Press Release
July 20, 2012

Full transcript: Escudero Senate press briefing

Briefing at the Senate Press Office

Nag meeting ang JBC kanina para ayusin yung public interviews na gagawin at sisimulan next week. Dalawampu't dalawa yung kandidato na iinterviewhin ng JBC mula Martes hanggang buong linggo next week. Inaasahan namin dahil moving target namin magbobotohan kami by July 30, kung papasok sa lahat, sa schedule lahat ng iinterviewhin ng JBC.

May ginagawa po yung IBP na forum, magagamit ho ba ng JBC yun?

Maliban dun sa forum ng IBP, napagkasunduan din kanina na mag create ng Facebook, internet at Twitter account ang JBC para pwedeng magpadala dun ng mga suhestiyon o katanungan ang publiko na maaring padaanin sinumang miyembro ng JBC. Marahil mamayang hapon ay iaanunsyo na ng tagapagsalita ng Supreme Court yung mga Facebook website at Twitter account na maaring gamitin ng publiko para sila ay makalahok at makilahok sa proseso.

Sir, ii-screen po ba yung mga tanong? Pati po ba yung mga personal questions iaaccommodate nyo?

Meron susunding mga batayan ang JBC sa mga tanong na ipupukol syempre. Hindi naman siguro pwede yung mga tanong na below the belt at wala nang galang na mga katanungan. But as much as possible the JBC members will try to accommodate questions coming from the public. Yun ang napagkasunduan namin kanina.

Sir, yung mga batayan na inispecify? What do you mean?

Ano yung mga guidelines, yung mga susundin natin na pwedeng itanong?

May pinalabas na guidelines ang JBC. Bibigyan nalang namin siguro kayo ng kopya maya-maya, sa internal rules, sa pagtatanong ng JBC pero aplikable yun sa mga miyembro ng JBC.

May pagkakapareho ba yung pagtatanong dun sa Commission on Appointments?

Hindi naman. Usually ang tinatanong, tandaan natin ang batayan sa interview, ang tinitingnan dyan competence, probity, independence ng mga aplikante at nominado. Labas dun ang ika nga personal o mga katanungan na walang kinalaman sa pag test o validate nung mga bagay na iyon.

Bakit kailangan pa ng tulong public para may maitanong kayo? Able naman kayo to come up with...

Hindi naman tulong ng publiko, bahagi siguro ng transparency at wider participation yan. Isinapubliko mo na rin lang naman, eh kung hindi mo bibigyan ng pagkakataon ang publiko na makilahok eh baka balewala naman yung pagpapanuod nila. Sana interactive ang nais namin. Kung saan maliban sa mapapanuod ay may pagkakataon ding makilahok ang sinumang nais makilahok.

Ilang oras ho bawat ano...

Ang agreement yata kanina ay ang pagtatanong parang sa impeachment. Dadagdagan lang, limang minuto ang oras na binibigay para sa kada miyembro para sa katanungan labas sa pagbibilang ang sagot ng sinumang nominado o aplikante.

So ilan lahat yun? Depende kung lumabas na ang Supreme Court decision. Ilang ano? Ilang?

Thirty minutes? Ganon?

Depende kung ano ang tatanungin. Depende sa tanong. Kung ang lahat ng miyembro magtatanong plus flat time is 5 minutes, labas pa rin yung sagot. Siguro mga isang oras, isa't kalahating oras pinakamatagal na yun kada aplikante o nominee. Minsan naman kasi wala ring mga tanong sa ilang aplikante noon nung kami'y nag iinterview.

Sir, before mag start itong public interview niresolve muna yung issue ng membership o...

Inaasahan naming ipo-promulgate mamayang hapon ayon kay Justice Peralta yung desiyon ng Korte Suprema tungkol sa membership ng Kongreso. Sana by Monday matalakay namin yan sa Senado at matalakay din yan ng Kamara sa pagbubukas ng Kongreso. Sa panig at parte ko, tinuruan ako, estudyante pa lang ako, na anuman ang naging desisyon ng Korte Suprema, sang-ayon ka man o hindi dapat respetuhin, galangin at tanggapin mo. Tatanggapin ko anumang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa membership ng Kongreso dun. Kung isa o kalahating boto man, pero hindi naman siguro tig kalahating tanong ang magiging desisyon nila.

