Press Release
March 1, 2012

Transcript of Ambush Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the Impeachment trial

SP:... I know Garcia was not lying because he was volunteering the information and he has no interest.

Q: So sir, possible na 'yung leaked document pinamigay nitong si Leal to somebody?

SP: Sinabi ni Garcia na inimbento. Ngayon, sino ang umimbento nun sino ang maglalagay ng mga detalye dun? At iba daw dun sa record nila na nandun, eh ibang bangko lang at itong examiners na to ang may access dun sa mga dokumento na yun. May access itong team, audit team dahil hiningi nila yung record nitong PSBank. Kaya nung umpisa nung inimbestiga ko ano ba ang role ng Central Bank dun sa imbestigasyon ng mga bangko at ano ang role nung AMLA specialist? Sinabi nila, I narrowed down already to pin point who, where the possible leak is. Tinanong ko na si Leal nun, eh maraming mga kung anu-anong mga kwan. Ayoko naman, I cannot pursue the questions kasi maraming mga Senador ang magtatanong eh pinabayaan ko muna.

Q: So sir pag na-approve na talagang siya ang nag-leak anong violation ang kanyang na violate?

SP: Pag hindi sya magsalita ng katotohanan, tatagal sya, magbakasyon sya dito sa Senado kagaya ni Jean Arnault.

Q: Kaya lang sir bakit hindi po agad sya ikinulong?

SP: Pinagbigyan naming para hindi nila sabihin na kami ay arbitrary.

Q: So sir, bibigyan pa ng chance to explain kung bakit hindi sya dapat ma-contempt?

SP: Oo.

Q: Pero sir, na-contempt na po sya diba?

SP: Cited. Cited for contempt.

Q: Pero, pagbobotohan pa rin po ng committee?

SP: Oo.

Q: So sir, ang direksyon na po noon maaari syang ma-detain po?

SP: Oo. I-de-detain sya dito kagaya nung Jean Arnault in the Tambobong Estate case.

Q: Sir, pag yung mapapatunayan ngayon, what will happen dun sa mga leaked documents dun sa Impeachment Court na sinubmit.

SP: Hindi ko masasagot yan.

Q: Will it be acting defense or prosec lawyer to point that out? Pwede ba nilang i-cite yung pangayayari...?

SP: Alam mo iba yun sa Impeachment eh, ang pinangangalagaan ko rito ang ating banking system. Kung ganyan, e di mabuti pa tanggalin na natin yung bank secrecy law. Ayaw naman nila wala naming kumibo sa kanila. At saka bakit tayo papayag na babaguhin ngayon yung AMLA dahil lamang gusto nung mga Amerikano, gusto nung mga ibang kwan na tinatarget ng terrorism at masasalaula ang ating sistema with the way we are handling it. Eh kawawa naman ang mga depositor natin. Kung sinu-sino lang ang magsisiwalat. Hindi ko pinagtatakpan yung mga taong may mga kasalanan, lumalabag sa batas.

Q: Sir ulitin ko lang ha, may liability, in case Leal is found guilt ano ang liability niya under the bank secrecy law? Would he be charged...

SP: 5 years siya makulong.

Q: Ano exactly sir ang charge? Violation yun?

SP: Violation of the secrecy law dapat sya nangunguna na mangalaga. Ok lang na imbestigahan nya pero wag niya ire-release sa iba yung dokumento.

Q: Sir, can I take note? Yung date ng audit was 2010, is it possible to say na as early as 2010 may premeditation na against the Chief Justice na gawin ito? Do you think?

SP: Hindi ko alam yan. Pero ang lumalabas ngayon, talagang hindi kasama si Corona dun sa mga sinubmit na mga pangalan hanggang matapos yung audit wala pa siya. Saka na lang hinigi yung listahan na napasama ang pangalan ni Corona at huli dun sa listahan nung exit conference day.

Q: There was special interest talaga dun sa account ni CJ Corona?

