Press Release
June 4, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the amendments to the Anti-Money Laundering Law

Q: Sir, ano po 'yung basic na premise sa kanina, after the amendments or are you questioning the MOA?

SP: Gusto namin lang malaman kung ano 'yung nilalaman ng MOA para naman hindi mababahala ang publiko. Nakita namin na very restrictive rin naman 'yung MOA. Pero ako, ang sinabi ko sa kanila na pag-aralan nilang mabuti 'yan sapagkat kagaya ng nangyari sa impeachment, nakita namin na kailangan respetuhin 'yung provision ng Section 2 Article 3 ng Saligang Batas na igalang at hindi labagin ang karapatan ng taong-bayan, ng sinuman sa ating mamamayan, 'yung kanyang katauhan, mga papeles at personal effects ay hindi subject to search warrant or seizure ng walang pahintulot ang mga hukom ng ating bansa. Ang sabi nga ay the right of people to be secure in their persons, papers and effects against unreasonable searches and seizures shall be inviolable. Then, sinabi kung papaano gagawin 'yun para hindi maging unreasonable searches and seizures.

Q: Sir, sapat po ba 'yung assurance ng AMLC na they won't actually give the bank reports only the summary? Sir, alarming pa rin po ba 'yon?

SP: 'Yun ngang sinabi ko, kung 'yun din ang nilalaman ng report 'yun ding binibigay ninyo, pag-aralan niyong mabuti 'yan dahil mayroong mga prohibitions. Kailangang lahat ng mga batas na 'yan, you have to dovetail them or reconcile them in order that they will all be respected. One law cannot override another unless there is an expressed authority from the lawmaker which is Congress.

Q: Sir, ano po bang mga amendments ang habol natin aside sa mga sinabi niyo?

SP: 'Yung amendment na kailangan naming ipasa itong Anti-Terrorist Financing. 'Yung mga sumusuporta sa mga terrorist ay kailangang masugpo 'yan. Pangalawa, unilateral power of the AMLA to look into suspicious transactions or covered transactions without having to give notice to the party dahil kapag sinabi mo, "Oy, titingnan ko 'yung bank account mo dahil ikaw ay may suspicion na nagnenegosyo ka na ng droga," ay tatanggalin na kagad 'yung pera na 'yun. Common sense will also say that tama naman 'yun.

Q: Sir, ano pong balak? Mukhang hindi po aabot sa deadline dahil mag-aadjourn na po ang Kongreso.

SP: Palagay ko mamayang hapon pag-uusapan namin kasi certified bills 'yan.

Q: Sir, based on what you heard this morning, do you think there is a danger that the MOA between BIR and AMLC may be abused or used against certain persons?

SP: Hindi naman siguro kasi very restrictive 'yung kanilang MOA to be fair to them.

Q: Sir, may mga nag-suggest na independent na lang po ang AMLC from BSP...

SP: 'Yun ang pag-aaralan namin dahil sinabi ni Joker na sa mga ibang bansa, hindi kasama sa Bangko Sentral nila 'yung AMLC. Kagaya ng sinabi ko kanina, kung 'yung AMLC ay i-rerelease sa ibang tao o ahensiya 'yung nakalap na impormasyon sa ilalim ng kapangyarihan na nanggaling sa Kongreso, parang nilabag mo 'yung provision ng Section 2 of Article 3 ng ating Saligang Batas, 'yung inviolability of the right of the people against unreasonable searches and seizures.

Q: Sir, may sinasabi po 'yung Financial Action Task Force (FATF) na kapag hindi kagad nailabas 'yung amendments sa AMLA ay parang ma-blablacklist po tayo?

SP: 'Yun nga ang pag-uusapan namin mamaya at sisikapin namin na tapusin 'yung dalawa dahil 'yung pangatlo ay medyo maraming usapan sapagkat 'yung pangatlong Bill ay ineexpand 'yung coverage ng predicate crime na ngayon ay nasa loob ng ating bansa.

Q: Sir, posible bang humingi tayo ng extension sa FATF?

SP: Hindi. Kailangan we will meet the deadline.

Q: Sir, paano 'yung kung ma-approve today, magbibicam pa, kaya pa rin po ba?

SP: Oo, kaya 'yun.

Q: One day bicam?

SP: We will just adopt the version of the House. Pwede rin naman.

On former Chief Justice Renato Corona

Q: Sir, 'yung SALN ni CJ Corona hinihingi na po ng BIR from the Senate?

SP: Wala silang hinihingi sa amin. Ang hiningi lang nila ay certified copy ng waiver niya.

Q: Sir, di ba sabi niyo 'wag ng kasuhan si CJ Corona but BIR is determined to pursue a tax evasion case...

SP: Dapat lang kung mayroong hindi nabayarang tax. Okay lang 'yun pero kung ikukulong mo, hindi na.

Q: So obligasyon lang ng BIR 'yung gagawin nila?

SP: 'Yun ay sa aking paningin. Makakatulong pa 'yun sa bayan.

On Senator Miriam Santiago

Q: Sir, ano po 'yung comment niyo sa online petition na i-reconsider 'yung ICC seat ni Senator Santiago?

SP: Hindi ko na pakialaman 'yon. Bakit daw i-rereconsider?

Q: Dahil daw po sa naging behavior niya noong impeachment trial...

SP: Alam mo, kapag nasa loob ka ng husgado, minsan ang balitaktakan ay umiinit. Ngayon, iba naman kung siya ay nasa International Criminal Court. Palagay ko naman si Miriam ay matalinong tao. Hindi naman niya gagawin 'yun sa International Criminal Court. Dito, bilang senadora, libre siyang magpahayag ng kanyang opinyon. Palagay ko kapag andoon na siya sa ICC, iba naman 'yung forum na 'yun. Hindi naman ata sila magkakasama sa hearing. They can work outside, even in their home country. Kaya lang sila nagpupulong kung may kaso. Dinidinig lang nila 'yung mga presentation ng mga ebidensiya ng mga abogado. Hindi kagaya ng sistema sa impeachment trial na pwedeng tumindig 'yung senador at magbigay ng opinyon. Doon, hindi. Strikto sila sa kanilang rules.

Q: Ano pong advice niyo sa kanya?

SP: Wala. Hindi mo pwedeng bigyan ng advice ang isang senador. She's an independent entity unto herself.

News Latest News Feed