Press Release
July 23, 2012

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

It's time for Cha-Cha

Ito ay usapan lamang sa pagitan nina Speaker Belmonte at Senate President Enrile, hindi pa ito tinatalakay sa mga indibidwal na miyembro ng Senado, para sa akin ni hindi ko pa alam kung ano ang nais nilang ipanukala, ano ang specific na nilalaman nito, kaya hindi pa siguro ito ang panahon para magkaroon ng posisyon tungkol sa bagay na yan, kailangan para sa akin may mabigat na dahilan para gawin yan at hindi yung kung anong rason lamang.

May nakikita kang probisyon na dapat baguhin?

Maraming kailangang baguhin, economic provisions man, ilang paglilinaw sa political issues, kabilang na ang dalawang nakaligtaang balikan ng mga nagsulat ng Saligang Batas, ang paraan ng pag-amyenda ng Saligang Batas, pati yung sa JBC, pero mas maganda sana kung ito ay gagawin sa isang organisado at maayos na paraan kung saan magpupulong tayo ng eksperto para pag-aralan ito at hindi yung kung ano na lamang ang maisipan ninuman ay yun ang ipapanukala.

So not through Cha-Cha?

Ginawa na ito ni dating Pangulong Estrada, ginawa na rin ito dati ni Pangulong Arroyo, nagconvene sila ng pool of experts from various sectors para magpanukala, pag-aralan kung ano-ano nga ba ang kailangan at dapat baguhin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari doon sa mga pag-aaral na yon, o kung yan ang basehan ng bagong panukala na namang amyendahan ang Saligang Batas.

Ano ang message non na parehong lider ng Kongreso ang nagpu-push?

Hindi ko alam, sa totoo lang ito ang unang beses na nangyari, na naggaling sa mga lider ng Senado at Kongreso, at hindi galing sa baba sa pamamagitan ng resolusyon na inihain ng indibidwal na miyembro ng Senado man o ng House.

Unusual?

Unusual, bago ito pero tingan natin kung kakagat at kung lilipad ito sa mag miyembro mismo, bagaman sila ang pinuno hindi naman nila dala ang buong Kamarang kinakatawan nila at kailangan pa rin nilang ipaliwanag at kailangan pa ring makuha nila ang suporta ng kanilang mga kasamahan, sa Senado man o sa Kamara.

On RH bill na dapat pagbotohan na, bakit inuuna pa daw yung Cha-Cha

Pabor akong pagbotohan yung RH bill, one way or the other kailangang maresolbahan na ito, napakatagal nang pending ang panukalang batas na ito at siguro panahon na at napapanahon na mapagpasyahan ito, again one way or the other, para hindi naman nakabiting lamang ang Kongreso tungkol sa isyung ito at parang takot, parang takot hawakan, takot pagbotohan, takot pagpasiyahan. One way or the other each and every member of the Senate and the House should take a stand on this matter.

Election na next year hindi ba mag-i-slow down ang senate dahil anim ang mangangampanya?

Papasok yung panahon ng kampanyahan sa Enero pa naman o Pebrero, ang trabaho ng Senado malaking bahagi nito nasa taong ito, particular ang usapin tungkol sa national budget para sa 2013, siguro isang magandang panukat yon sa mga tatakbo sa darating na eleksyon, nasa House man o nasa Senate man, kung gagampanan pa rin nila nang patuloy ang kanilang trabaho at hindi nila uunahin yung pansariling interest kauygnay sa pangangampanya at hindi pag-attend ng mga sesyon.

Based on experience will it now slow down?

Hindi naman, noong nakaraang eleksyon hindi naging problema ang quorum sa Senado, I'm referring to the 2010 elections. Kasi naman kung andito ang balita, kung andito ang kamera nasa interest din naman ng mga kandidatong nandito rin sila sa Senado.

On Freedom of Information bill

Inaasahan kong tatalakayin ni Pangulong Aquino yan sa kanyang SONA kaugnay ng bersyong pinalabas ng Palasyo sa Freedom of Information. At siguro sa loob ng taong ito, sa loob ng Kongresong ito definitely maipapasa ang FOI, hindi ko lang alam kung anong hugis, hitsura, porma o kulay ng FOI.

News Latest News Feed