Press Release
September 26, 2012

Speech of Senator Ramon Bong Revilla, Jr.
LAKAS at Magdalo unification rally
Island Cove Leisure Park and Resort, Kawit, Cavite
Tuesday 25 September 2012

GREETINGS

Isang maalab at makasaysayang gabi po sa ating lahat!

INTRODUCTION

Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa pagdating ninyo dito para ipakita ang ating pagkakaisa. Inaasahan kong marami talaga ang makikiisa sa gawain natin ngayon, pero di ko akalaing ganito pala tayo karami. Ito lamang ay isang patunay na ang mga makikisig at mga barako ng Kabite ay nagkakaisa sa ating grupo, at ang pagkakaisang ito ang sisiguro sa ating panalo. Lahat tayo ay magkakasama para ipakita ang pare-pareho nating pagmamahal sa ating lalawigan.

Kahit na ulit-ulitin ko pa, Mahal ko ang Cavite; Mahal ko ang Kabitenyo; Patuloy akong maninindigan para ipaglaban ang kapakanan ninyo hanggang sa huling patak ng aking dugo!

MESSAGE

Mga kababayan, Sadyang napakahalaga ng mga darating na araw at panahon. Muli tayong pipili ng mamumuno sa ating lalawigan, na siyang mangunguna sa landas na ating tatahakin patungo sa patuloy na kaunlaran. This decision is very important for all of us, and there is no room for mistake.

Now that Cavite has taken its rightful place in the country, we should make sure that we do not lose what we have already gained. Let us not waste all the gains we have accomplished.Malaki ang papel na patuloy na gagampanan ng Kabite sa kaunlaran ng ating bayan, at dahil number one na rin tayo sa voting population sa Pilipinas, napakalaki rin ng ating magiging papel sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa ating bansa.

Malinaw na ang dapat nating maging mga pinuno sa lokal na pamahalaan ay ang may kakayahang kumpasan ang Cavite, at pamunuan ito sa responsibilidad na nakaatang rito. The decisions we make here, will greatly affect how our Province will collectively decide the future of our country. Our decisions here will reflect how our local leaders will take care of our kababayans and how our national leaders will look upon us.

Simple lang naman ang desisyong gagawin natin. Nasa harap ninyo ngayon ang dalawang partido na humubog sa Kabite, at nagbigay rito ng TUNAY na progreso.TUNAY na kaunlaran at TUNAY na pag-asenso. Kaharap niyo ngayon ang TUNAY na nagsumikap at nagtrabaho.

Kanino pa tayo, eh di sa TUNAY at TOTOO! Kelangan pa bang i-memorize yan?!

Ang Partido Magdalo na nagmula pa kay Pangulong Emilio Aguinaldo, ang nagtaguyod ng rebolusyon para sa ating kalayaan. Ang Magdalo rin sa pamumuno ni dating Goberndaor Johnny Remulla,ang nagsimula ng industrial revolution dito sa atin. Magdalo succeeded in transforming Cavite into one of the most economically prosperous provinces in the country. Ang ginawa ng Magdalo ang nagpanimula sa CALABARZON, na ngayo'y tinitingala sa buong bansa. Dahil dito, nagkaroon ng maraming trabaho. Nagkaroon ng kaunlaran. Nagkaroon ng progreso.Sa pamumuno pa rin ng isang taga-Magdalo, nabigyan ng International Standards Organization o ISO certification ang capitolyo.

Ang ibig sabihin nito, kapantay na ng pamahalaang panlalawigan ang iba pang mga mahuhusay na organisasyon sa iba't-ibang panig ng mundo. Yan ang partido Magdalo.Ang Lakas-CMD naman ang partidong nagsulong ng kaunlaran sa buong bansa. Lakas transformed the Philippines into Asia's Tiger economy.

Kinilala sa buong mundo ang maka-Diyos, Makatao, Makabayan at Makakalikasang adhikain nito sa pamumuno. Hanggang sa araw na ito, hindi pa napapantayan ang kaunlaran at progresong tinamasa ng Pilipinas sa ilalim ng Partido Lakas.

Dito naman sa ating lalawigan ay nakita natin ang bunga ng maikling pamumuno ng Lakas. The peace, order and stability we successfully attained have become the foundations of genuine growth and development. Nagpatupad tayo ng isang pamunuang malapit sa puso ng mamamayan, dama ang kanilang mga hinaing at pangangailangan na agad namang tinutugunan.

Because of our collective efforts, the benefits of progress have begun to trickle down to the grassroots, and are already felt by every Caviteño. Mas mabilis ang pag-unlad ng Cavite ngayon kumpara sa ibang probinsiya. Mas mainam manirahan dito sa ating mahal na lalawigan kasya pa sa Metro Manila.