SP: Oo, ngayon sasabihin nya sa akin na dahil kung merong imbestigasyon na gagawin kailangan na mag-execute sila ng affidavit, natural. Sino ang niloloko nila eh, abogado ako. Matagal na ako sa, syempre aayusin na ng mga abogado nila yung sasabihin nila para hindi sila magco-contradict o magkakalat

Q: Sir you mentioned about seasoned trial lawyers, was there any indication sa behavior niya na talagang nasisinungaling sya kanina? SP: Madaldal. Hindi nya sinasagot ng diretso ang tanong. Alam mo yung mga nagsisinungaling na tao, maligoy na magsalita.

Q: Sir, si Garcia talagang wala siyang liability?

SP: Wala, he is very straight forward. Sinasabi lang nya kaya lang hindi nya mapaliwanag agad, nangangamba rin sya eh. Sabihin mo yung pangalan. Sabihin mo, examiner, anyone eh, hindi nyo pinapangalang eh madaming examiner eh, examiner ng BIR, examiner ng NBI, examiner ng Bangko Sentral.

Q: Sir, didikdikin nyo ba si Leal na sabihin kung sino pa yung mga binigyan nila ng kopya?

SP: Hindi, bahala sila magboluntaryo na sabihin yun kagaya ni Arnault kung sino ang yung nag-utos sa kanya.

Q: Sir ano ang possible penalty dun sa contempt?

SP: Eh walang penalty basta ikulong namin sya hanggang sabihin niya ang katotohanan. The only remedy niya magsalita ng katotohanan or pupunta sa Korte Suprema on the Writ of Habeas Corpus.

Q: Sir, kailan siya mag-uumpisang makulong?

SP: Pag-uusapan pa namin. Kailangang konsultahin yung ibang members ng committee.

Q: Sir, possible daw may binigyan si Lial na opisyal of the government.

SP: It's possible, paano napunta kay Banal? Samantalang merong mga iba pang may hawak nun.

Q: Sir, may sinabi si Senator Miriam noon doon sa Impeachment last time na meron syang,may alam ka dun sir? May idea ka dun sir? Sa sinabi nyang meron syang ebidensya sa isang congressman na alam niyang nagsisinungaling ito? May idea ka dun sir?

SP: Hindi ko alam kung sino yung congressman na yun.

Q: So sir, right now, tamang i-assume na yung leak na ginawa ni Lial, ay yun na ang leak, yun na ang napunta kina...

SP: Wala akong maisip na iba eh.

Q: So sir, itong mga information na nakuha nyo sa committee hearing, magagamit niyo ba yung basis sa pagdedecide kung dapat mai-strike out yung mga nakuha niyong...

SP: Bahala na yung mga abogado na mag-isip dyan. Hindi ko na sila tuturuan.

Q: Pero sir kung mapatunayan na sa kanya nanggaling yung leak tatanggapin pa rin ba yung mga ebidensya na nanggaling dun sa...

SP: Saka ko na lang dedesisyonan yan.

Q: Pero consideration po yun?

SP: Hindi ko masasagot yan, pero kahapon di ba nagsalita ako? Ipinahiwatig ko na kung ano ang sitwasyon sa Impeachment trial.

Q: Pero sir, si Senator Osmena...

SP: Iba yun eh, iba yung impeachment trial dito.

Q: Sir, after the hearing kanina , Senator Osmeña insisted na hindi raw fruit of the poisonous tree yung leak.

SP: Totoo.

Q: Bakit sir? Eh kung leak yun at nakuha sa illegal na paraan edi fruit of poisonous tree yun.

SP: Saka na lang nyo pakinggan. Tama si Serge.

Q: Sir, correct assumption yung walang ibang panggagalingan yung leakage kundi si Lial?

SP: Wala. Sino? Kaya ko pinaghirapan na tatanungin kung pano ang procedure nungg security para dun sa dokumento ng bangko, magmula sa branch hanggang sa central office. Nung napatunayan ko na yun, eh kako, pano e di ba dati natatandaan ninyo pano lumipad yan?

Q: Pero sir, si Lial lang po ang magiging liable dito?

SP: Titingnan natin kung kakanta siya na parang singing canary. E di maraming masasangkot.

Q: Sir, sinasabi nyo kanina na aside from Banal and Umali meron pang iba na alam nyong may possession nung...

