Press Release
January 22, 2013

Ambush Interview before Senate Session:
Cayetano urges colleagues to face issue of transparency and accountability head on; calls for an independent audit of Senate Funds

ASC: Ang issue dito ay ang pera ng Senado ay pera di ng senador kundi ng mamamayan. So kung saan-saan na napunta ang issue. Kung ano-ano na ang naging akusasyon. Bakit di tayo sumentro sa issue?

Kung titingnan niyo ang budget ng Senado, P1.5 billion ang MOOE. So rather than sabihin ng Senate President na si ganito may P10 million at si ganyan may ganito, ang solusyon dito ay magkaroon ng audit. Isang independent at private na grupo na bibigyan tayo ng no nonsense na imbestigasyon at audit ng Senate Funds.

Release of vouchers

Hanggang ngayon po ay di nilalabas ng mga ahensiya ng gobyerno at hinihingi ko ito sa COA ang mga voucher. Bakit hindi niyo ilabas ang mga voucher? Ito po yung voucher kung saan inauthorize ang MOOE sa lahat ng senador. Copy furnished ang lahat ng senador. Pero tulad ng alam niyo hindi binigyan lahat. Pero malalaman niyo na MOOE talaga dahil may voucher ito na kasunod at kailangan irelay.

Bakit sa CJ Trial, AFP Pabaon, ZTE Scam, atbp, kailangan nilang buksan ang accounts para tingnan ang pera pero kapag sa pera ng Senate double standard tayo at ayaw nating buksan ito?

Yung P250,000 wala nito. So paano niliquidate ng Senate President yun? So for me kesa sa magbatuhan tayo ng putik at kung anu-anong issue at kung sinu-sinong proxy ang nagsasalita, ay pumunta tayo sa tunay na issue. Yung issue na kapag tayo ay nagiimbestiga sa ibang tao tulad nila Chief Justice Corona, General Garcia, yung ZTE ay kailangan nilang buksan ang accounts and tingnan ang pera pero kapag sa pera ng Senate double standard tayo at ayaw nating buksan ito.

For me, gusto nating tumahimik na at tigilan na ang bangayan ng mga Senador. Gusto natin na magfocus sa trabaho sa Senado. Simple lang, let's answer the issue directly. That's why yung ginawa ng Senate President kahapon na magresign doesn't answer the issue. Hindi ko naman hinihingi na mawala siya as Senate President. Ang hinihingi ko ay i-audit ang pondo ng Senado. Para katulad ng sinabi ni Sen. Ping na hindi naman isipin na magnanakaw ang mga senador.

So kung wala namang tinatago bakit ayaw buksan. Imbes na ang diyaryo pa ang inupakan at nagalit pa sa Inquirer, bakit hindi sagutin? Kung bibigyan naman ang Inquirer at lahat ng pahayagan ng mga dokumento ay tingin ko naman ay hindi ito Christmas gift.

Pero kahapon mukhang nadulas din sila. Kasi ang sinabi ng chief of staff ng Senate President na nangangantiyaw daw ng Christmas gift. Ano ba talaga ang totoo? Bakit ang sinabi ng Senate President ay hindi ito Christmas gift? Ano ba talaga itong P250,000 na ito?

Hanggang ngayon ay di nirerelease ang dokumento. Hindi sapat dito yung salita lang ng mga senador. Bakit kapag iba ang inimbestigahan we don't take their word for it? Bakit ang Senado o kapwa senador ang iniimbestigahan ay ayaw nating ilabas yung mga dokumento?

Yun lang naman ang hinihingi ko. Here in the session hall let's do the work but let's get a private auditing firm to check on us to end this issue.

REPORTER: Sir nangantiyaw po ba talaga kayo for a Christmas gift?

ASC: No. Nakita niyo naman na during that time na hindi kami in good terms dahil doon sa Sin Tax at RH bill. Ang ginawa ko ay nilapitan ko at kinamayan ko. Sabi ko, "Manong Johnny, pasensiya na po kayo at hindi personal ito, magkaiba lang tayo ng opinion. Merry Christmas po." Hindi kantiyaw doon. Then nireplyan niya ako ng.,"Okay." Tapos umalis na kami.

