Press Release
December 2, 2012

Transcript: Interview with Sen. Loren Legarda over DZMM

Q: Bilang Chair ng Senate Committee on Foreign Relations, any reaction po sa pag-issue ng China ng bagong e-passport na may naka-print na 9-dash line map na kung saan saklaw yung mga isla at rock formation sa West Philippine Sea. At meron din daw umanong threat ang China na papalayasin ang mga barkong dumadaan sa naturang karagatan. Sinabi ni Pangulong Aquino ay itatalaga nya ang bagong ambassador sa Lunes, makakatulong po kaya ito para maibsan yung tensyon dyan sa naturang lugar?

Sen. Legarda: Sigurado pong makakatulong ang pagkakaroon ng representante o ambassador sa bansang Tsina, para mabigyan ng kaliwanagan ang mga bagay na ito. Lahat ng partido dito lalo na ang bansang Tsina at ang Pilipinas, pati yung ibang claimant countries, ay kailangan mag-observe ng Declaration on the Code of Conduct, inadopt naman yan ng ASEAN at ng bansang Tsina ilang taon na ang nakalilipas. Dapat lahat mag-observe dyan at hindi dapat, maski sino, maliit man o malaking bansa, ay umabuso dyan. I think having an ambassador will help ease the tension, at the same time, kailangan natin protektahan at panindigan ang atin.

All foreign policies emanate from the President, so lahat tayo, kasama na ang DFA bilang implementer ng foreign policy ng Pangulo, ay sumusunod dyan. Bilang chairman ng committee on foreign relations, it is my duty and my mandate, tungkulin ko na sumunod sa utos ng Pangulo at kung anuman ang magiging desisyon ng DFA tungkol dyan ay siyang ating susundin. Pero hindi tayo papayag na tayo ay parang binabalewala ng bansang Tsina at hindi rin tayo papayag na sila ay aakyat sa ating mga fishing vessels para inspeksyunin at palayasin sa mga disputed seas.

So while we observe the Code of Conduct ay hindi rin tayo pwedeng maapakan palibahasa'y tayo ay maliit.

Q: May bagyong Pablo po na paparating, any words mula po sa inyo tungkol dito?

Sen. Legarda: Ngayon po na mayroong maaaring dumating na napakalakas na bagyo in two days' time, let's heed the warning and the lessons of Ondoy, Pepeng and Sendong. Aralin po natin yung nangyari. Unang-una po, yung paglikas ng mga bahay at mga pamilya sa mga delikadong lugar, sa paa ng bundok, ang mga coastal barangays, sa gilid ng mga esteros at kanal na maaring umapaw, at sa mga malalambot na lupa. Alam naman po ng mga LGUs base sa kanilang geo-hazard map ang mga delikadong lugar at dapat po forcibly, magkaroon ng political will para ilikas. Gaya po ng ginawa sa East Cost sa typhoon Sandy, merong 50 ang namatay, pero kung hindi sila naghanda ay baka libo-libo ang namatay dyan.

Pangalawa, kailangan ang ating mga daluyan ng tubig ay malinis. Kung sobrang malakas ang ulan, baka ang ating mga estero at kanal ay punong-puno ng mga plastic, lata at kung anu-ano, ay dapat po hindi ganun. Linisin bago pa man dumating ang bagyo.

Pangatlo, yung mga early warning systems should be instituted sa mga LGUs. Kung ito man ay text messaging, o sa radio, o ito ba ay maaring kinakatok tulad ng purok system sa mga barangay. Ito ay ilan sa mga pamamaraan para may early warning system tungkol dito.

Maliwanag po ang ating warnings galing sa PAGASA. Let us heed the warnings and let us all be prepared. Sa paghahanda po ay mawawalan o mababawasan ang kamatayan at kawalan ng kabuhayan.

News Latest News Feed