SP: Hindi ko masasabi yung mga iba.

Q: Sir, is it nasa position ngayon ng Cabinet Secretaries or what?

SP: Nasa position pero hindi sa Cabinet Secretary.

Q: Nasaan sir?

SP: Hindi sa Cabinet.

Q: Nasaan sir? sa labas ng Cabinet?

SP: Wag na, wag na.

Q: Executive sir? senators ba yung may hawak?

SP: Hindi ko alam.

Q: Sir among the three branches of the government na lang, saang branch?

SP: Parang paru-parong bukid.

Q: Ah, palipad-lipad. Sir eh kung meron kang alam na may opisyal ding may hawak nun, yung opisyal ba na yun liable din?

SP: Kailangan may usapin sila kung paano nila nakuha yun.

Q: So talagang scripted talaga sir?

SP: Dahil sinabi nya eh. Hindi galing sa bangko, kaiba sa record ng bangko, eh masama dyan eh, falsification ang sinasabi. Mga facts yun, kinopya yung mga...

Q: So, liable sir, yung opisyal kung sino man yun?

SP: Wala naman, ewan ko kung opisyal ng bangko ang kumopya.

Q: Eh kung government official nga sir?

SP: Limang taon.

Q: Bank Secrecy pa rin sir yun? Violation pa rin ng bank secrecy? Sir, sinabi nyong hindi nga fruit of the poisonous tree. So wala pong epekto yun sa admissibility nung ebidensya?

SP: Wala akong nakikitang poisonous tree. Wala eh, ano ba yung poisonous tree?

Q: Kung falsified nga yung document na sinubmit sa Impeachment Court, anong mangayayari sir?

SP: Saka na lang natin pag-usapan, sa impeachment yan noh. Di natin mapag-uusapan yan, eh dito ang pinag-uusapan natin, the integrity of the banking system.

Q: Sir, anong remedial legislation can you see coming out to protect the...

SP: Tinatanong ko nga dun sa Bangko Sentral atsaka AMLA eh wala naman silang nasasabi kundi yun lang daw mungkahi nung mga hindi taga-Pilipinas, taga labas, para mapangalagaan ang terorismo. Eh sinabi ko sino ang nakikinabang sa terorismo? Hindi naman tayo ah, wala naming nate-terrorize sa atin. Napapasangkot lang tayo sa terorismo na yan. Tayo ang sinusundot ngayon na parang kabayo para sumunod.

Q: Sir, kanina pinoint out nyo na yung AMLA atsaka yung BSP walang ginawang imbestigasyon.

SP: Wala nga. Yun ang kataka-taka eh.

Q: You did not see the effort.

SP: Kung nasa kanila eh, panong nangyari to?

Q: Dahil dun, pwedeng sabihing may cover-up because they are not making anything at all sir?

SP: Posible mong sabihin yan, pero hindi ko alam for a fact. Hindi ko alam na as a matter of fact, may cover-up. What if gawin naman ng mga tao na yan? Anong interes nila?

Q: Sir, baka prinoject talaga si CJ Corona? Sir, kung ginamit ang resources ng gobyerno to obtain...

SP: Ano ba yung mga AMLA na yan, mga Bangko Sentral na yan diba resources ng gobyerno yan?

Q: Diba may impact yun sir sa Impeachment?

SP: Hindi ko alam kung may koneksyon eh, wala pa eh.

Q: Sir, anong pinakamabigat na parusa ang pwedeng ipataw kay Aguirre? Yun pong nagtakip ng tenga kahapon, si hear no Miriam.

SP: Siguro patutulugin.

Q: Sir, ano yung patutulugin? Detention ba?

SP: Depende kung ano ang sasabihin ng kwan, pero kung ako ang masusunod kailangan matutulog siya ng mga dalawang gabi dito.

Q: May music sya sir? Anong music nya?

SP: Ah, bibigyan namin siya ng sashimi. Sobra sa wasabi.

Q: Kinoconsider bang penalty yung ipakinig sa kanya yung Speech ni Miriam maghapon?