Two years ago ang naaalala ko. Dati apat lang kami na natitira dito kapag last day ng session at nangantiyaw ako na, "No work, no pay." Dapat yung mga senador na wala dito kapag nagpapasa ng bill ay walang sweldo. So paano naging kantiyaw or whatever yun?

For me, iniiba nila yung issue. It's not about all these sub issues. As chief of staff, I respect Ma'am Gigi. We allow her in the lounge kahit bawal ang staff doon at pinapayagan namin siya sa caucus kahit bawal ang staff kasi tinutulungan niya ang Senate President. Pero huwag niyang lalagyan ng malisya yung mga naririnig niya doon at yung mga napapagusapan kasi hindi accurate ang statements niya.

REPORTER: Will the Senate ethics committee also investigate the use of funds? Kasi may finile na complaint sa committee.

On VACC Ethics Complaint: If we are all accused, then we will need to find out how we will have a credible investigation"

ASC: We have no choice but to take up all of the complaints. But kung lahat kami akusado then we will have to find out how we will have a credible investigation. That's why buo ang aking tiwala kay Grace Pulido-Tan. I think she's very honest and she leads COA well. But ang COA sa Senate pa rin kumukuha ng budget. I believe in the integrity of every senator here but to investigate yourself is hard.

But if you get a private auditing firm like SGV to do it, the shadow of doubt will be erased. Bakit yung mga oil companies ayaw nating pumayag na iba ang magimbestiga? Gusto natin private auditing firm. Bakit kapag ngayon naman na tayo na ayaw natin yun?

So a simple voucher on how the Senate President liquidated the P250,000 ayaw ilabas. So yun ang issue. Hindi issue dito kung sino ang magiging Senate President o leadership change o kung ano pang binabato.

I'll not permit myself to deviate from that issue. Kaya sabi sa akin kung hindi daw ako tatahimik ay kung anu-ano pa daw ang ilalabas sa akin at sa kapatid ko. Eh di ilabas pa nila. Pero that will not change the issue.

REPORTER: Di ba komplikado right now kasi kayo po ang Chairman sa ethics committee? Kung nakakita kayo ng iregularidad bakit hindi pa noon nareklamo?

ASC: Hindi ako ang nagsasabi na irregular ito. Cry ng tao after lumabas ito. Ito ang natural consequence ng issue na ito. So marami nang senador na walang problema ito. Ako mismo ang sinasabi ko na yung MOOE fund ay walang problema yan at ginagastos ng tama. Kung gusto ng tao ng reporma na wag nang by certification payag din ako dun.

Ang sinasabi ko ay yung P250,000 ay hindi MOOE dahil ang sinabi ng Senate President ay galing sa savings ito. Sabi naman ng chief of staff niya may mga nangantiyaw ng pamasko. Mismong mag-amo iba ang sinasabi.

Ang sinasabi ko, ito na ang issue, paano natin ireresolve? Hindi ko sinasabi na may masama dito o wala. Ang sinasabi ko ay bigyan natin ang media, ang tao ng magandang resolusyon. Kasi kapag tayo ang nagiimbestiga hindi rin tayo pumapayag na he said or she said lang. Gusto natin ebidensiya.

REPORTER: Sir yung sa radio interview ni Ma'am Gigi kahapon, you think ba na there was something wrong?

"Hindi issue ang leadership. Ang issue dito pa rin ay pera ng Senado na pera ng mamamayan."

ASC: It's okay. Sa akin hindi nagbabago ang respeto ko sa tao maski sila ay personal nang umatake Ang paalala ko lang sa kanya ay wala tayo sa palengke, nasa Senado tayo. So kami mismo ang turo ko sa staff ko ay never nilang atakihin ang senador. Kasi ang mga senador magbabaliktaktakan yan, kakampi sa isang team bukas sa isa naman. Baka nadala lang sa emosyon kaya patawarin niyo nalang.

But ang problema ko nga ay lumalabas ngayon kaya tinanggal ang staff ko ay iba ang dahilan ni Ma'am Gigi at iba ang kay JPE. So sino sa kanilang dalawa ang nasusunod talaga sa Senado? Doon ako nagtataka. Pagdating sa eksplanasyon sa P250,000 iba rin silang dalawa.

