Press Release
July 26, 2012

TRANSCRIPT OF INTERVIEW Call for further poll fraud
probe & case build up in reaction to FPGMA bail

Anthony Taberna (AT): Senator, bilang abogado po, ano ang masasabi ninyo sa desisyon ni Judge Mupas?

ASC: Unang-una, nalulungkot kami sa kalagayan ng kalusugan ng dating pangulo. But we have to uphold accountability and justice in this country.

Siguro, tama si Companero Raul (Lambino) na iba 'yung mapatunayan na may sala siya. Pero iko-correct ko din naman na iba din 'yung alam naman natin na guilty talaga siya. Alam naman natin ang dayaan ng 2004 and 2007 elections. Alam natin na may utos na i-zero si dating senador at ngayon ay Pangulong Aquino, si Senator Ping Lacson at aking sarili.

Alam din natin na pakana ng Malacanang noon ang pagpapatakbo doon sa kapangalan ko na si Pepito Cayetano at hindi dinisqualify in time para magkaroon ng confusion at hindi mabilang ang ibang boto para sa akin.

Napakarami pong witness all over the country. Kaya sana ituloy ng Comelec ang pagkuha ng witness para ma-build up lalo ang kaso laban sa mga responsable sa dayaan.

Kung maaalala ninyo, si Dir. Rafanan ay tinanggal sa panel of prosecutors, habang itinuturo na nga niya ang lahat ng ibang Garci Boys na ginamit noong 2004 and 2007 elections. Pero hanggang ngayon, nariyan pa rin sa Comelec at na-promote pa 'yung iba.

Kung gusto ng Comelec at ng DOJ na lumakas ang kaso nila, huwag lang magdepende sa witness nila na si Nori Unas. Napakarami pang ibang witness diyan.

('Continue Senate Poll Fraud Probe') Ang mungkahi ko nga, ituloy ni Sen. Koko Pimentel ang imbestigasyon ng Senate. At dapat, 'yung sinasabi ng Comelec na tuloy-tuloy ang imbestigasyon nila sa 2004 and 2007 elections, ituloy din. Kasi tama naman po ang kampo ni dating pangulong Arroyo na kahit alam mo o hindi mo alam na may dayaan, you still have to prove it through the proper judicial process.

AT: Sino sa palagay ninyo ang dapat sisihin diyan sa naging pasya ng husgado?

ASC: Lahat ng sa prosecution ay naniniwalang malakas ang kaso nila. Normal 'yon. Walang prosecutor na mag-iisip na mahina ang kaso niya. Pero ang judge ang magpapasya diyan. Pero maaaring iba ang pagtingin niya sa merits ng case. If the judge grants the bail, there's only one way for that to happen in a non-bailable case and that is if the evidence is not strong.

Ang kasong ito ay parang nasa ICU. Ibig sabihin, naghihingalo ang kaso na ito. Kung hindi maipapakita sa trial na matibay ang ebidensya, mapapawalang-sala ang dating pangulo.

Nakakalungkot naman ito dahil napakadami nang puwedeng witnesses, kahit sa jueteng scam man, poll cheating, o iba pang kaso laban kay GMA. May mga nababalita pa na ang iba ay na-kidnap at ang iba naman ay napatay na.

To give justice sa mga naabala at nabiktima, sana palakasin ang kaso ng Comelec at ng DOJ.

Hindi ko alam kung sino mismo sa kanila ang dapat sisihin - kung 'yung panel of prosecutors o kung sino ang inutusan ng DOJ secretary at ng chairman ng Comelec. Pero sa dulo, kung titingnan mo ang batas at polisiya ng gobyerno ngayon, ang mayroong responsibilidad na i-file ang kaso na 'yan at i-prosecute ay ang DOJ at ang Comelec.

So regardless if they think the case is strong or not, in the end, only the Judge may decide. In this light, I hope that the Comelec and DOJ will continue to build up the case, investigate, and gather more witnesses since they have the power to do so.

AT: Hindi po ba parang inapura ang kaso kaya parang naging hilaw ang isinampang demanda laban sa dating pangulong Arroyo?

ASC: Maaari 'yan. Pero ang isang nakikita kong weakness kasi, 'yung mga galamay at 'yung mga nasa ilalim katulad ni Comm. Garcillano sa 2004 election, hanggang ngayon hindi gumagalaw ang kaso laban sa kanila.

Kami ni Sen. Guingona at si Sen. Lacson, may finile kami na kaso na perjury na malinaw na malinaw laban kay Comm. Garcillano.

Kasi, sa ibang bansa, hindi ba, kapag organized crime, o kaya ganyan kalaking krimen, kukuha ka ng mga kasama sa krimen at ibi-build mo din ang mga kaso laban sa kanila para mag-witness sila laban sa mga mataas sa kanila. Pero parang hindi nangyayari 'yon dito dahil maraming padrino, maraming mga bata 'yung mga nandaraya sa eleksyon na hindi hinuhuli o kinakasuhan.

Ang kailangan natin ay political will ng DOJ at ng Comelec.

AT: Maraming salamat po, Senator Cayetano at umagang kay ganda sa inyo diyan sa Taguig.

News Latest News Feed