Pero sir yung House icha-challenge daw nila eh.

Iisa lang naman ang abogado ng House of Representatives at Senado, yun ay yung Office of the Solicitor General. Malamang magpafile ng motion for reconsideration ang Office of the Solicitor General sa ngalan naming. Subalit ang balita, bagaman ayaw kong pangunahan ay immediate and executor daw yung desisyon ng korte. Antabayanan nalang siguro natin mamayang hapon.

Sir, pwede pang i-undo yun? Ganun po ba yun?

Well pwedeng i-reconsider dahil divided court. Dahil ang boto daw ay 7-2, dahil yung iba ay nag inhibit. Dahil kapag ka divided court at muntik na nga silang hindi makarating ng quorum eh siguro naman ay may pag-asa pang ma reverse yung decision kung saka-sakali para sa mga darating at future Congresses pa. Kanina walang isyu at kwestyon dahil hindi pa naman pino-promulgate yung desisyon noong ako'y nag attend. At pangalawa, absent si Congressman Tupas so isa lang talaga ang kinatawan ng Kongreso kanina.

So sa Monday pag nag open ang Congress idi-discuss ba iyan ng Senate leadership?

Sana idiscuss. Ite-take up ko iyan kay Senate President Enrile itong weekend at siguro by that time alam na rin ni Congressman Tupas and I expect him to take it up also before and with the Speaker of the House and the leaders of the House.

So kayo ang magdi-discuss kay JPE over the weekend?

Ite-take up ko sa kanya yung options naming depende sa desisyon. We will also consult the lawyers of the Senate and the lawyers of the House how best to handle and tackle the situation.

Through telephone lang Sir nyo sya kakausapin?

Telephone lang siguro kami ni Manong Johnny. At ire-refer ang desisyon as soon as we get the copy sa mga abogado namin gayundin sa Office of the Solicitor General for the next action that they will be taking.

Sir paano nyo ireresolve just in case isa lang talaga ang member ng Congress?

Hindi ko alam. Hindi ko alam kasi ang nakalagay sa desisyon eh. Kung babalik ba kami sa dati na tig kalahating boto pero may tig isang kinatawan pa rin? O talagang isang kinatawan lang at pipili ang Senado at Kongreso kung sino. Oh, baka maging pasya ng Kongreso at ng Senado wag munang magpadala hangga't hindi ito nareresolbahan kaysa mag abide dun sa deisyon at baka ma teknikal kami sa bagay nay un. Malawak ang pwedeng pagpasyahan ng Senadong pwede nilang gawin o hindi gawin gayun din ang House tungkol sa abgay na ito.

Sir ano yung official status ni De Lima?

Tinalakay yun kanina. Sang-ayon sa rules ng JBC, ang sinumang may kaso sa Ombudsman, sa Korte Suprema, sa IBP for disbarment ay disqualified. Subalit hindi pa naming inaktohan yun kanina dahil may panahon pa naman. Bagaman sinasabi nila imposible na raw dahil napakaikli ng panahon para maresolbahana ng kasong iyan, still nagpasya kami kaninang ipagpaliban ang pagpasya sa kanyang estado hanggat hindi kami aktwal na nagbobotohan na para sa shortlist na isa-submit kay Pangulong Aquino para mabigyan si Sec. De Lima ng pinakamalawak na pagkakataon na maresolbahan at maexpedite yung mga kasong isinampa laban sa kanya.

Pero sir diba nag leave sya sa DOJ? Hindi pa sya officially nagpu-pull out sa nomination?

Hindi. As of kanina kasama pa sya sa listahn ng 22 na nominado. PInalitan sya kanina ni Usec. Art Musngi na tumatayong kinatawan ng DOJ na galling sa Office of the Executive Secretary.

So tuloy pa rin yung pag interview sa kanya by Tuesday?

Tuloy. Yun ang napagkasunduan kanina. S'ya nga yata yung unang unang iinterviewhin sa Tuesday.

Pero sabi nya makikiusap sya dahil parang harassment daw yung mga disbarment sa kanya saka in relation to what she did nung pinigilan nya si GMA na umalis.