Kung noon na magkatunggali pa ang dalawang partido, nasimulan na ang pag-unlad. NGAYON NA MAGKASAMA NA ANG LAKAS AT MAGDALO, TIYAK NA HIGIT PA ANG PAG-ASENSO DITO SA CAVITE!

Kung noon ay maraming nagsabi na tubig at langis ang ating mga partido, ngayon nakikita ninyo, dahil sa pagmamahal sa Kabite at mga Kabitenyo, tayo ay TUNAY na nagkakaisa, magkasama, at kapwa naninindigan!

Simula't sapul, sinasabi ko na, nasa pagkakaisa ang tunay na progreso at kaunlaran. Matagal na rin nating hinihimok na magkaisa ang mga pwersang pulitikal sa Kabite, para higit nating mapaglingkuran ang ating mga kababayan. Nariyan ang iba na magaling lang sa salita, pero parang isang ahas na sanga ang dila, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Dahil sa bulag na ambisyon at pansariling interes ay ayaw makipagtulungan. Sa kabilang banda, kaharap niyo ngayon ang mga may TUNAY na damdamin at hangarin para sa pagkakaisa.

Nandito ngayon, magkasama na ang dalawang malalaking pwersa ng Kabite! Ang matagal nang hinihintay at hinangad na pagkakaisa sa Cavite ay naganap na. Nagkaisa na ang Lakas at ang Magdalo, para sa kabutihan ng bawat Kabitenyo!

At kung marami tayong maririnig na panghuhusga at paninira, sige lang, hayaan lang natin sila. Madalas, ang bida, kahit anong bugbog ang abutin sa umpisa, sigurado, sa bandang huli, siya pa rin ang panalo.

Sa ating mga kalaban, tindihan na nila, dahil tayo ang bida sa isip, sa puso at sa damdamin ng mga kabitenyo, at hindi tayo magpapatalo! Hindi tayo papatakot kaninuman.

Actions always speak louder than words. Unlike a dime a dozen empty promises being thrown around you can never go wrong with character, track record and vision traits that both Jonvic and Jolo have over others. This team will not back down. This team will always fight. More importantly, this team will deliver! Ito ang Dream Team ng Cavite!

Sa halip na puro pangako na lagi napapako, tayo ay patuloy na kikilos at gagawa. Kung sila pangako-pako, tayo, GAWA! Hindi ngawa!

Sa ating pagkakaisa at pagsasama-sama sa tamang desisyon na ating ginawa, walang duda, lalo pang gaganda ang Kabite. Kung noon ay nanguna ang Cavite sa rebolusyon, ngayon, mangunguna ang Cavite sa pagpapaunlad ng ating bayan, na makikita at mararamdaman sa pangangalaga nito sa mga mamamayan. Ngayon sa Kabite, tayo ang magsusulong ng BAGONG SIMULA, BAGONG LAKAS at BAGONG BUKAS ng bansang Pilipinas!

Sa pagpapatuloy na pamumuno ni Governer Jonvic na hinog sa panahon; napatunayan na ang kakayahan; at bunga ng isang tanyag at iginagalang na pamilya ng mga lingkod bayan; hindi tayo maliligaw ng landas.

Katulong naman si Jolo na mulat sa katotohanan; dama ang pangangailangan ng mamamayan; tanggap at iginagalang na pinuno ng mga kapitan; mula rin sa pamilyang inilaan ang buhay para sa ating mga kababayan; tiyak tayo sa ating patutunguhan.

CLOSING

Ngayong nagkakaisa na ang mga Revilla at Remulla, tiyak mas maraming magagawa!Ngayong dumating na ang tambalang TUNAY at TOTOO, siguradong lalong giginhawa ang buhay ng mga kabitenyo! Ngayong magkasama na ang Lakas at Magdalo, ang babangga, giba!

Let us continue working for a Better Cavite for every Caviteño. Pinagsama ang kakayahan at karanasan, sa sigasig ng kabataan, isang bagong sibol na liderato ang ibibigay sa inyo. Wala nang atrasan, dere-derecho ang laban!

Sama-sama, durugin natin ang mga mapagkunwaring kalaban ng Cavite. Nagkakaisa, salubungin natin ang tagumpay sa 2013. Tandaan ninyo, sa nagkakaisang Cavite, walang imposible! Sulong kabitenyo, tungo sa BAGONG BUKAS!

Mabuhay ang Dream Team ng Kabite!

News Latest News Feed