Press Release
February 13, 2012

Phone-patched interview of Senator Franklin M. Drilon
DzMM's Failon Ngayon

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa inilabas ng Defense kahapon?

Drilon: Nakakainsulto lamang po iyan sa mga senador (unclear), at hindi po gawain ni President Noynoy Aquino na mag-alok ng daang pera sa mga senador. Hindi po kagaya noong nakarang administrasyon na aking maalaala nagbigay ng P500,000 (unclear), o P50,000 sa mga Congressmen. Gawain po ni Gloria Macapagal-Arroyo at hindi ni Noynoy Aquino iyan. Gawain po iyan ni GMA na magbigay, magmudmod ng pera sa mga Congressmen noong panahon niya, ngayon po hindi po si Noynoy. Hindi po siya ganoon magtrabaho.

Q: Sir, ano po ang aasahan natin sa kahahantungan mamaya sa trial? Yung mga nagsabi ba nito pagpapaliwanagin ninyo?

Drilon: Ang pag-uusapan namin dalawang bagay lang po. Unang-una, ang mga abugado po sa aming code of ethics, dapat po galangin ng mga abugado ang isang husgado. Dito po pinapakita ng mga abogado ni CJ Renato Corona na hindi po nila ginagalang ang husgado. Sinasabi nila, yung kinalalagyan daw, ating maalala hindi po ba itong judge ng Pasay City na-contest yung mga abogado ni (dating Comelec Commissioner Benjamin) Abalos dahil sinabi na humingi ang judge kay Abalos ng pera dahil po sa ating mga abugado meron po kaming obligasyon na galanging ang husgado at huwag dungisan ang mga husgado. Ito po, sa aking tingin, ay nilabag nila. Ngayon, ano po ang gawin ng senado? Kami po ay makikinig sa aming pangulo, kay Sen. Juan Ponce Enrile kung anong hakbang na gagawain dahil buong impeachment court ang iniinsulto ng mga abogadong ito.

Q: Mayroong professor na nagsabi na trap ito ng defense, para kung lahat ng abogado ay i-contempt, matitigil yung trial. Ano po ang masasabi ninyo?

Drilon: We will not fall into that trap. Hindi ko alam kung ano ang magiging pasya ng IC, ngunit they will not succeed in diverting our sessions on the trial. Ito po ang utos ng taumbayan. Ito po ang utos ng ating Saligangbatas na tapusin ang paglilitis kay Chief justice. That diversionary tactic will not succeed.

Q: Sir, kung hindi nangyari ang presscon anong main agenda sa caucus ngayon?

Drilon: Yung hanggang ngayon ay hindi pa lulamabas na TRO at wala pa po kaming natatanggap ng written order. Ina-announce lang sa publiko noong Huwebes, Lunes na ngayon wala pa kaming natatanggap. Iyan po ang pag-uusapan ngunit wala pa kaming nakikitang written order mula sa SC.

Q: You're referring to the TRO na petisyon ng PSBank?

Drilon: Tama po iyan.

Q: Iba yung usapin sa pinagpapaliwanag kung ano ang inyong komento sa petisyon ng Defense na ipatigil ang impeachment?

Drilon: Ibang usapin iyan po. Iyan po (unclear).

Q: Sa PSBank, inasmuch na wala pang natatanggap na pormal na TRO, bilang abogado, paano po iyon?

Drilon: Sa ngayon dahil wala pa silang nilalabas na written order hindi pa effective yung TRO sa Senado dahil wala pang natatanggap. Sa batas po, magiging effective lang kung mayroon silang jurisdiction, may be effective upon receipt ng kinauukulan ng TRO.

News Latest News Feed