Press Release
November 21, 2012

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR ALAN PETER S. CAYETANO

TOPICS DISCUSSED:

  • NTC text refund order

  • Crucial issues in the preparation for the 2013 automated election

  • Passage of Sin Tax

  • Updates from the Senate Ethics Committee

On NTC order for telcos to refund text charges:
"Government must ensure that the focus given to encourage business growth of the Telecom Industry and to protect consumer welfare is balanced"

Senator Alan Peter Cayetano (ASC): Minsan lumalabas palaging pabor sa malalaking mga outfit ang nangyayari sa Pilipinas dahil hindi makapagreklamo ang mga ordinaryong tao. Natutuwa naman ako sa ginagawa ng NTC, hindi lang sa dropped calls kundi pati sa pricing.

Kakaunti na nga lang ang paraan upang mapagpantay ang mayaman at mahirap at isa dito yung mga promo upang mababaan ang presyo. Mahirap man o mayaman ay makakausap ang kanilang mga mahal sa buhay.

As the technology gets better it's very important that the NTC continues to do this. I think rather than to resort to legal cases, because I've read that some telcos will bring the NTC to court, telcos should just sit down with the consumers to thresh this out.

Remember, the reason why Congress and I personally have not been filing taxes on text is to encourage the growth in the telco industry and also for people to be able to keep in touch and so that the telecommunication service can be used for entrepreneurship development.

Itong reduction na maski sabihin mo ay 20 centavos lang bawat text ay napakalaking bagay. Lahat ng research ay magpapakita na kahit sa pagkain ay nakikipagkompitensya na ang gastos sa cellphone. Napakalaking bagay ito at dapat ituloy ng NTC.

We want the telcos to continue to be economically viable, meaning as businesses they should grow. But at the same time allow the consumers to maximize every peso they spend for the service.

Reporter: Yung doon sa sinasabing refund over the past year na sinasabing baka umabot ng P1.4 - 2 billion pesos, possible ba ito?

ASC: Tingnan ninyo ang Meralco. They were responsible enough to find a way to effectively deliver to their consumers their refunds. Although it is true that prepaid accounts might be a source of problems, you just have to find a way to see if consumers' old numbers are still retained. If so, it's easy enough to give the refund back through services. Most consumers would agree to this. Kung bibili ka rin naman ng P300-500 na prepaid card at in-offer-an ka ng ganito kadaming text, sa tingin ko naman ay tatanggapin mo yung refund through special promos.

That's why I think rather than resorting to filing cases, telcos should just sit down and of course make their companies still viable but at the same time address the concerns of consumers with the NTC.

On the 3 crown Jewels of Automated Elections:
"Biggest threat to "Tuwid na Daan" is the possibility of a flawed 2013 Automated Elections"

Reporter: Doon sa kaninang debate sa servers na from two naging three ulit, ano po ang reaksyon ninyo doon?

ASC: Ang biggest threat natin sa tuwid na daan ay yung posibleng dayaan na mangyayari sa 2013. Matagal ko nang sinabi na sana mali ako na gustong bumalik ng mga sindikato sa eleksyon ng 2013.

Ako mismo tatlong beses ko nang hiningi sa budget hearing na baguhin na from two to three servers ang transmission ng election results. Hindi ako ang nagkapagpabago kung hindi dahil nandoon ang advisory committee, yung IT experts at andoon yung mga congressman para siguraduhin rin na malinis ang eleksyon sa susunod na taon.

Natutuwa ako dito pero ang tanong ko ay bakit natin kailangang ipilit pa nang husto gayong alam ng lahat na mabuting bagay ito? Ang media ang nagbabantay sa eleksyon. Ang media ang nagbabantay sa anomalya sa gobyerno. Kung ganon, bakit nila naisip pa na tanggalin ang server para sa KBP?

Pangalawa, ilang beses na naming napatunayang may mga kalokohan na nagaganap sa bidding. Yung una diyan ay yung doon sa warehouse. From P11M a month naging P6M a month matapos pinukpok ng Senado ang Comelec.

Kaya kanina ay tinanong ko at ibibigay ko sa inyo ang kopya, bakit nasa bidding documents nila na mahigit sa P140 ang presyo ng indelible ink na binayaran ng Comelec pero doon sa website naman ng supplier na naglagay ng litrato pa ay $1 lang ang isa. These are the things that affect the credibility of this election. While we allow them to explain, we have to know the answer and hold people accountable.

Tingnan niyo po pagdating sa balota. Noong una, sinabi ng Comelec ay ibinigay nila sa NPO dahil di nila kaya yung technical requirements. Ngayon lumalabas ay hiningi pala ng NPO na sila ang magbid out nito. Noong tinanong ko nga sa direktor ang tungkol sa kaso nila sa Ombudsman, ang kawalan nila ng makinarya na i-b-bid out din naman nila.

Nagkakagulo sila ngayon sa bidding at hindi pala sila nag-prequalify ng mga bidders ng maayos. Mayroon pala silang accreditation process. Ibig sabihin yung inaccredit lang nila ang pwedeng magbid.

Alam mo hindi ito dapat pinaguusapan ng Comelec at NPO. Hindi dapat pinaguusapan na may isang grupo lang o kung sino lang ang accredited ang pwedeng sumali sa bidding. So we have to get to the bottom of it. Kaya magpapatawag agad ng pangalawang JCOC-AES hearing sa susunod na linggo.

Ang akin lang ay sana lahat ng tao ay makikinig, lalo na ang Palasyo, na malaking panganib sa ating demokrasya ito. Nanganganib ang eleksyon sa susunod na taon na bumalik tayo sa manual o magkaroon ng dayaan.

