Press Release
March 30, 2012

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

FGE: Kung bibigyan, mas gusto kong bigyan ng standby powers ang pangulo sa dalawang dahilan. Una, mas magandang pakinggan di hamak ang standby powers kesa emergency powers. Dahil kapag nagpasa ang kongreso ng emergency powers bill kakalat o puputok na naman dito o sa labas ng bansa na may emergency sa pilipinas o may malaking problema, baka sumama pa ang imahe natin. Pangalawa, for practical reasons nangyari ito last year may problema tayo sa power sa Mindanao baka mangyari to ulit next year, ano yan pag may nangyarin ulit papasa na naman ng bagong batas sa kongreso dapata standby powers na lang as an amendment to EPIRA na anytime certain state of circumstances are present subject to certain safeguards. May poder na pwedeng gamitin ng pangulo na hindi na kelangan na kumunsulta pa o bumalik pa sa kongreso kung may kailangan syang para maresolbahan yun krisis.

FGE: As I said may safeguard, subject to certain conditions and subject to certain safeguards unlike other laws, meron naming JCBC, merong Congressional Over side Committee joint to oversee EPIRA. So, may check and balance naman na nakaimplates dun kung ie-exercise ng pangulo yang kapangyarihan kung mabibigyan sya ng standby of powers. Ang inaalala lang natin syempre yun mga IBP-PPA o take or pay sana maiwasan yun dahil baka mamaya may kuryente nga pero tayo naman yun pinakamahal. Sa ngayon, patapos na yun mga IBP-PPA na pinirmahan noong 1991 at 1992, dahil karamihan dyan ay 20years guaranteed babayaran ng gobyerno yung kuryenteng pinoproduce nila kahit hindi ginagamit. Patapos na yun, wag naman tayo bumalik ulit sa pinanggalingan natin kung saka-sakali. Sana kaugnay ng mataas na presyo ng kuryente na pinasukan yan ng gobyreno.

FGE: Hindi lamang naman kasi kaugnay ng negotiated purchase, sa ngayon sa ilalim ng Procurement Law under certain circumstances pwede namang mag negotiated purchase, pwede namang mag negotiated contract e kung yun lang naman ang ibibigay natin maaring pwede nay un sa ilalim ng procurement law. Tandaan natin wala pang Procurement Law nung 1992, nung pinasukan to ni dating pangulong Ramos. Ngayon meron na at may excemption din naman sila sa batas. Ang mas nakikita naming pwedeng ibigay sa pangulo halimbawa, ang trust ng EPIRA ay iprivatized lahat. In the interim temporarily, baka pwedeng mabigyan ng kapangyarihan ang pangulong magacquire imbes na magbenta ng assets ng NAPOCOR o ng anumang ahensya ng gobyerno para magprovide ng electricity. Pangalawa, nung prinayvatized at isinapribado ang TRANSCO na ngayon ay pagmamay-ari na ng NGCP wala nang control ang gobyerno sa transmission lines natin. In the interim temporarily also under the standby powers baka maaring mabigyan ang pangulo ng kapangyarihan na panghimasukan yan para naman maiallocate ng tama yun kuryente at electricity at hindi diktado lamang ng private sector. I'll give an example, nung highschool diba pinag-aralan natin yun series at parallel sa bombilya, diba bulb 1,2,3 pag pinatay mo yun bulb 2, pati 3 patay na kung series. Kung parallel pwede mong patayin bulb 2, pero may ilaw pa din yun bulb 3. Ang problema natin sa grid sa mindano at sa ilang parte ng bansa, series ang transmission line natin so pag may pinatay kang isang parte patay na lahat pagkatapos nun. Hinding parang sa mga pelikula sa America na kausap yun FBI pag may hostage crisis patayin yung kuryente sa grid na to, yun maliit na lang yun ang may patay. NGCP man o mga cooperatives walang ganung kapangyarihan yan ang isang pinamulan ng problema. Sana in an ideal world, kung parallel imbes na series sa simpleng usapan. Dun sa mga lugar na may industriya wag mong patayan para tuloy-tuloy ang manufacturing, hindi mahal ang kosto, hindi mahal ang mga bilihin at may trabaho ang mga tao. Pero ngayon wala tayong ganung uri ng control. Pangalawa, kung kulang ang kuryente pwede sanang magallocate ang NGCP sa ngalang ng distribution utility ito lang ang dapat nyong ikunsumo, para may ilaw ang lahat kayo na ang magproduce ng sarili nyong watts, kayo na maglimita ng sarili nyong usage. Hindi din pwedeng gawin ng distribution utility yun dahil series din ang linya nila, pag may pintay sila patay na din ang lahat dun, nasusunod dun. So hindi na yun mabudget ng NGCP at ng distribution utility yun mga mga kooperatiba yun kuryenteng iaallocate. Ilan ba ang kulang? Ang kulang per month is 178 megawatts, ang kulang for may, for april rather is 349 megawatts projected yun. Yun ang gap na kailangang punuan dahil kulang ang magdedesisyon kung sino iba-brownout o kung gano katagal NGCP lamang. Hindi ba't tong mga gantong klaseng krisis may say ang gobyerno, kung krisis. Kung sobra-sobra ang suplay sige bahala kayo. Pangalawa, ilang bagay na pwedeng magawa ay ito. Una, merong 60watts na available nandun sa mindanoa kaya may konting basehan un nagsasabing may power bat hindi nagagamit. Hindi naman kasalanan ng producers pero may 60 megawatts na available minus n asana yun sa march na 178 so 180 na lang sana yun gap sa loob siguro ng 4 hours baka 3 hours na lang, imbes na 3 hours baka 2 hours na lang ang naging problema. Yun mga nag contact ng mga powers na to yun mga coops hindi pa inaaprubahan ng mga board nila, hindi pa inaaprubahan ng ERC. So, yun 60 megawatts although available sa Mindanao hindi pa magamit gamit dahil wala pang approval. Bilisan lamang ng ERC at ng mga coops yun approval nyan may 60 megawatts pa sanang papasok sa mga grid na pwedeng magamit. Pangalawa, ang Iligan Power Plant ay 110 megawatts available capacity nakatengga at hindi tumatakbo sa mahabang panahon isa sa magagandang planta yun dun, bakit? Kasi may issue on overpricing na sinabi ng COA kaya hindi ma-award dun sa winning leader at hindi mapatakbo tuloy yun planta. But that's 110 megawatts, so yun dalawang bagay na lamang na yun 60+110=170 for march ang gap mo sana 8 megawatts na lang hindi sana ganun katagal yun brownout kung meron man o maliliit na area na lamang. Pangatlo, may analogy yun chainsaw law na pinasa naming, matagal ko nang isinusulong yun na dapat imonitor din yun pagbili ng generators. Yun chainsaw law, kung maalala nyo pag bumili ka ng chainsaw kelangan mo iregister, ganun din pag bumili ka ng generator iregister mo. Bakit? Para macompute natin yun self-gen capacity o self-generating capacity tinatawag sa Mindanao. Noon naman kasi nagkabrownout sa Mindanao, karamihan ng mga establishment dyan may generator na e, may mga bahay dyan may generator na. Pagsinumatotal mo yun mga self-generator capacity mga ilang megawatts yun. Ang sikreto na lamang siguro na kailangang gawin ng gobyerno bigyan sila ng insentive, pag ginamit nyo yun generator nyo may rebate kayo para mabawasan yun demand sa grid. Ang SM sigurado ka may generator yun mall nila. Robinson may generation yun mall nila, pwede ba imbes na kumuha kayo sa grid generator nyo na gamitin nyo kahit sabihin nyong mas mahal and then dun natin ipapasok yun rebate ng gobyerno para magequivalent man lang sa presyo ng kuryente na gagamitin ng generator nila o mas mura para ma-encourage silang madalas na gamitin may nakatago kang capacity ng kuryente na ilang megawatts sa self-gen na hindi alam ng gobyerno kung ilan yun. Tatlong bagay immediately maaddress yun. Habang hinihintay na lang natin magawa yun planta na papasok ng 2014 at 2015 pa lamang, habang hinihintay pa nating magawa yun ilang power parts at dalhin dun, habang hinihintay natin kung mate-take advantage natin yun ASEAN grid na tinatawag na pwede namang magbentahan ng kuryente sa pamamagitan ng underground-underwater table ang iba't-ibang ASEAN countries. Ang pinakamalapit na pwede nating pagtapan ay Saba at ine-explore nay an ng Dept. of Foreign Affairs ngayon, 20km away ang Tawi-tawi sa Saba maikling linya yun kung saka-sakali kumpara sa kung saan ka pa kukuha ng power at kuryente. Ilang options na pwedeng pag-aralan at gawin ng pamahalaan para ma-address yun issue na yun.

