Press Release
May 14, 2012

Transcript of interview with Majority Leader Sen. Vicente C. Sotto III

Q: Sir, nakalabas na ng bansa 'yung Panamanian National?

Sotto: Kailangan pag-aralan nating mabuti and we try our best, especially in the Senate, more particularly the Committee on Foreign Relations when we convene the hearing, as soon as the chair convene the hearing, we will try to review, research and find out what option are left for us. Kasi black eye ito sa bansa natin, kasi ang mensahe sa ibang bansa ay pwede palang mang baboy at mambastos ang diplomatic agents or diplomats, pagsinabi ng embassy nila na diplomat eh may immunity. Lahat ng ibang bansa ay titignan ang bansa natin na parang basura na kahit ano pwede nilang gawin dito so kailangan pag-aralan naming mabuti at sana maki-isa samin ang executive department na isipin din nila kung paano ang magandang paraan dito. I think commendable naman ang ginawa ng DFA after all these eh deneklara nila na persona non grata at least meron action from the DFA, ang disappointing lang ang DOJ alam nila as early as last week or almost two weeks ago alam naman nilang may controversy na ganito, alam nila na may imbestigasyon na dapat gawin at alam nila na dito sa Senado hiniling na namin, openly, na kahit magkaroon lang ng watch list, kahit hindi na hold department order hanggan hindi nalilinawan, sapagkat sila ay nalalabuan, kami malinaw samin dahil ni research ng mga staffs naming 'yun, kitang kita na walang diplomatic immunity ang taong 'yun, ang diplomatic immunity ay nanggagaling sa salita lang ng embassy nila pero wala sa papel, ni hindi covered ng Vienna Convention, kaya disappointing na DOJ pa ang nagbabanggit ng Vienna Convention ng 1961 na pag binasa mo at pinag-aralan mo ang gawa ng committee naming hindi siya immune, wala syang diplomatic immunity at kung s'ya man ay meron na tinatawag na as diplomatic agent ay meron s'yang immunity, he violated dahil hindi sa official function n'ya ginawa ang krimen, maliwanag walang ibang pagtatakpan kaya nakakapagtaka paano nagkaroon ng utak ang executive department. Anong Vienna Convention ang pinagsasabi nila, wala dun, hindi s'ya sakop.

Q: Sir particularly disappointed kayo kay Sec. De Lima?

Sotto: Oo! Ang nakakalungkot kay Sec. De Lima, aside from DOJ in action nagsasalita pa na may diplomatic immunity at isa-cite pa ang Vienna Convention na hindi nila nabasa ang Vienna Convention dahil kung binasa nila pareho ng ginawa ng committee naming, na inilabas dito sa Senado ni Sen. Legarda, maliwanag na wala s'yang diplomatic immunity, hindi nila dapat pinayagan lumabas, nakita n'yo ini-eskortan pa ng ambassador, dapat managot din 'yun ambassador satin

Q: Ipapatawag n'yo po si Sec. De Lima at ambassador?

Sotto: Lahat ng pwedeng ipatawag upang mabigyan linaw ang pangyayaring ito, para mai-angat naman sa basurahan ang imahe ng Pilipinas lalo na ng kakaihang Pilipino kailangan ipatawag lahat ng nakaka-alam ng istoryang ito at kung anong aksyon ang pwedeng gawin ay magawa natin.

Q: Sir may extradition treaty ba ang Pilipinas sa Panama?

Sotto: Hindi ko pa sigurado 'yan, hindi ko masasagot 'yan dahil ayaw kung gumaya sa kanila na sumasagot pero hindi nila alam ang sagot na tama.

Q: Sir 'yung sa Panamanian issue, paano yan makaka-apekto sa confirmation si Sec. De Lima?

Sotto: Mabigat 'yon, palagay ko hindi na nila isa-submit 'yun dahil masyado s'yang maraming pananagutan dito.

Q: Sir baka po idahilan n'ya na hindi talaga magkaka-issue ng watch list order ang DOJ dahil may TRO?

Sotto: Ano?

Q: Di ba po ang SC nag-issue ng TRO dahil po sa issue ni GMA.

Sotto: Hindi! iba naman 'yon, ang TRO ay para dun sa Arroyo case at tsaka maraming pamamaraan na pwedeng gawin ang department of justice and bureau of immigration upang ma-hold 'yun, maraming pamamaraan, kwestsunin lang ang kahit anong maliit na bagay, kung 'yung mga kababayan natin na lumalabas ng bansa na wala naming asunto dahil lang hindi nalinawan konti dun sa mga papeles o hindi malinaw ang pupuntahan naho-hold nila ito pa na mayroong nagre-reklamo ng rape, a heinous crime in the Philippines, ang dami pang paraan upang mai-hold hindi na nga kailangan watch list order o hold department order, ang kailangan dun ay 'yun tamang tindig para sa karapatan ng mga kababayan natin.

Q: Sir, hindi na raw isa-submit ng Malacanang 'yun reappointment?

Sotto: Siguro dahil alam na mahihirapan samin pagkaganyan ang kilos nila. Ewan ko lang kung anong magandang explinasyon ang maganda nilang gawin para dyan.

Q: Reappointment daw sir?

Sotto: Eh di mabuti para matanong siya ditto naming sa Commission on Appointment, mabuti yan para makausap naming sya dahil napakarami nilang dapat sagutin.

Q: Sir amy aamiyendahan sa Vienna Convention para hindi maabuso ang diplomatic immunity or privilege?

Sotto: Kung tutuusin hindi na kailangan, tamang interpretasyon lang ang kailangan. Tignan n'yo nga 'yun sa New York, si Stramms, mas mababang kaso 'yun pero nakita n'yo na-hold nilang lahat, inimbestigahan nila. 'Yun mga sasakyan ng mga members at ambassadors at mga diplomats ng UN sa New York pinaghuhuli ng Mayor at pulis hindi sila makasigaw ng diplomatic immunity, traffic violation lang 'yun dito heinous crime, rape, diplomatic immunity agad ang sinasabi ng DOJ, kawawa naman ang bansa natin pagka ganyan ang takbo ng utak ng mga namumuno satin.

Q: kailang po ba ng amendment ng treaty?

Sotto: If we are proven wrong we can do that, but I don't think we can be wrong in that particular issue, ang linaw linaw ng article, basahin at review-hin lang nilang uli. Ang nakakalungkot dito, if they insist, we will start suspecting that there are some big forces or big people behind this thing, protecting this guy from Panama. 'Yan lang nakikita naming dahilan para ipilit nila ang mali.

News Latest News Feed