SP: (laughs)

Q: Sir, sabi ni Senator Tito Sotto, ikukulong daw sa kwarto na may video ni Senator Miriam pero bawal siya magtakip. Pero kayo sir kahapon parang you adjusted your earphone also, naingayan ka din?

SP: Tinanggal ko dahil masyadong malakas, merong control yun eh, kaya ko ginagamit yun. Kung sabay sabay yung usapan, pag wala ka nun you cannot get the low tones of the others. Meron ako nun so I understand everything that has been said.

Q: Sir, sabi ng ilang kritiko parang sumusobra na naman daw talaga si Senator Miriam Santiago. Anong comment mo sir?

SP: Yun eh mga kritiko, pero yung mga nakakaintindi na hindi kritiko eh alam nila kung bakit.

Q: Kayo sir?

SP: Wala, naintindihan ko ang frustration ni Miriam.

Q: Pero sir, marami siyang offensive na word like G-A-G-O.

SP: Whooah! May part 1 at part 2.

Q: Sir, natatawa kayo kahapon, nakaganyan lang kayo... pinipigil ni sir yung tawa. Pero sir, personally ano ang pinaka frustrating sa inyo as a presiding officer?

SP: Alam mo ako, kami, mga nag-practice pag nakikita namin yung kapwa naming abogado na nangangapa, frustrating yun eh.

Q: Awa sir? O inis? Galit? Pero sir sa court room normal naming nagagalit talaga yung mga judges?

SP: Bah! Pag nasagupa nila yung mga matatandang huwes na dinaanan ko, baka luluha sila. Kung mag-appear ka sa isang tao na kagaya ng yumaong Judge Arsenio Solidom ayan, si Judge Al Buendia ayan, Judge Roberto Capulan, Judge Bienvinido Tan ayan, mga batikan na mga kwan yan, o Judge Antonio Mojica, Gatbaytan, aba'y talagang kailangang matuto ka, mapipilitan kang matuto sa mga batas

Q: Ganoon din ba sila sir parang kay Senator Miriam?

SP: Talagang pahihiyain ka sa harapan ng kapwa mo abogado para matuto ka.

Q: Sir, si Aguirre he resigned as private prosecutor na, you think it's a good decision from the start?

SP: He resigned? Well, I suppose so.

Q: Bakit sir?

SP: Wala naman. Ineffective na sya eh.

Q: Sir, kung nagresign man sya papa-contempt pa rin sya? Paparusahan pa rin po sya kahit nag resign?

SP: Oo, he committed a contempt.

Q: Sir, ang prosecution nag address na ng case nila sa Impeachment Court diba, pero outside mukhang hindi pa sila ...panalo pa rin daw sila eh, pati Malacanang, malakas daw.

SP: Alam mo ang husgado hindi sa labas, ang husgado nasa loob ng Senado

Q: So sir, close na po ba yung inquiry on the leak document?

SP: Hindi pa. Eh, meron pang...

Q: Sir, what do you think naman, no less than President Aquino is discussing the case in the public?

SP: Well, that's the right of any official to express an opinion.

Q: Pero hindi naman sir nag-eexert ng undue influence or pressure?

SP: No, no, no, hindi naman. We are matured enough not to be influenced by any statement outside. If we are subjected to influence/pressures, di pati yung rally ng Iglesia ni Cristo eh manginginig na kami.

Q: Sir, do you think it's proper for the President to...

SP: Wag mo na ako tanungin ng ganyan. Wag mo na, kung equal department kami.

Q: Sir, any advice nalang to Pinoy.

SP: I am an expensive adviser.

Q: Sir, yung mga survey about Impeachment trial...

SP: Meron ba?

Q: Meron sir. Yung sa UP sir.

SP: Anong sabi nila?

Q: Convicted na daw sir, 74-75%. Convicted na, sa survey sir ha, 500 respondents sir, wala pang defense panel yun. Nagtre-trending sir, tama bay un?

SP: Yung survey ng isang libo, dalawang libo it does not reflect the opinion of the entire nation.atsaka dapat , palagay ko hindi totoo yun eh.

