Press Release
January 23, 2013

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER PRIVILEGE SPEECH
Cayetano: "The transparency we ask from other institutions should also apply to us"

ASC: So, siguro ayaw nga nilang ilabas yun or I'll give them the benefit of the doubt. Para sa akin naman, wala akong sinasabing may masamang nangyari dito sa senado. Ang sinasabi ko, kapag may iniimbestigahan tayong iba, sinasabi natin na ilabas ninyo dokumento, hindi pwedeng salita lang, kailangang may ebidensya.

So, kanina may nakita akong hawak ni Senate President na dokumento. Ipakita niya yun, okay lang. Pero ibigay niya sa atin at make it available to private auditors. Kung hindi, e baka lahat ng imbestigasyon dito, ganon na. Diba yung nakita nating pulis doon sa Quezon, sabi ayaw ibigay yung baril, ayaw ganito. So, papayag ka ba naman na salita lang. Siyempre yung ebidensya, ipakita nila.

Minsan kailangang magkaganito bago bumuti eh. Like sa akin, I'll be more conscious na ang bawat singko ng Senado, hindi lang dapat gamitin ng tama, dapat i-account din ng tama, at alam ng tao kung saan napupunta. Kaya sabi ko nga, kung magkakaroon ng reporma at hindi na by certification pero kailangan ng iliquidate ito isa isa na may resibo, di ako tututol.

Reporter: Senator, kanina ang bungad ni SP ay tungkol sa utang Ni RLC

ASC: Sabi ko nga, 1998 pa nung sila ay nagkahiwalay at sinipa siya sa law office na ang tatay ko ang nagtayo. Pero hindi naman siya siningil. Hanggang 2003 yan, nung siya'y buhay. Tapos wala naman sa issue yan.

Araw-araw naman kami nagkikita, hindi naman siya nagsasabi, naniningil. In fact, anlaking pera noon at hindi ko alam na may ganoong pera ang aking ama. Ang tingin ko talaga, ito yung squid tactics kung tawagin. Nililihis sa issue para ang tao galit sayo o mawalan ako ng kerdibilidad pero ine-expect ko hindi lang yan.

Kahapon, hiprokito naman; nung isang araw ako naman daw ang palakantyaw sa Christmas gift. Eh akala ko ba magkagalit kami at hindi kami nag-uusap? Paano ka mangangantyaw sa isang tao na kagalit mo?

So, ine-expect naming ni Sen Trillanes na hanggang eleksyon ganito... Magkakaroon talaga ang Senate President ng PR Campaign. Kasama na sa trabaho namin yun pero ang hinihiling lang naming sa kanya, tigilan na natin ito, magtrabaho na tayo pero payagan niya ang independent auditing firm para walang masabi.

Kasi ngayon, maglalabas siya ng papel, hindi ko naman Makita yung papel. Hindi ko naman mave-verify. Ngayon kung ang gagawin ko naman ay ipatawag ko si Dir Chua at sa harap ng camera siya ay iimbestigahan sasabihin naman nila namumulitika ako. So, kung gusto ni Senate President na siya ang mamili ng auditing firm hindi ako tututol.

Reporter: Bakit po kailangang paulit ulit yung inyong pag-kwestyon sa role dito sa Senate letter ni Gigi Reyes?

ASC: Hindi paulit-ulit. Ngayon ko lang sinabi ito.

Reporter: I mean sa plenary hall.

ASC: Eh dalawang araw na niya akong tinutuligsa sa media at naglalabas siya ng di katotohanan at pangatlo, parang ang lumalabas, siya ang proxy ng Senate President sa pagsasalita. Pero nakita mo naman, iniiwasan ko na kahit anong issue na lihis doon tungkol sa kanilang dalawa ay hindi ko binanggit.

Reporter: Sir, hindi ba kayo dismayado na sa halip na sagutin yung issue, utang ng tatay ninyo yung nilabas ni SP?

ASC: Na-emosyonal lang ako dahil wala naman dito ang tatay ko para sagutin ang sarili niya pero inexpect ko na na hindi niya basta sasagutin to. Di ba nung nagsalita si Sen Trillanes ang ginawa niya, binuweltahan niya at ang pinag usapan ay yung China kasi ang tamang gawin dito, sagutin mo yung issue, ngayong pag-upo ko, gusto niya akong upakan edi tumayo siya uli at upakan naman niya ako sa ibang issue.

Pero ang hirap naman na magbi-bring up ka ng ibang issue tapos tatayuan ka niya tapos ang layo. Bakit niya sinabi pa yun? Naniningil ba siya? Ano ang gusto niyang palabasin dito?

Reporter: Si JPE po may edad na, hindi nio po bay un ikokonsider?

ASC: Well, nakita niyo naman demeanor ko at wala akong binring up na ibang issue. Ako pa nga ang ginalit niya e imbis na siya ang ginalit ko. Siya ang nagbibring up ng mga issue na wala dito. Pero sana naman nauunawaan ng mga kababayan natin hindi siya pwede magtago sa edad niya pagdating dito sa issue ng pera ng Senado. Lalong lalo kung totoo na si Atty Gigi ang may hawak nito at siya naman ang nagdidisperse nito.

Ngayon kung gusto ni Senate President, alang alang sa kalusugan niya ay payag ako to suspend the rules at si Atty Gigi ang sumagot dito. Pero pag ganun sasabihin na naman pulitika. Kaya hiningi ko, independent auditing firm nalang.

