Press Release
July 19, 2012

EXPECTATIONS ON PRESIDENT PNOY'S 3rd SONA

"I am hoping the President will discuss his plans and policy on how to proceed with our relations with China. He has to be clear on our stand and have concrete plans of action that will address the impending problems involving trade, tourism and national security. This will have a great impact not only on our National Territory, but also on our economy with China, it being our third largest trading partner. Ang ating trade volume with China last year ay humigit sa 32 billion US dollars, at inaasahan pa ngang madoble sana ito by 2016."

"Inaasahan ko rin na tatalakayin ng Pangulo ang mga plano ng gobyerno tungkol sa power sector. Kailangan na ng malinaw at agarang programa para matugunan ang mga pangangailangan ng bansa sa kuryente. Our existing energy infrastructure can no longer sustain our needs, at sunod-sunod na ngang nasisira at naghihingalo ang iba't-iba nating mga planta. The President should articulate a concrete action plan, lalo na para sa Mindanao, para mapigilan natin ang nakaambang power crisis. Kung hindi kasi tayo kikilos ngayon, baka masayang ang lahat ng progresong nakamit natin kung tatadtarin na naman tayo ng mga brownout. We still have time to avert this impending problem."

"Siyempre, tatalakayin din ng Pangulo ang kanyang mga priority legislation, at nakikita ko na itutulak niya ang agarang pagpasa ng panibagong Sin Taxes at ng Freedom of Information Act. Kami naman sa lehislatura ay naririto para makipagtulungan sa Pangulo para higit pang maisulong ang kanyang mga programa."

"I believe that the Freedom of Information Act will enhance the President's drive for greater transparency and accountability, kaya inaasahan kong pag itinulak ito ng Pangulo, tuluyan na itong maipapasa." "Gusto ko rin sanang marinig sa pangulo ang progreso sa kanyang itinutulak na mga PPP o Public-Private Partnerships. It's been two years already since we heard this in the President's first SONA, at gusto nating malaman kung kumusta na ang pag-usad nito."

"Paulit-ulit akong nagfa-file ng panukala sa Senado for a legislated wage hike. Every SONA, kahit noong nakaraang administrasyon, hindi ako nawawalan ng pag-asa na tatalakayin ng pangulo ang usapin ng makatarungang sweldo ng ating manggagawa. Although I am hoping against hope, sana, the President allots some time to discuss wages in the country. I am also hoping to hear about how the national government intends to provide more employment opportunities Naging maganda ang ating job generation program for 2011 at bumaba nga ang unemployment rate, pero, marami pa rin ang mga walang trabaho. At the end of 2011, there were still 2.8 million who had no jobs, at gusto nating malaman kung ano ang plano ng pamahalaan para sa kanila."

"May naririnig tayo na may nagtutulak na naman ng Charter Change. I hope the President puts this speculation to rest either way. Personally, hindi ako pabor sa Cha- Cha sa panahong ito. We have less than a year before elections, at nababahala ako na baka maging ura-urada lang ang proseso ng pag-aamiyenda sa ating Konstitusyon kung ngayon natin ito gagawin. We accept that there are economic provisions that may need amendment, pero, hindi naman natin pwede i-limit sa mga ito lang ang babaguhin pag inumpisahan na natin ang proseso. We need to be deliberate in how we will open up the Constitution dahil kung hindi, baka mas makasama pa ito kaysa makabuti."

News Latest News Feed