Press Release
August 16, 2012

Transcript of interview with Sen. Manny Villar after the committee hearing on price gouging, food safety

Q: Items that should be included in the price control list.

Villar: Maraming bagay tulad ng bottled water nang sa ganon ay hindi tumaas iyan. Mas marami pa kaming ilalagay na items diyan para kapag merong krisis ay hindi magtataas ang mas maraming items. Mga basic tulad ng de lata, noodles, gamot, para hindi sasamantalahin ang mga emergencies sa ating bansa. Kaya meron tayong batas na ganyan para kapag emergencies, hindi dapat magkakaroon ng abnormal price increases. Doon naman sa safety ng ating mga pagkain, clearly marami tayong dapat gawin diyan. Maraming mga mamamayan ang hindi nalalaman ang panganib na kailangan nilang bantayan kapag malakihan ang preparasyon ng mga pagkain kagaya ng spaghetti, chicken. Ito ay mga very popular na pagkain sa atin. Kailangan babantayan natin ang preparasyon niyan para hindi nagkakaroon ng food poisoning kasi minsan nasisira kapag maramihan ang inihahanda. Ito ang findings ng Department of Health.

Q: Ano po ba ang mga goods ngayon na hindi pwedeng itaas kapag nasa state of calamity?

Villar: Sa ngayon, covered yung LPG, sardinas, noodles at idadagdag natin ang tubig. Nirereview natin ngayon ang listahan, syempre mas marami ang gusto kong ilagay diyan. Titingnan ko kung ano pang mga items ang talagang sinasamantala ng traders kapag ganitong may krisis o emergencies.

Q: Base sa hearing, may nakita ba tayong mananamantala nitong nakaraang Habagat?

Villar: Meron din at hindi mawawala iyan. Kailangang patibayin pa ang batas dito. Talagang marami ang tataas. Although, iyong karamihan ng pagtaas nandoon sa items na agricultural, kamukha ng gulay. Talagang napakahirap bantayan nito dahil talaga namang tumataas ang cost ng delivery dahil ang pagdala sa palengke ay tumataas tulad ng gulay. Hindi masyado ang karne at manok pero iyong gulay at prutas, iyan ang tumataas kapag may ganitong panahon.

Q: Iyong sugar at bigas, plano nyo rin po bang isama sa price freeze?

Villar: Dapat ding isama ang sugar at bigas.

Q: Kelan magiging effective ito?

Villar: Palagay ko wala namang magiging sagabal dito sa batas na ginagawa natin. Hindi naman ito kontrobersyal at sa palagay ko ito ay makakakuha ng suporta sa ating mga kasamahang senador at congressman kaya sa palagay ko madali naman itong papasa lalong-lalo na ngayon na nakita nating lahat ang problema kapag ganitong panahon.

Q: Technically, ano po ang gagawin, amending?

Villar: Ia-amend ko na lang, meron na kasing batas diyan. Kailangan lang palakasin, pagtibayin. Syempre idadagdag ko na rin yung sa botcha na bagaman na-approve na, hindi pa nagiging batas dahil wala pa sa Mababang Kapulungan. Subalit dito nakita natin na mukhang nakikipagtaguan sa atin ang nagbebenta ng botcha. Alam natin na maraming nalunod nitong nakaraang habagat at walang mahanap itong Department of Health na siyang nagbabantay. Hindi ako naniniwala na walang botcha. Sa palagay ko ay gumagaling sila sa pagtatago at kailangan gumaling din tayo sa pagbabantay.

Q: Not necessarily good news na wala nitong nakaraang habagat?

Villar: Hindi ako naniniwala na wala. Alam ko na tumaas lalo ang dami ng botcha. Nakakabahala na wala tayong nakita kaya palagay ko gumagaling magtago itong mga ito.

Q: On sin tax

Villar: Pag-aaralan muna natin. Marami ngayong mga bersyon. Sa palagay ko, mahalaga naman na magkaroon tayo ng sin tax. Ang pag-uusapan na lamang ay kung anong bersyon ang dapat nating ipasa at magkano ang dapat i-raise. Dito ay nakahanda tayong makinig sa presentation ng magkabilang-panig. Marami pang hearings na gagawin dito pero sa palagay ko, may consensus naman na dapat magkaroon ng karagdagang buwis. Marami tayong paggagamitan nito lalong-lalo na sa kalusugan ng mga mamamayan.

Q. On e-commerce act

Villar: Maganda naman yung hearing kanina, nakita natin yung mga problema. Sumisikat ito, online marketing at ito'y isang bagay na kailangan bantayan dahil palaki pa ng palaki ito. Sa ibang bansa napalaki na ito, at ngayon 4 na billion piso na raw, pwera pa yung sa airlines na ganito. Palagay ko, exponential, masyadong mabilis ang pagiging pagtaas nitong actviites dito sa online. Kaya kailangan nating bantayan, mayroon ng nanloloko na sa ngayon, may mga nahuhuli na talagang nanloloko. Kaya kailangan patibayin batas ditto, sumasangayon naman DOJ at DTI na kailangan palakasin natin ang batas sa e-commerce meron kaming ginagawa ngayon na comprehensive na proposal dito, na mas updated, mas marami kaming nilagay na provisions na mag-update sa ating batas sa ngayon. Tumutulong ang DOJ dito sa paggawa ng panukala na ito.

News Latest News Feed