Well ang problema namin dun, kapag ka napagusapan naming in passing yan. Ang problema naming dun yan ay maliwanag na rule ng JBC. At anumang rekomendasyon ng IBP, ang magpapasya at magdedesisyon nyan ay Korte Suprema mismo na baka maging bahagi sya kung sya ang mapipili at may maliwanang na conflict of interest dun. Pangalawa, sa mga naunang ng JBC, nagging napaka istrikto ng JBC sa mga ganyang uri ng sitwasyon. At unfair naman dun sa mga naunang dinisqualify namin kung biglang ngayon ay may iku-qualify kami. Walang exceptions na pinapatupad ang JBC noon. Kung maaalala nyo kahit noong panahon ni Sec. Devanadera, noong tinutulak talaga ni GMA na maappoint sya, tinayuan at tumayo ang JBC na sya ay disqualified dahil sya ay may kaso noon sa Ombudsman.

Pero sir, was the JBC not doing it for De Lima? Parang binibigyan nyo sya ng chance pa.

Usually pagboto naman talaga namin. Bagaman mahirap, malabo at malapit sa imposibleng maresolbahan yan bago kami magbotohan sa July 30, ayaw din naman naming i-preempt. Minsan naman kasi may mga milagrong nangyayari. So kung hindi naman talaga magbabago yun, edi ganun pa rin ang magiging pasya ng JBC pagdating ng July 30.

Ganun pa rin meaning?

Meaning, kung hindi na nareresolbahan yugn kaso, kung hindi pa dismissed yung kaso, kung hindi pa sya cleared sa kaso, sang ayon sa rules ng JBC, ni hindi naming kailangan pagbotohan yun, sya ay maaaring madisqualify.

Sir ang exception ba for example, officially nominated tapos biglang may nag file ng disbarment?

That would be an exception, yes. Pero pag may kaso talaga seryoso minsan wala naman sa timing yun eh. Tandaan nyo ang disbarment cases laban kay Sec. De Lima nagmula sa Korte Suprema mismo. Finorward ng Korte Suprema yan sa IBP para imbestigahan. Matapos meron syang mga pahayag na binigay ta hindi pagsunod na ginawa sa kautusan ng Korte Suprema.

So sir sa voting iko-consider nyo yung mga pending cases nya?

Hindi sa iko-consider. Under the JBC rules, these are disqualifications or grounds for disqualification.

So walang nakalagay dun sir na kahit may political harassment...

Ang exception lang ay halimbawa sa Office of the Ombudsman pag wala pang actual case number na pinafile or under investigation pa lang yun hindi considered as a disqualification yun. Another exception would be kung IPI case pa lamang at hindi pa full blown administrative case sa Korte Suprema, yun hindi rin disqualification. Pero sa kasong ito nirefer kasi yung kaso sa IBP ng Korte Suprema mismo. And this is a full blown case for disbarment. In fact there are 3.

So mukhang may mas ano, inclination toward disqualifying her?

Hindi inclination Christian. Gaya ng sabi ko, rules ng JBC yun, ni hindi pagbobotohan. Ni hindi yun pagbobotohan ng JBC kung hindi madidismiss yung mga kaso.

So pwede nilang sabihin na kung hindi nadismiss yung kaso before July 30, she won't be disqualified?

 That is under our rules, yes.

Sir si Sarmiento na clear na ba kung meron talaga syang pending sa Ombudsman?

Hindi pa dahil may kulang pang requirements si Commissioner Sarmiento. The JBC bent over backwards kaninang umaga by extending the period for all applicants and nominees to submit their missing requirements. May ilang mga nominado at aplikante pa na kulang pa ang kanilang mga papeles na kailangan i-submit sa JBC. We will be furnishing you with the copy of the list nung mga dokumentong kailangan nilang i-submit. Binibigyan namin sila muli ng hanggang Lunes, closing of office hours of Monday to submit all the documentary requirements that the JBC required them to submit. Failing in which, ni hindi namin sila ii-schedule for interview. Hindi naman kasi kami pwedeng mas interesado pa sa kanila sa pag comply sa requirements. Dapat sila ang magpakita ng interest kaugnay sa bagay na ito.

Sir, this early ba you have somebody in mind na, na sa tingin mo gusto mong isama sa shortlist?