Sana hindi na magkaroon ng Hello Garci. Pero sa nangyayari ngayon ay magkakaroon ng "electronic Hello Garci scenario" kapag hindi naayos ito.

Reporter: Dismayado kayo sa mismong paliwanag ng NPO regarding the ballot printing and bidding?

ASC: Dismayado ako sa NPO at Comelec dahil pabago-bago sila! Tatlong hearing na sinabi sa amin na yung transmission ay teknikal ang issue pero noong nakausap yung technical experts ngayon ay wala naman palang technical issue. Political reason pala.

Pagdating sa printing technical na naman daw kaya napunta sa NPO. Pero noong tinanong ang executive director ay hiningi pala ng NPO ang kontratang ito. Tapos sinabi nila na dinisqualify nila yung isa dahil bagong rehistro. Sabi naman ng Comelec hindi nila requirement na may registration sa SEC simula 2006.

Makikita mo kapag nagharap harap na ang mga taong involved, nag-iiba ang sagot nila. Ang isang napakaimportante na hindi pa lumalabas ay security ng printing nito. Kung sino ang manalo sa bidding ng supply, siya ang may sourcing ng paper. Meaning parang pera ito. Kaya sa Central Bank ginagawa para walang magimprenta ng pera sa kanyang sariling bakuran.

Pero sa nangyari ngayon ay may panganib na sosobra ang balota at magkakaroon ng printing sa labas ng NPO at babalik na naman tayo sa dating mga sindikato na nagbebenta ng extra na balota.

Reporter: Isn't it water under the bridge now? Kasi na-award na nila sa Holy Family ito at nandoon na sa NPO ang responsibilidad.

ASC: Hindi pa. May mga legal remedies pa. To cancel the contract, for example, may still be a remedy. Sa huling hearing namin sa Comelec, sabi nila na hindi sila magdadalawang isip na ipawalang bisa ang kontrata at sila ang magimplement.

Reporter: pero kakayanin pa ba ng oras iyon ngayon na malapit na ang eleksyon?

ASC: Kayang kaya dahil hindi pa nga i-c-configure yung balota until December 21. The concern of the committee is to ensure that the elections are clean and fair. Kami wala kaming pakialam kung gobyerno ang gumawa at magsupply nito, kung private o kung hahati-hatiin nila. Ang importante sa amin ay yung security ng balota at masiguro na walang dayaan dito.

Reporter: Anong paliwanag nila sa iyo regarding the overpricing of the ink?

ASC: Wala pa. They said they will look into it. Ang sa akin naman, kahit overpriced o nagkamali nasisira ang sistema natin dahil kitang kita ang pagkakaiba. Sa website $1 pagdating sa bidding P140. Then ang bibili nito ay 72,000 bottles ang bibilihin para sa susunod na eleksyon.

Buti kung isolated ito. Nakita na natin sa bilihan ng kama, sa warehouse at sa transmission na may kataka-takang mga pangyayari. Dahil sa transmission from P200 million inakyat ng P400 million ang kontrata.

Reporter: Anong ineexpect niyo sa next hearing?

ASC: I think nasasanay na ang Comelec na mayroon silang Big Brother na tumitingin sa kanila at iisa-isahin talaga namin ito. Ang problema ng committee ay oras. Kasi palapit na sa eleksyon.

Pagdating sa transmission, we're hoping by next meeting maannounce na nila na tatlo na ang server na gagamitin. Na yung sa KBP, minority at majority party ay kasama na.

Number two, we're hoping that one way or another, the issue with the ballot printing will be resolved. Kung walang problema at massupply ng maayos in a way that is above board then itutuloy nalang yun at baka guidance nalang galing sa amin at sa watchdogs ang pwedeng mangyari.

Pero kung malalaman na may danger na magkadayaan sa balota o kulang sa security, I don't know yet what will happen. But the JCOC and the other government offices will have to act. Halimbawa, isang tatanungin namin next time is the security mechanism of the printed ballots.

Pangatlong issue diyan is whether maapektuhan ang mga makina sa away ng Dominion na software supplier at Smartmatic na supplier naman ng PCOS machines.

Reporter: Sir ilan po bang server dapat ang gamitin?

ASC: Tama si Senator Pimentel na based on law na anim ang kailangan. Pero sa technical description na binigay sa atin, may 99.9% guarantee ka na kapag tatlo ang transmission servers.

Lahat kasi tayo nawawala kapag teknikal ang usapan. Kaya kailangan natin ng technical advice mula sa experts. It's not only a matter of servers, it's also a matter of what systems are going to be used to ensure that the data is verifiable and that we won't experience an electronic Hello Garci.

On the SinTax Bill: "More debates expected in the Bicameral Committee"

Reporter: can you give your comment on the passage of the Sin Tax Bill?

ASC: Ang labanan ngayon dito ay mapupunta sa bicam. We will really have to decide as a nation what our policy is towards smoking and drinking and using the money for health services.

But remember the government at one time promised no new taxes but increase in efficiency. I'm hoping that this extra revenue will really go towards health and the safeguards that will be put in place to prevent the loss of livelihood for the farmers will be fixed.

Reporter: Ano pong version yung gagamitin?

ASC: The Senate and House version are quite different. Not only with the amount, with the burden sharing but with the categories. Expect niyo na kung gaano naging maselan ang arguments sa floor at sa caucus, ganoon din ang mangyayari sa bicam.

On the Ethics Committee:

Reporter: Any updates on the ethics complaint against Senator Sotto?

ASC: We'll have a hearing on Thursday and I'm expecting the members to ratify the rules. After the ratification of the rules, we can officially calendar all pending cases.

News Latest News Feed