Press Release
March 16, 2012

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO
Transcript of Day 30 post-CJ Corona impeachment trial ambush interview
Re: Accounting issues discussed during DAY 30 are not 'issues of fact' but 'issues of law'

ASC: ...ang fair market value at pinapalabas ng defense na dahil yun ang basehan, tama yung nasa SALN. Ang prosecution naman sa haba-haba din ng mga tanong ay gusto lang patunayan na mali ang nilagay dahil sa acquisition cost at ang fair market value ay dapat current or actual.

Kasi sa ating bansa, may konting hypocrisy doon sa mga numero. Meaning yung bahay mo, pag tiningnan mo sa BIR ay maaring iba yung zonal value nito at pag pumunta ka ng assessor ay iba ang assessed value at sa broker o kung ibebenta mo ito yung actual ay iba rin.

Kaya nga kanina nanawagan pa si Sen. Tito Sotto sa Civil Service Commission tungkol sa forms nila dahil yung iba naman ay naniniwala na yung kalituhan na ito ay dahil sa forms.

Pero siguro yung isang sinabi ng Senate President, ang importante dito ay yung net worth. Ibig sabihin ay yung assets mo minus the liabilities. So kung P10 assets mo at P5 yung liability mo may net worth ka na P5. In the same manner, kung baliktarin mo at P10 yung utang mo at P5 lang ang asset mo, negative naman ang net worth mo.

Kaya nga sinabi ko na hindi conclusion of fact ito. Meaning, hindi pinagaawayan dito yung mga numero kasi klaro yun. Klaro kung magkano binili, klaro kung magkano yung assessed value, klaro kung ano sinulat, nasa dokumento na yun.

Ang pinaglalabanan dito ay yung conclusion or points of law. Meaning ano ba ang batas? Anong amount ba dapat ang ilabas diyan? Kaya bakit pa sila nag-aargue kung ang magddesisyon naman noon ay yung korte? Kaya sinubukan natin na linawin nalang ng husto.

Having said that, ang pinaguusapan natin ay yung mga sa form na nilagyan ng Chief Justice. Kasi may mga blanko na walang nakalagay. At dito naman tinanong ni Sen. Recto na ipakita niyo sa kanya sa batas saan nakalagay na dapat kumpleto. Again, iba ang sagot ng defense at ng prosecution.

Sabi ng prosecution, true and accurate so kailangan kumpleto. Sabi naman ng defense, basta't walang malisya ay hindi siya mali.

Reporter: Pero hindi ba mahihirapan dito ngayon yung mga senator-judges dahil mayroong inaccuracy or deficiency o pagkakaiba sa presentation ng prosecution at defense?

ASC: Well, that's why we clarified kasi napakahalaga yung aming conclusion ay nakikita din ang basehan ng ating mga kababayan. That's why we take turns to explain. Kami man nalilito minsan kaya nagtatanong kami ng clarificatory questions.

Tandaan po natin, sa bigat ng mga issues ay kalahati or one-fourth ng kwarto namin ay puno na ng dokumento dahil sa dami ng marked evidence. So parami ng parami ito and in that sense, komplikado.

That's why unlike yung suggestion ng iba na wag na magtanong at sa huli ay tingnan nalang namin, kung manonood po kayo nung sa jury system pag ang jury ay hindi sigurado lalo sa ebidensya ang pwede nilang ipatawag ang mga witness ulit or pwede nilang ipakuha ang ebidensiya at tingnan nila for clarification.

Sa amin, ayaw na naming hintayin na nagaaway away kami dahil di namin naintindihan kaya dito na namin ikina-clarify. Pero as I said, sa umpisa ng interview na ito, sa haba haba ng prusesiyon sa simbahan din ang tuloy.

Sa haba haba ng usapin, yun lang ang pinagusapan ngayong hapon na ito: Number one, na ito ang tunay na presyo ng lupa o nung condo nung binili, number two, ano ba ang presyo nito nung December 31, 2010; at number three, ano ang sinulat ng Chief Justice na sinulat niya based on the assessed.

Ito po ang mga isyu. Dalawa ang aming masabi: pwede naming sabihin na tama o mali ang Chief Justice. Pag sinabi namin na mali, ibig sabihin actual na fair market value; ang susunod na tanong, impeachable ba yun or grounds for impeachment ba yun? Is it an offense na talagang niloko niya ang tao kung magkano ang pera niya. Tinago niya. Or ito ba yung sinasabi ng defense na simple negligence o nagkamali lang.

So masisimplify mo yung issue na ganoong ka-simple. Pero ang importante ngayon ay klaro kung ilan ang property at magkano ang pera na sinabi ng prosecution na wala sa SALN. So isa isa ngayong kailangan ipaliwanag ito ng defense. Kung mapapaliwanag nila lahat ay magiging madali ang aming pagdedesisyon dito sa Article 2.

Problema, katulad nung witness kahapon, yung iba naniniwala na ang lupa ay nilagay lang sa pangalan ng ibang tao, yung iba naman ay naniniwala na sa kanila talaga. So at least kay Mr. Vicente, medyo nakita ng tao na andiyan so madaling maghusga. Pero katulad kanina pinaguusapan yung isang anak ni Chief Justice, kaya nga sabi ng defense counsel na hintayin niyo muna na magpaliwanag para maklaro ang mga ito.

News Latest News Feed