Quite frankly nobody at ayaw kong isipin pa dahil baka mamaya ni wala akong karapatang bomoto para sa listahan yan. Huwag nating pangunahan yun.

Kailan nyo malalaman yun sir? Kung paano ang magiging arrangement nyo?

The decision will be promulgated today. Today is a Friday wala kaming session. So over the weekend titingnan siguro ng mga abogado yan. By Monday we would have to take it up, either in caucus or with the leadership of the Senate. And hopefully the leadership of the Senate and the House will come together and decide on the matter because the Senate cannot decide this on our own. We would have to decide this in consonance with the House of Representatives.

Pero sir kung mag momotion for reconsideration, so hindi pwedeng iimplement yun?

Ang problema may balita kaming nakalagay daw sa desisyon immediately executor yun.

So kapag may motion for reconsideration, talagang ipapatupad yun?

Ang motion for reconsideration will not toll the effectivity of the order if it says it's immediately executory. It depends nga dun sa decision, hindi ko pa nakita eh.

Sir how do you respond to the idea that everything is just a formality? Na may choice na talaga yung president?

Sino? Sino'ng choice nya?

Hindi natin masabi kung si Jardeleza sir.

Nakausap ko si Pangulong Aquino last week. Sa pagkakatantsa ko sa kanya, to be fair to the president, in all honesty, wala pa syang maliwanag na choice o napipili. Dahil maski sya mismo hindi pa sigurado kung sino sino ba talaga ang masasama sa shortlist na isasubmit sa kanya ng JBC.

So yung manok nya wala pa rin sa 22?

Walang pwedeng maging manok ang pangulo sa labas ng 22 pangalan na iyon. Baka nga less pa. At walang pwedeng maging manok dun ang pangulo ng wala sa listahan na ibibigay sa kanya ng JBC para pwedeng pagpilian. Nangyari na rin yan noong panahon ni GMA. May sinubmit kami sa kanya na mga mahistrado ng Korte Sumprema at pinabalik nya ito at sinsabing hindi raw sya masaya dun sa listahan. Tinayuan ng JBC, pinanindigan yung listahan, binalik sa kanya as is at sinabi sa kanyang mula lamang sa listahang lang yun sya pwedeng pumili.

Sir ang context kasi nung idea na yun, diba nung December nagsisimula palang yung impeachment controversy sinabi na ng Malacañang they were already looking for a possible replacement.

Ayokong itali si Pangulong Aquino sa anumang sinabi ng kanyang mga tagapagsalita na marahil ay iba sa kanyang pananaw kaugnay sa bagay na yan na nakita naman nating nangyari sa mga nagdaang panahon. I am basing it with my personal conversation with the president on the matter and I can say he does not have a choice as of yet.

Kailan po kayo nag-usap ni PNoy?

Last week.

Napag-usapan rin ba ang pulitika?

Sa pulitika, sa personal, maraming pinag-usapan.

Sa LP coalition ka na?

Hanggat hindi inaanunsyo, dahil hindi naman ako bahagi ng governing board ng LP o ng UNA, ayokong pangunahan ang LP o ang UNA sa pag-announce ng mga mabibilang sa kanilang koalisyon. Maghihintay na lamang siguro ako ng kanilang pasya kaugnay sa bagay na iyan.

Magiging policy daw ng UNA na kapagka sumali ka sa kanila ay hindi ka na pwedeng mag-campaign sa another party.

Narinig ko rin iyon pero gaya ng sinabi ko, ayaw kong pangunahan ang kanilang magiging pasya dahil hindi naman ako bahagi sa directorate, governing board o myembro ng anumang partidong bahagi ng LP coalition.

Pero nililigawan kayo pareho.

Nag-uusap kami ni Pangulong Aquino. Nag-uusap kami ni Vice President Binay but it is up for them to announce and to decide. It is not up for me to preempt it.

Pero ikaw ang magde-decide. Kung pamimiliin ka sino ang pipiliin mo, ang UNA o ang LP coalition?

Ang pulitika ay hindi naman parang pag-ibig na kailangan isa lang. Maaari at posible na ikaw ay tulungan, suportahan at iendorso ng iba't ibang partido. Sa punto de vista ng sinumang kandidato ay malaking bagay para sa kanya at malaking pasasalamat sa parte rin namin iyon.