Sa kanila niyo tanungin kung bakit nagkakaganoon. Pero doon sa personal attack, I expected that kasi gusto nilang baguhin ang issue. Bakit kelan ba nila ako inatake? Noong nilabas ko itong P1.5 billion, noong nilabas ko na hindi naman pala totoo yung sinabi nilang P10 million kay Sen. Trillanes.

P10 million ang budget ng committee. Ang nakukuha ni Sen. Trillanes ay P100,000 a month pero sagot niya ang lahat ng gastos ng committee. MOOE yun. Ang nakukuha ng members ay P50,000. Pero doon sa P1.5 billion, ang kwenta ko ay P500 million is under the Senate President. So tinatanong ko ngayon sa COA at sa kanya kung paano ang pagdisburse nito? Ayaw naman nilang sagutin. Ang sagot niya, "Magreresign nalang ako."

Hindi naman irrevocable yung resignation. Ibig sabihin iboboto lang siya ulit pabalik. That's why for me hindi issue ang leadership. Ang issue dito pa rin ay pera ng Senado na pera ng mamamayan.

REPORTER: Hindi ba sincere ang resignation kasi it's not irrevocable?

ASC: I'll be meeting with the others concerned and it's possible that I'll give a speech tomorrow. But ang aking layunin sa speech ay we get back to work at hindi madamage ang kailangan natin tapusin. For example, kung may FOI hindi nangyari ang issue na ito. Kung magbabangayan kami everyday ay di mapapasa yung FOI, that's an example.

So maguusap usap kami, probably to give a speech. But I can tell you that it will focus not on the sub issues or the intrigahan at personal accusations but on the same thing, "Ito dapat ang focus. We have to resolve the people's doubt on how we use their money."

REPORTER: Amidst all these issues, are you among those who want to replace Enrile as Senate President?

"I didn't vote for him from the start. So obviously hindi ako pabor sa kanya sa pagiging SP"

ASC: I didn't vote for him from the start. So obviously hindi ako pabor sa kanya sa pagiging Senate President. Having said that, it depends kung sino ang papalit. Kung better sa kanya, bakit hinid. Kung pareho lang din, bakit pa papalitan? Kung worse, eh di siya pa rin.

So kung walang kandidatong iba, I cannot say na I am for someone to replace him. And for me yan ang ginagawang issue. I am for replacing the system of funding sa Senate, not for replacing the Senate President. Hindi issue yun,

REPORTER: Are you among those na sinasabi ni Sen. Trillanes na numero na gustong magpatalsik kay Sen. Enrile?

ASC: I don't know. Ito kasi ang analysis diyan. Alam naman nila ni Sen. Enrile na safe siya hanggang matapos itong sesyon na ito. At least that was the case a few months ago. But marami kasing nagsasabi na kapag hindi napalitan until the end of the term, next July siya naman ang logical choice. Kasi lahat ng presidentiables ay ay magseselosan. Ayaw nilang maglagay ng mga makakatulong sa kung ano mang partido.

So yun ang analysis. Para sa akin isang defense mechanism ang ginawa niya. Na turuan kami ng leksyon na wag bigyan ng pondo at tanggalin ang staff. Ang problema ay nagback fire sa kanya at nalagay tuloy ang liderato niya under a microscope at ang pondo ng Senado.

That's my personal opinion. But kung may nagbubuo ng numero ay show me who the candidate is. However, right now that's not the issue.

Still pushing for the passage of the FOI bill

ASC: Ang problema nga masyadong personality-based. So, kung matatandaan ninyo, last term naghamon nga ko sa lahat ng media. Boycott-in ang sinuman na humaharang sa FOI Bill. Tingnan ninyo yung boto, tv man, radio o dyaryo.

Aside from ilabas ang pangalan, wag nilang interview-hin kasi ang humaharang sa FOI bill ay humaharang sa paglabas ng katotohanan. Hindi naman ito hinaharang ng Malacañang. Hindi lang sine-certify na urgent. Ang paliwanag ko naman doon ay tingin ko binabalanse ng Presidente ang napakarami niyang kailangang ipasa. So, I respect that.