Q: Ang alin sir? Yung sa UP?

SP: Yung sa UP. Ngayon, kung totoo man yun, mag aral muna sila para mag-top sila sa bar bago sila... Being an alumnus of UP, yun ang advice ko sa kanila. Bago kayo magbibigay ng, magbibitaw ng salita, show us, show us that you deserve to make that statement by your performance. Pati yung madaldal na propesor na naririnig ko, I am not surprised that the product of her teaching in UP... Could that pass the bar?

Q: Sang istasyon nyo naririnig sir yung propesor?

SP: Wag na nating sabihin, ma-identify eh.

Q: Babae ba to lalaki?

SP: Babae.

Q: Sya nga, sya nga, nag-iisa lang

SP: Feminine. La Femme

Q: Sir, disappointed ka ba? Walang pumasok sa top 10 from UP sa bar exam

SP: Ako, hindi pumasok sa top 10, pang number 11 lang ako. Hindi sa, totoo yun eh. O, pero nag-aaral ako ng law.

Q: Sir, hindi sukatan kung mahusay kang lawyer yung mag-top kayo sa ano?

SP: Alam mo, maraming mga nagta-top na magagaling din, mga sikat. Una na dyan si President Ferdinand Marcos, naging top notcher yun, nagreview sa bar nasa bilanggo at naging president naging congressman, naging senador, beterano, lumaban sa mga hapon naging congressman, naging senador, Senate President, naging president. Marami sa mga naging senador ng Pilipinas mga nag place sa bar. Si Senator Franklin Drilon. Eh, nung panahon namin, iba ang mga propesor namin eh. Kung hilaw ka, hindi ka papasa.

Q: So hilaw sila ngayon sir?

SP: Pag hilaw ka, hindi ka pakukunin ng bar examination.

Q: Sir, si Niel Tupas ba hilaw?

SP: Ewan ko. Wala sa klase ko yun .

Q: Not in your class?

SP: Hndi ko kaklase yun eh.

Q: Ay, ganun naman pala kala ko not in your class o in your league, in your level. Sir, na-settle nab a yung decision na ni-raise ng ilang senador kahapon? Na hindi basta-basta pwedeng mag-withdraw ng article.

SP: Nasa sa amin na yun eh. At this point I will not require an arraignment. Effectively we are dismissing the case. Eh masama yun, ang impression sa tao eh i-di-dismiss yung kaso. Kailangan yun ituloy namin up to completion. We will make a judgement. Sino yung nagsabi kanina na si Chief Justice eh magte-testigo?

Q: pinag-aaralan pa po nila.

SP: Kung mag-tetestigo si Chief Justice, napakamabuti. Maigi yun para sa bansa. It will settle a lot of issues.

Q: Sir, sabi daw ni Cuevas hindi daw magandang idea sir na tumestigo si CJ Corona kasi i-open sya for questioning ng senator-judges.

SP: Sino may sabi?

Q: Si Justice Cuevas.

SP: Narinig mo?

Q: Kanina sa ANC po. Kasi hindi daw po ma-o-object yung mga senator-judge.

SP: Alam mo, if I were, ewan ko ano ang, I leave it to them. I am not the lawyer of the Chief Justice pero sa akin the best person to rebutt lahat ng mga sinabi sa kanya ay sya mismo and I am sure that he can handle the questions. He can handle the questions.

Q: Sir,regarding po dun sa ammendmento pag withdraw ng ibang articles, ang ni-raise pong concern ng iba that it might send a dangerous... baka daw next time yung house tambakan nalang ng impeachment complain o articles of impeachment sa senate.

SP: Ang Senado? Ok lang sa akin. Ok lang sa akin

Q: Pwede kayong tambakan ng 20 articles? Tapos 3 lang pala. Sir, senator Miriam Defensor said yesterday na marami sa inyo eh nag-aral na sa lahat ng 8 articles tapos biglang i-wi-withdraw eh nag-aral na yung iba, diba sir?

SP: Totoo yun, pinag-aralan ko yun. So, next time, this what happened now is a lesson and I hope the House will take this as a friendly advice na bago muna nila dalhin dito yung articles of impeachment eh talagang well-drafted. Yung walang kaduda-duda yung gusto nila sabihin. It's not open to different interpretation.