Hindi ba dapat sa pag-ibig stick to one lang?

Isa lang nga. Hindi gaya ng sa pulitka. Ang pulitika pwedeng Maradi hindi ba?

Ang gusto ng UNA ay stick to one. So hindi mo kaya iyon sa pulitika?

Hindi question ang hindi kaya. Unang-una, alalahanin natin na hindi naman ako myembro ng anumang partido at walang sinuman ang pwedeng mag-impose ng rule kaninuman. Ang tanong ay kung tatanggapin nila na ganoon iyon at hindi para sa akin na sagutin ang tanong na iyon.

Pero sino ang mas matimbang sa inyo, ang UNA o LP?

Sino ba ang mag-aakala na magkakaroon ng hiwalay na slate ang NoyBi na sinuportahan ko noong nagdaang eleksyon? NoyBi ang sinuportahan ko noong nagdaang eleksyon at wala akong sinunod na linyada o partido o coaliton. Tulad ng maraming botante sa ating bansa, namili sila Nang walang ginalang o sinunod na partido. Pareho silang malapit na kaibigan ko. Mas kahenerasyon ko nga lang ng malapit ng kaunti si Pangulong Aquino pero mas marami naman kaming pinagsamahan ni Vice President Binay na mga laban tungkol kay FPJ at laban kay GMA.

So torn kayo?

Hindi naman. Gaya ng sabi ko, desisyon nila iyan. Sa panig at parte ko basta ako ay mangangampanya para sa aking kandidatura. Sinuman ang makita kong katabi ko, kasama ko, o kapiling k osa pangangampanya sa darating na 2013.

Kahit si Mar Roxas makasama ninyo?

Wala naman akong problema kay Senator Roxas. Nagkataon lang na hindi siya ang nasuportahan ko noong nagdaang eleksyon at hindi naman siguro basehan iyon na magkaroon ng alitan ang sinuman.

Pero nakausap ka na ng leadership ng UNA. Sabi ni Erap kasi malaking hassle sa...

Ang nakipag-usap sa akin ay si Vice President Binay, so far.

Tama ba na kukunin kayo ng 2 slates. Okay sa inyo iyon. Mas makakatulong.

Bakit hindi. Pero gaya ng nasabi ko, desisyon nila iyon. May mga kondisyon sila na hindi pwedeng 2. Nasa sa kanila iyon.

So pag may seloso na ayaw mag-share sa inyo..

Hindi naman. Pero desisyon at pasya nila iyon.

Mas gusto ninyo na dalawa ba?

Sa punto de bista ng sinumang kandidato. Syempre, mas maraming sumusuporta sa iyo, bakit hindi. At mas maganda iyon. Siguro ka-plastikan namang sabihin na ayaw ng sinumang kumakandidato iyon. Pero hindi namin desisyon at pasya iyon.

So sasama ka ng LP pero magkakampanya ka on your own.

Iyon naman talaga ang ginagawa ko noon pa at nasabi na yata ni Senate president Enrile iyon. Maski naman siguro siya ay nangampanya rin ng halos mag-isa rin. At karamihan ng mga senador ay mag-isa namang nangangampanya maliban doon sa mga major rallies na inorganize sa simula, sa dulo, at siguro sa major cities.

Pero pwede mo na ba sabihin ngayon na hindi ka aakyat sa kahit kaninong entablado?

Hindi. Hindi ako nakahandang sabihin iyon dahil hindi ko naman alam kung ano ang arrangement. Kung isang grupo lang naman ang makakasama ko bakit hindi ako aakyat sa entablado at kung nagkataon na nandoon rin naman ako. At kung nagkataon na kaibigan ko rin naman ang tatakbo, walang pipigil din naman sa akin para gawin iyon anuman ang partido na kinabibilangan niya.

E kung papiliin kayo, sir?

Gaya ng nasabi ko, hindi para sa akin ang mamili. Desisyon nila iyon. Sila ang may slate at hindi ako. Mag-isa lamang akong kandidato. Ang bola ay nasa kanila.

Plataporma ng dalawang coalition.

Kahit anuman siguro ang partidong tignan mo, pareho halos ng plataporma. Nasabi ko na rin minsan iyan. They want to alleviate the plight of the poor, a case of economic recovery, promote land reform, promote health services. They all appear the same sa plataporma sa ating bansa at nagkaiba lamang siguro sa personalidad at liderato.