But still, I am for pushing the lower house to pass this kasi ang tingin ko, mas controversial naman yung RH Bill pero naipasa ito. So, bakit hindi pwedeng mai-push ng husto? I am hopeful na this week, may mangyari but tingnan natin kasi count down na tayo eh. 9,10 days nalang ang sesyon natin.

Reporter: Hindi kayo threatened doon sa CBCP war?

ASC: Well, ako author ako at sponsor ng FOI bill so alangan naming i-boycott nila ako na ako ang nagtutulak noon. Pero ang sinasabi ko nga, kung sino man ang may-ari ng FOI bill is anti-tuwid na daan.

Open Secret: JPE met with Corona camp

Reporter: Sir, yung sinasabi ninyo kahapon na si Sen Enrile ay nakipagkita sa mga kampo ni Corona...

ASC: Ang sinasabi ko, yung sa pagrespond ko sa sinasabing hipokrito kami, ang sinasabi ko maraming open secrets na napag-uusapan dito sa Senado at isa yun na maganda ang handling niya doon. Pero on the other hand, balitang balita dito na siya man o representante niya ay nakikipagkita sa abogado at kay Corona. Yun ang context ng sinasabi ko. Yan ang balitang balita dito among the senators.

Reporter: Sir, bat hindi kayo kumilos noon?

ASC: Eh kasi naman iba yung alam mo, iba naman yung may picture ka at mapapatunayan mo. And at that time, yung korte mismo ayaw naming i-damage. So, ang sinasabi ko lang tigilan niya yung pagsasabi ng 'hiprokitong ito' kasi iko-compare namin. At the same manner, yun ang gusto ko itanong sa kanya. Bakit kapag si Corona ang iniimbestigahan, pwede buksan yung account. Bakit ngayon na Senado, ayaw buksan yung mga accounts.

Reporter: Yung mga allegations ni Enrile, sasagutin niyo po ba sa sa privilege speech ninyo bukas (January 23)?

ASC: I think, I have answered that in various interviews and I really think na it's an escape tactic. Gusto niya mapunta yung usapan sa batuhan ng putik when that's not the issue.

So, kung ako yung willing in any debate kahit kaming dalawa lang, kahit nanunuod ang buong Pilipinas. But let us stick to the issue muna. Tama ang inquirer noong nilabas nila ito na pondo ng bayan yan at ano ba ang patakaran ng senado kung tama ba ito.

Resign tactics? Ilang beses ko na napanood yan sa mga caucus

Until we resolve that, bakit ako kakagat dun sa tactics niya na ibahin yung issue. So, pati yung pag-resign niya dito. Sinasabi ko nga sa radio yan na pasensya na kayo napanood ko na yan eh. Kasi ilang beses na sa caucus kapag hindi siya nasunod, yun ang gagawin sa amin. Sasabihin niya, "Oh, kung gusto ninyo kayo nalang. Magreresign nalang ako as Senate President."

Pero part palagi ng tactics niya yon na ibahin yung issue o to get support of the other senators. But ang sinasabi ko sa mga kapwa ko senador, pare-pareho kaming hindi nagnakaw, so anung mali na magkaroon tayo ng audit at ngayon ko lang nalaman na ganoon pala kalaki ang MOOE sa ilalim ng Senate President. Pero siya ang nag-umpisa nito. Siya ang nagsabi na ganito ang pondo namin, humihingi pa kami. So, bakit ngayon na hinihingan naming siya ng audit, nasaan na yung sinasabi niya dati na, "Mr. Chief Justice, it is your obligation to let the people know..." Oh, nasaan na yung mga yon? Dapat wala tayong double standard.

Reporter: Sir, yung 250,000Php paano yung treatment ninyo doon? Ibabalik niyo?

ASC: Like Senator Koko, inembargo ko yon. Meaning, nandyan yan kasi nung nakuha naming yon, hindi ko alam na walang ganitong papel. Basta't lahat ng tseke dine-deposit lang basta't nakalagay Senate. Pag dumadating kasi minsan tseke lang, minsan ganitong form. You sign this form before you get the check. Yung memo at saka yung para saan siya, susunod yung liquidation form. That's why I am saying na kung totoo yung galing sa savings niya, paano niya ni-liquidate yon? Anong liquidation niya? But everyday na hindi niya nilalabas yun, nag-iisip ako, anong nangyayari dyan? Kasi ako pag inakusahan mo ko na saan nanggagaling yan, that very minute ilalabas ko yung dokumento para wala nang magduda kung nasaan yan.

