Press Release
November 7, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the rice smuggling in Subic

Q: Sir, ano ito? Tinu-turn over niyo na sa NBI 'yung investigation?

SP: Hindi. Gusto naming malaman kung ano itong mga trading companies na ito, itong mga kooperatiba na ito, na hindi lumilitaw ang mga opisyales. Kung ito ay mga tunay na kooperatiba o mga paper organization lamang para makakuha sila ng allocation doon sa rice importation ng gobyerno para maiwasan nila ang pagbabayad ng buwis.

Q: Paano sir kung napatunayan nga na mga dummies lang sila?

SP: Kakasuhan namin ng criminal case 'yung mga gumamit ng dummies sapagkat mayroon tayong batas diyan.

Q: Sa ngayon, sir, masa-cite in contempt sila?

SP: This is citation of contempt, iba 'yon. Marami sila. 'Yung criminal act, iba 'yon. Mabibilibid sila doon.

Q: Kakasya sila rito? Saan sila ide-detain?

SP: Dito sa aming detention area.

Q: Kakasya sila doon, sir? Andami nila.

SP: Magkakasya sila. Gagawa pa kami ng additional room.

Q: Ano 'yung condition?

SP: Hindi sila makakalabas hanggang hindi nila sasagutin ang aming katanungan. Defiance na 'yon sa authority ng Senado.

Q: Sir, anong mangyayari na po sa Indian national na hindi na bumabalik?

SP: Titingnan natin kung anong prosesong magagawa natin. Kung hindi natin mapapabalik, idi-dispose 'yung bigas niya ng gobyerno ng Pilipinas.

On the US election

Q: Sir, any comment na lang sa US election. Sinong bet niyo, sir?

SP: Alam mo, huwag nating pakikialaman 'yung eleksyon ng ibang bansa. Ayaw nating makikialam sila sa eleksyon natin.

Q: Pero sir, sino mang manalo kina Obama at Romney, ano ang epekto nito sa eleksyon natin?

SP: Pareho lang. Ang relasyon natin hindi kay Obama at Romney. Ang relasyon natin sa Estados Unidos.

Q: Pero sir, saan mas maganda ang relasyon ng Pilipinas? Sa Republican o Democrat?

SP: Pareho lang. Mayroon tayong kasunduan. 'Yon ang batayan ng ating diplomatic relations sa Amerika.

On the Sin Tax Bill

Q: Sir, are you satisfied doon sa substitute bill ni Sen. Franklin Drilon regarding the Sin Tax Bill?

SP: Sa amin, 'yung proseso okay lang pero pinag-uusapan pa. Tinatalakay 'yung nilalaman nung substitute bill.

Q: Pero realistic po ba 'yung 40 billion?

SP: Hindi ko pa alam.

News Latest News Feed