Q: Sir, nabalikan nyo na yung Concom debates tungkol sa betrayal of public trust?

SP: Nandun sa file ko yan eh. Nasa aking file lahat,graft and corruptions, other high crimes, bribery, treason at multiple violation and betrayal of public trust, pinag-aralan ko lahat yun bagom mag-umpisa ang hearing.

Q: Sir, the court will vote to acquit or convict Corona on only three articles?

SP: Yes. No more, no less.

Q: Wala na yung ibang...

SP: Wala ng iba. Yung Impeachment, sa kapal nun ay reduced only to three

Q: Pero sir, sumagot na yung defense diba? May pleading na sumagot na rin yung defense regarding the rest of the articles.

SP: Meron na. Well yung kanilang answer dun sa mga iba, if it has any bearing on the three, they can use it.

Q: kung may bearing lang?

SP: Oo. Then we have less charges to rebut and to offer truce on.

Q: Sir, yung sa tingin nyo pag-didiscuss ng prosecution sa kaso, outside the Impeachment Court, do you think that is

SP: Alam mo yun, that is double-edged because no matter how brilliant the way they presented, there are many deciding people that will see the flow of the argumentation.

Q: Sir, yung betrayal of public trust ba pag wini-weigh yun hihiwalay din yung sa culpable violation o sa high crime o isasama sir?

SP: Alam mo yung American law at yung Philippine law, iba. American law sabing ganun, the Senate shall have the sole power to try period. All Impeachment. Dito, sinabi, the Senate shall have the sole power to try and decide, not only trial but to decide walang ibang makapag-desisyon kundi Senado lamang. Ibig sabihin nun hindi kami nasasakupan ng jurisdiction ng Korte Suprema sa trial sa sole power to try and decide in all impeachment cases. Nasasakupan lang kami kung private rights are involved in the course of the trial. Kung Bill of Rights ang involved in the course of the trial, may jurisdiction ang Korte Suprema pero dun sa limited area of sole power to try and decide wala silang jurisdiction, walang apelasyon. No appeal. There is no appeal from the Supreme Court, even by the prosecutors or by the witness. Kung ano sinabi na desisyon, final na yun, ang appeal sa taong bayan na lang. They will kick us all out kung kami nagkamali,

Q: Hindi nyo kailangang i-explain ang vote nyo sir diba?

SP: There's no need.

Q: Ano yun sir, pag tayo yun na guilty or not guilty?

SP: Dalawa lang yan, guilty, not guilty, itatabulate yun, pagkatapos ng botohan tingnan mo ilan ang not guilty, ilan ang guilty. Kung yung guilty ay 16 or more senators, out the respondent. Kung yung guilty less than 16, panalo yung not guilty.

Q: Pero sir may sinasabi po si Senator Miriam na pwedeng reprimand lang

SP: Either you remove or you retain. When you remove, kasama yung perpetual disqualification.

Q: Pwede bang bumoto with reservation?

SP: Walang boto na with reservation. Pwedeng mag-abstain

Q: Hindi sya counted as guilty sir diba?

SP: Maski may nag abstain, kung ang boto ay 16 for guilty out din.

Q: Sir, dapat po present lahat ang mga Senator-judges?

SP: Kahit na maraming nag-abstain, kung ang boto ay hindi 16, less than 16 ay acquitted.

Q:Sir, pa-elaborate lang yung sinabi nyo po kanina, yung pag-te-testify ni Corona will settle a lot of issues?

SP: It will not settle all the issues. He is the best one, the best witness to clarify the issues. Pati yung nangyari sa internal problem of the Court. Lahat yun, klaro yun. Pati yung deposits nya, pati kung ano kinain nya kaninang umaga.

Q: Sir, diba po, hindi makakapag-umpisa ang defense kung hindi pa 100% tapos ang prosecution panel? Sir, paano yun sir? Meron pang nakabitin tungkol sun sa bank records ang nasa Supreme Court.