Ang budget ng General Support Services ay 634 Million, ang budget ng legislative 5.14; ang budget ng committees is 428. By the way, official gazette yan ah. Kahit sino makakakuha niyan. Kung ko-compute-in mo at 2M bawat Senator, lalabas na around 600M. So, hindi ko alam kung dito kinukuha yan o dito, tapos ang committee naman ay nakahiwalay.

Ang sinasabi ko lang simple plus ,minus. Ang matitira is around 500M. So, whether ang 600M ng senador ay hinahati nila dito o dito lang o dyan lang kinukuha, may matitirang 514. So ang gusto ko malaman ay paano ba inililiquidate yan?

Reporter: So para po sa inyo, kanina parang binabanggit ninyo na 'drama' yung kahapon?

ASC: Ang tingin ko, part yun para nga... kaya nga sinabi ng iba parang 'Master's Stroke' Di'ba? Kasi parang kumukuha ng simpatya tapos parang ang issue ay kung tatanggalin siya o hindi, tapos binoto siya. Hindi naman yun ang issue eh. Kung nagsalita siya kahapon at sinabi niya, "Eto ang dokumento. I-audit ninyo na kami!" -Papalakpakan ko pa siya.

On Statements of JPE's Chief of Staff: No basis in Fact or truth

Reporter: Kanina po sinabi niyo rin na yung Chief of Staff ni Senate President Juan Ponce Enrile. Kahapon po kasi may interview siya at point by point sinasabi niya yung mga problema sa minority senators so ano pong balak ninyo. Sasaguatin ninyo ba iyon, maglalabas ba kayo ng documents tungkol dun sa mga binulgar niya po kahapon?

ASC: Well, Unang una kasi marami siyang sinabi na no basis in fact or truth. Number two, ang tingin ko ginagamit siya para ibahin yung issue pero may napansin kasi akong dalawa kaagad eh: Una, yung sinabi niya na nangangantyaw dawn g Christmas gift. Eh sinabi naman ni Sen Enrile na hindi ito Christmas gift. So, sino ang nagsasabi ng totoo? Was it a Christmas gift o hindi? Pangalawa, sinabi ni Senate President Enrile na kaya tinanggal yung mga staff naming ni Sen Trillanes dahil tapos na yung tinatawag na kontrata nila.

Reporter: At saka nagrereport daw po sa Taguig mga staff mo?

ASC: Ang pagsabi naman ni Gigi iba naman. Nagrereport daw sa Taguig City Hall. So, magkaiba na naman ng sagot. So, sino ba ang nasusunod dito sa Senado? That's why it's not a secret that Senators have projects.

For example, I have staff who are reporting in Visayas and Mindanao and then dito sa opisina ko. I have staff there kasi andami kong project sa Taguig, meron din sa Pateros. Meron din po sa lahat ng area like sa Bulacan na tinamaan ng bagyo last year.

So, hindi sikreto yun pero hindi para gamitin ko ang pondo ng Senado para sa Taguig dahil mas maraming pera ang Taguig kesa sa opisina ko at may mas marami silang tao doon.

Reporter: Meron po kayong pinapakitang papel sa media. Ano po yung nakasaad doon?

ASC: Dalawa po ito. Yung isa budget ng Senado na pinapakitang 1.5 Billion ang MOOE at 500 Milyon nito sa aking tingin ay nasa ilalim ng Senate President. So, pinapapaliwanag ko ito kung paano talaga ang disbursement. Pangalawa, yun pong memo ng Senate President na sa lahat ng senador dapat yung MOOE pero hindi naman ni-release. Pinapakita ko rin to para ipakita na yung 250,000Php walang ganitong dokumento. Eh hindi naman pwede sa gobyerno na maglalabas ka ng pera na walang dokumento.

Reporter: So, may privilege speech po ba kayo ngayon o wala?

ASC: Wala po today pero possibly, tomorrow (Wednesday).

News Latest News Feed