So kaya open ka rin sa LP o UNA kasi hindi mo naman kinokonsidera na oposisyon ang UNA.

Hindi ko itinuturing na oposisyon ang UNA dahil ang pinuno nito, ang isa sa mga pinuno nito ay nakaalyansa sa administrasyon. Inappoint ni president Aquino si Vice President Binay, bahagi ng administration coalition. In fact, si Senate President Enrile na isa sa mga haligi ng UNA ay suportado ang adminsitrasyon ni Pangulong Aquino.

So sa ngayon ay wala talagang opposition, sir.

Ewan ko. Ang minority siguro sa House of Representatives. Maski na ang minority leader ng Senado na Si Sen. Alan Cayetano ay magiging bahagi ata ng administration coalition. But then again, minority in the Senate and the House means they voted for the losing speaker and Senate President. It has nothing to do with administration or opposition which is to a large extent an executive function.

Mukhang hindi nyo naman problema ang UNA or LP kasi number one naman kayo sa survey.

Sinumang mataas sa survey, hindi dapat magmalaki. Sinuman ang mababa, hindi dapat mainis. Nagbabago ang survey at malayo pa ang halalan.Dapat lahat magtrabaho at magsumikap para manatiling mataas o para makapasok, kung hindi man sa ngayon. Boto pa rin sa eleksyon ang pinagbabasehan at hindi ang survey.

Ang pending coalition, pwede bang eventually magbunga ito ng pagbabago sa Senate leadership?

Posible. Pero I think ang coalition na pinag-uusapan ngayon ay bilateral at hindi unilateral. Siguro mas maganda na sila ang tanungin ninyo doon. Hindi naman ako bahagi sa usapan. When I say bilateral, it is between LP and NP, it's between LP and NPC. It's not multilateral or amongst all the parties, between and among themselves.

So possibility iyon na maging magkakaalyado.

Posible. Pero may kailangan pa rin kasi na gumanap na papel na minority leader. Hindi naman pwede na majority lahat. May mababakanteng opisina rito kung walang minority leader sa Senado.

Consideration mo sa 2016 ang pagpili mo whether UNA o LP?

Hindi. Ang mga nasusulat na diskarte kaugnay sa 2016 ang mga nababanggit na mga pangalan ay puro pangalan ng mga hindi tatakbo sa 2013. May karapatan at basehan siguro sila na mag-isip at magplano ng ganoon na kalayo. Ako ay may kinakaharap na elesyon at laban sa 2013. doon lamang ako nakatuon sa ngayon. Mahirap ang masyadong malayo ang tingin. Baka hindi ka umabot o lumampas sa kinakaharap mo na mas malapit.

So hindi totoo ang Mar-Chiz?

Hindi totoo in what sense? Ibig sabihin never mangyayari o imposible. Hindi ko alam. Posible lahat ng bagay. Sa ngayon, 2013 lamang nakatuon ang aking pansin. Sila siguro dahil hindi sila tatakbo sa 2013. Sina Vice President Binay, Sec. Roxas, Sen. Jinggoy. Tama lang siguro at may basehan sila na isipin, pagplanuhan at tignan na ang 2016.

Sa last SWS survey, lahat ng gov't official ay bumaba maliban kay Vice President Binay.

Ang dynamics naman talaga ng survey ay ganyan. Tumataas, bumababa, nagpa-plateau. Ang importante ay kunin mo ang gitna o mean ng survey para malaman kung ano ba talaga ang rating mo. Marahil kaya bumaba at malai ang ibinaba ng ilan sa mga top officials natin ay dahil mas controversial ang kanilang mga posisyon at paninindigan kabilang na si Pangulong Aquino, Senate President Enrile, Speaker Belmonte, at Chief Justice Corona. Mas kaunti naman talaga ang issue na kinakaharap at kailangan maging controversial ni Vice President Binay sa mga nagdaang buwan.

Do you think kailangan ba i-include ang issue ng Scarborough Shoal sa SONA?