SP: Kaya nga dapat tapusin.

Q: Sir, hanggang walang final dun sa issue ng TRO sir, hindi...

SP: Ah, hindi ko alam kung paano ang answer nun but we will submit it to the Impeachment Court at a certain point, we'll make a decision.

Q: Kasi sir, diba sabi mo kahapon pag may reservation, hindi sila tapos. So, kung may reservation pa regarding the dollar accounts the defense panel cannot start pa.

SP: Oo. Kailangan completely closed yung kwan eh...

Q: Yung March 12 hindi pa completely makakapag-start ang defense?

SP: Unless they agree that well, subject to that reservation the Defense may now proceed.

Q: Unless both panels agree?

SP: Yes.

Q: Pero sa inyo, sir, pwedeng ituloy na yung sa defense?

SP: Yes.

Q: Sir, dahil perpetual disqualification is yung penalty ano bang evidence daw po yung dapat ano ng court. Yung sa quantum of evidence, beyond unreasonable doubt sir.

SP: Kanya-kanya yun, kanya-kanyang standard sa mga member of the court.

Q: Ah, hindi po...

SP: Hindi pare-pareho yan

Q: Sir, hindi maseset ang Impeachment...

SP: Clear and convincing evidence. Sabi ko na, from the very beginning.

Q: Indication ng BSP examiner, what does he need to do to expand to...

SP: Magsabi ng katotohan, that is the only way. Kung ano talaga ang nangyari. Eh sinasabi nya na hindi tinanggap eh, sabi nung president ng bangko na, binigay sa kanya eh, at saka meron syang email.

Q: Sabi nya nandun daw sa sworn statement nya sir, dun daw sa affidavit nya.

SP: Ano yung affidavit nya? Basura lang yun. Nagtestify na sya eh.

Q: The past few weeks medyo naging malumanay kayo at mabait, sino po ba ang nag-udyok sayo?

SP: Sarili ko.

Q: Hindi ba si Senator Lapid? napakiusapan kayo?

SP: Hindi, sarili ko. Pag ako nagtatanong ng mga question sa mga witnesses nakasanayan ko na yun eh. You prove, you undermine, you confront, you insinuate, and do all the questioning. Hindi na makakawala yung witness.

Q: Nung mga nakaraang week hindi nap o kayo pagalit sir eh, hindi na kayo na-highblood.

SP: Hindi naman ako naha-high blood.

Q: Sir, si Senator Miriam po dinefer nya po yung ICC oath-taking nya. Are you happy na she is staying until the end of the trial?

SP: That's her decision. She is always welcome to be a member of the Senate We like her company. She is a worthy member of the Senate. She wanted to go to the international court so we do not want to impede her progress.

Q: Sir, remember kayo yung nagtatanong kay President Garcia nung lumabas yung audit, pano tayo napunta sa flow ng question ng ganun sir?Did you have information that time?

SP: Wala. It's logical. You know in my case when I ask questions I want to go over, walk through with the witness about the process all the way to where it ends and the ending of this is the audit. What happened in between, so I can eliminate all possibilities so, that's why I raise the question while we were discussing about the AMLA amendment. That fact, why should we approve this amendment when it seems to me that it's being used to look into the records of citizens. You see under the AMLA law, AMLA just can look into the records of depositors only if there is a predicate crime but in this case wala eh. Sabi, yung isa hindi AMLA, Central Bank employee and he is an AMLA specialist. So my question is, is the AMLA law under the jurisdiction of the Bangko Sentral to enforce, that is why I said, what is this? Why do we not look not into this? So, the senate assign the Committee on Banks Investigating because the AMLA Council has no jurisdiction over the examination of banks and enforcing the banking laws to determine the soundness of banks or their compliance with orders and other issuances with the Bangko Sentral. In the case of Bangko Sentral, it has no jurisdiction over the enforcement of Anti-Money Laundering Law but, this particular case, I thought that Lial is an employee of AMLA eh, hindi pala. Bakit? Anong keber? Anong pakialam ng Bangko Sentral sa AMLA? Eh ayon nagkaroon ng imbestigasyon.

News Latest News Feed