOE. Ibig sabihin halos dumoble ang pondo na pinipirmahan niya lang by certification. Hindi ko alam dati na ganito pala ang pagliquidate doon.

Ngayon binasa niya lang yung format sa budget. Pero kapag may natira doon, halimbawa sinabi niya travel, ilan doon ang may ticket o whatever at ilan doon ang pinirmahan niya lang na cinecertify niya na may gumamit nito.

I think ito ang tinatanong ng mamamayan. Hindi niya kailangan ng audit dito. These are public documents na dapat ilabas. But as I said, iniwasan ko na magkaroon ng confrontation ngayon. But in the next few days, I think ang mga senador ay magiisip at hindi kami papayag na ganito ang pagiisip ng mga tao sa senador.

REPORTER: Bakit niyo sinasabing nagtago sa majority?

ASC: Kasi sinasabi niya na he is not against an independent audit. But later on binawi niya na hindi naman daw niya pwedeng iutos ito at kailangan tanungin ang mga senador. Mali yun. Kung mamimili siya kung sinong pwedeng bigyan ng pondo ay pwede bakit ito hindi?

Remember, you don't even have to hire an independent group. Ilabas mo lang yung dokumento. Ang aking pakiusap sa mga kasama sa media ay hingin niyo ang dokumento at tanungin niyo specifically kay Director Chua or kay Atty. Gigi how much of the almost P600 million ang by certification nililiquidate.

REPORTER: Kanina nagsalita si Sen. President Enrile at nagapologize siya for not quickly addressing the real issue. Anong reaction niyo doon?

ASC: Wala na sa aking itong lahat. Pero ineexpect ko pa rin itong PR campaign nila dahil ganito talaga ang naging strategy nila nung nakaraang labanan. They won't directly answer the issue but mamemersonal palagi.

Kung wala na, good. In fact, kung di tataas yung BP niya ay kakamayan ko nga siya. But I think I should let things cool off muna. For me, mas importante that the documents are there and we all find a way to scrutinize it.

Kaya nga sinasabi kong kailangan ang FOI. Kasi ang House ang di nagpapasa ng FOI. Ang FOI ay pinasa na sa Senado. So aanhin natin ang pagpasa ng FOI kung itatago naman natin ang mga dokumento. Ang hinihingi ko lang naman ay summary kung magkano doon sa P600 million ang by certification at magkano yung may resibo.

REPORTER: Would you accept the apology of Atty. Gigi if she issues one?

ASC: Hindi na kailangan. Ang pagkakaintindi ko ay he apologized pero inaako niya yung responsibilidad. Unang una, sabi ko nga na he can call me whatever he wants kasi senador din naman siya at bugso nalang ng damdamin yun.

Ang hindi ko makita kung bakit di niya mapagalitan ang COS niya at sabihin sa lahat ng empleyado na hindi dapat bastusin ang mga senador. Anyway, I think by speaking directly to the Senate ay maiintindihan ng ibang Senate staff na rispetuhin lahat ng senador.

REPORTER: People were surprised that it got so personal. How would the Senate proceed knowing that the exchange was as heated as it was?

ASC: Dapat mga statesman ang mga senador. We just have to have a good night's sleep then tomorrow parang walang nangyari. But as I said, pwedeng yung personal na damdamin namin ay mawala na pero yung issue ay andun na rin. Dapat ang issue ang tutukan natin.

I am appealing to the members of the majority not to only see from the point of view of the majority but to see it from the point of view of the people.

News Latest News Feed