Para sa akin, dapat talakayin iyon dahil apektado na ang mga negosyo dito at ang ating ekonomiya sa gagawing pagpapasya ng gobyerno dito. Importante na ma-update tayo ng ating pangulo kaugnay sa balakin ng administrasyon tungkol diyan. Bahagi ng State of the Nation iyan. Kabilang na dito ang legislative agenda at tatahakin sa darating na taon.

Nagconsult ba sa iyo si PNoy?

Hindi. Hindi ako bahagi ng grupong iyon.

Hindi ka ininvite sa cabinet.

Nagkita-kita kami ng ilang cabinet members noong nagpunta ako doon pero hindi.

So far ano ang tingin ninyo sa approach na ginagawa ng gobyerno sa Scarborough Shoal dispute?

Na hindi na masyadong nagsasalita. Hanggat maaari ibigay ang pagkakataon para maiwasan ang direktang pag-away at pakikipaglaban. Sang ayon ako doon.

Sabi ni Sen. Miriam dapat mas aggressive na tayo sa Scarborough Shoal.

Masalimuot at mahirap na usapin kasi iyon. Kung dalhin mo to its logical conclusion, saan makakarating iyon. Para sa akin, ang bare minimum ay huwag nating bitiwan ang claim at karapatan natin ng pag-aari doon pero hindi naman natin kailangan na maresolba lahat ng issue ngayon kung hindi pa napapanahon at sarado pa ang isip ng isa o 2 panig.

Pero si dating National Security adviser Belmonte may sinabi na parang only China can stop...

Sa loob mismo kasi ng China miso may hidwaan, sa pagitan ng political arm at military nila. Iba ang posisyon, supposedly, ng dalawa. Kaya din siguro pabago-bago ang ginagawa.

Makabubuti ba ito para huminto ang pangbu-bully?

Siguro mas magiging stable sila. Ika nga ng akusasyon ng ilang mga sumulat na kolumnista na dinidistract lang nila ang mga kababayan nila sa nagaganap na gulo ngayon sa China. Siguro naman kung ma-resolve at ma-settle iyon baka mas maliwanag na ang kanilang magiging tayo, mas maging friendly.

Do you agree na ang mga upcoming elections ay may kinalaman sa posturing ng 3 bansa?

Insofar as the US is concerned, may election man o wala, malaking bahagi ng kanilang ekonomiya ay nasa kamay at impluwensya ng China. Pangalawa, maliwanag naman talaga ang mutual defense treaty at limitado ang involvement ng America sa bagay na ito. Peri inappreciate ko pa rin ang kanilang pagpapadala ng pwersa dito bagaman hindi rektang nakatali sa pagdepensa n gating bansa kaugnay sa territory na ayon sa kanila ay hindi naman undisputed sang ayon sa MDT.

Sabi ni JPE he is willing to smoke, drink wine with PNoy just to convince him na suporatahan ang cha-cha.

I have yet to hear that. Actually, lahat ng pagpupulong sa cha cha ni Senate President Enrile at Speaker Belmonte ay hindi naman ako naimbitahan. Hindi ko alam ang nilalaman ng panukala nila kaugnay sa cha cha. Siguro mapag-uusapan naming iyan sa Senado para magkaroon ng posisyon ang Senado bilang isang institusyon. Sa ngayon, ang basa ko ay ito ay personal na posisyon pa lamang ng leader ng Senado at ng Kamara at hindi pa dito kabilang ang indibidwal na pananaw ng kada myembro ng Senado at kongreso.

So silang 2 lang?

O mga leaders... Kasi never naman naging agenda ang charter change sa Senado. Sa House ang pagkakaalam ko hindi rin naging agenda iyon bilang isang institusyon. I think it is between the leaders of both houses at this point in time. Darating na bababa din iyan sa amin.

Napapanahon ba?

Nais kong pakinggan ang kanilang argumento at mga basehan at kung ano ang eksaktong babaguhin nila bago ko siguro husgahan at bago ako magdesisyon.

Napag-usapan na ninyo ni PNoy ang cha cha?

Hindi.

Ano ang status ng Juvenile Justice Law?

Ilalabas namin ang committee report hopefully by the fourth week of session once it opens. Itong second week siguro.

Pabababain nyo ba ang...

Nagdedebate pa kami sa totoo lang. dalawa ang options namin: suspension or amendment ng JJ Law.

News Latest News Feed