Sinasang alang-alang ko palagi ang kalusugan ni Senate President kaya kayo ang witness dito. Tuwing may mangyayari dito, kahit hindi ko kasalanan o kahit si Sen Trillanes ang kabanggaan niya, nilalapitan ko siya. Pinipilit ko na mag-calm down siya. Pero sa pagkakataon na ito, tingin ko naman very professional ang pagdeliver ko nung aking salita at dinidipensahan ko lang ang sarili ko.

Reporter: Sir unparliamentary ba ang ginawa ni Atty Gigi na sabihan kayong hipokrito kayo?

ASC: Ang punto kasi non, kaming mga senador, pabayaan niyo na magtuligsaan kami. Pero yung mga staff sa ilalim ay mag ganon eh paano kung lahat ng staff dito ay magkaroon ng hindi lang pakikialam pero pagtutuligsa.

Gusto mo ba na pag naglalakad ka sa senado, hihiyawan ka nung ibang staff o babastusin ka. Eh magdadagdag tayo ng security dito sa senate kasi magkaka upakan dito dahil sa ganoon. Buti nalang babae siya at hindi sa harap naming nangyari.

Kami, kaya ko sinabi yan dito para maparinig sa ibang staff na kahit anong kampi ninyo sa amo ninyo, kahit anong kampi ninyo sa idol ninyong senador, kayo ay empleyado man o hindi, kahit anong ayaw ninyo sa senador, huwag kayong magsasalita dahil hindi ninyo trabaho yun. Ang trabaho ninyo, staff support. Ang trabaho ng staff ko magbigay ng note, tulungan ako sa issue. Hindi nila trabaho na atakihin o kampihan yung ibang senador.

Reporter: Baka nama po may animosity lang kayo with Atty Gigi [dahil closely related sa mga Tinga]

ASC: Well kahit naman may animosity tahimik lang naman ako e. Ako ba ang nag-object, ako ba ang naglabas ng issue tungkol sa kanila? Pero yung pupunta siya sa station ng radio at tatawagin kami pare parehong hipokrito.

Kung siya ay ordinary citizen, tatanggapin ko dahil lahat ng citizen ay pwedeng magsalita laban sa mga opisyales. Pero yung isang staff ng Senado at lalo kung Chief of Staff ng Senate President, Sana yung demeanor naman maging professional. Yun lang naman. It's not about animosity.

Andami ko naging kagalit sa pulitika, nandyan si Cong Villafuerte. Siya ang kabanggaan ko sa GMA impeachment pero niyayakap ko pa siya. Walang personalan yun.

Reporter: May disciplinary action ba against Atty Gigi?

ASC: Hindi ko na hinahanap yun kasi dito Senador ang magdidisiplina sa sarili niyang staff.

Reporter: Under the rules?

ASC: Under the rules pwede pero bakit pa. Dito sa senado, depende yan kung kukunsintihin ng senador. So it's up to Sen Enrile na makipag usap sa Chief of Staff niya. Eh kung siya naman ang nagpapunta doon... Kaya nga ganun ang pananalita ko, ang gusto kong palabasin ano ba talaga ang nangyari. Siya ba ang nag-utos? Or hindi niya mapigilan ang sarili niyang staff na magsalita doon.

Reporter: Pero on your personal note, sa palagay ninyo may blessing ito ni Sen Enrile before she...

ASC: Kasi ang statement niya doon sa radio station, ayaw na magsalita ni Senate President dahil nakapag-speech na siya. Kaya ang tanong ko, kung ayaw na magsalita ng senador, bakit ka magsasalita para sa kanya? Hindi naman niya sinabing inutusan ako na ako na ang magsalita. Pero as I said, that's not between me and her. That's between her at yung boss niya dahil hindi naman ako ang boss niya pero ang hinihiling ko lang, wag na niya ako respetuhin bilang tao pero respetuhin naman niya ang senado.

Reporter: Sir, nanggaling po kami kanina sa opisina nila pero accdg. To atty gigi ayaw na daw po niya magcomment pa...

ASC: Sa akin, bukas wala na dapat ito. Katulad ng sinabi ko sa inyo, kaya nga ginawa ko na ngayon, sana Monday and then the next six days hindi na ito ang issue. Pero ang warning ko lang sa aking mga kasama, if we sweep it under the rug, d'ba ang basurang itinapon mo, sabi sat TV, babalik din sayo.

So, kung hindi natin iimbestigahan ito and we don't get at the bottom of it babalikan din natin to pero I am done speaking with this issue kaya sa floor na ako nagsalita.

Reporter: Sir, anong klaseng imbestigasyon po ito

ASC: Many kinds of investigations. Pwedeng kapwa senador ang magimbestiga. Pwedeng ang magimbestiga ay ang COA. Pero ano ang mangyayari kapag yon? Kapwa Senador, sasabihin nila leadership to, namumulitika. Pag COA, sasabihin kami ang nagbibigay ng budget at saka authorized naman yun by certification.

That's why ang option sa akin na available is a private auditing firm or a group of accountants na credible. Hindi ako makikialam kung sino piliin ng Senate President pero basta't open ito. So, parang canvassing lang ito ng balota. Bakit ang canvassing ginagawa natin sa harap ng media? So, yung lang naman ang sa akin para lang mawalan ng doubt ang mga senador.

Let's see depende kung saan mapunta ang issue na ito. I am just saying na pagod na rin ako dito at hindi ko rin maiwasan na tayuan ito dahil paano kami mag-iimbestiga ng iba kung kami mismo, ang tingin ng tao ay may tinatago.

Reporter: Senator, ano po yung 100% na katotohanan na alam ninyo between the Senate President and Mam Gigi?

ASC: Sabi ko lang kasi sa bawat isang kasinungalingan, may 100 akong katotohanan. Ang problema, kapag sinabi ko ang isa, 99 na lang ang alam ko. *laughs*

News Latest News Feed