FGE: Hindi ako sang-ayong magbitiw si Sec. Almendras, ang problemang ito ay inandidate pa sya in fact ang ina-nounce nung administraston to nung 2010 by 2011 rotating brownouts na ang Mindanao. To be fair to Sec. Alamendras na push na nga yun by one year, nagawan nya nang paraan yun 2011 inabutan na lang talaga ng 2012 dahil kung malalaman nyo 2010 palang sinasabi na by 2011 rotating brownouts na ang Mindanao kahit papano nagawan ng paraan na napush ng isang taon pero inabutan na lang talaga at hindi kinaya ng capacity ang ginagawa ng capacity ngayon sa Mindanao ay 1100 megawatts at kulang against 340. So sa year 2012, yun ang kulan mo bababa yan ng 178 ulit pagdating ng june , july, august. Tataas ulit ng 340 pagdating ng October dahil may maintenance schedule yun mga planta. Wala nang kinalaman sa summer, wala nang kinalaman sa hydro may kinalaman naman sa maintenance ng mga planta at tataas na naman ulit yun demand dahil liliit yun supply pagdating ng October. So yun dalawang problematic months only april-may, dalawang period lang yun april-may ang October.

FGE: Buong Mindanao? Ang requirement is approximately 1300mw, ang capacity ngayon is kulang-kulang 1100 ang problema mo yun ilang planta dyan bababa pagdating ng summer dahil hydro e bababa yun kaya nilang ibatong kuryente kaya yun gap hindi nagi-increase yun demand, lumiliit yun supply dahil wlaang bagong capacity ginawa o nagawa na pwede mo nang i-online ngayon. Ang mindano ang pick rates/pick hour is from 9am-9pm, in fact ang big demand sa Mindanao is at 7pm. Ang kailangan nating gawin sa Mindanao base load plans ibig sabihin yun kayang isupply ng minimum consumption para yun sobra yun yon ibebenta sa whole sale sa spot market at wala nang brownout sa Mindanao pagkagabi.

News Latest News Feed