Press Release
February 8, 2012

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO
First Manifestation during the 13th day of the impeachment
trial of CJ Corona

Re: Singling out of CJ Corona in the FASAP decision

SUMMARY OF MAIN POINTS

  • Just because a decision is erroneous does not make the justices who came up with the decision impeachable.

  • A distinction must be made between a decision of a court which which amounts to an impeachable offense versus one which does not.

  • If a justice will be held liable for an erroneous decision, the whole body that came up with the decision has to be made liable as well.

  • The justices of the SC decide matters in divisions or en banc. A minimum of three justices deliberate and come up with a decision.

  • We cannot easily put the blame on one Justice for an alleged error made by a Court in division or en banc.

ACTUAL TRANSCRIPT OF THE MANIFESTATION

Senator Alan Peter Cayetano (ASC): Marami ang nagtatanong sa amin. Kapag erroneous ba ang desisyon ng Supreme Court, o kung ang losing litigant ba ay may angal, impeachable ba 'yon? Kung iko-consider natin ito na impeachable, hindi ba natin binubuksan ang korte, ang impeachment court, at ang kongreso bilang mag-iimpeach sa isang impeachable officer, na maging takbuhan para hingan ng impeachment ang mga justices, makapangyarihan man o hindi, popular man o hindi, sa kahit anong dahilan?

Mahalagang maintindihan ng lahat ang kaibahan ng isang kasong may erroneous decision lang, ibig sabihin hindi tayo sumasang-ayon sa desisyon pero walang sapat na basehan para ipa-impeach ang nagdesisyon, sa kaso na kung saan nagkaroon ng maling desisyon na maaaring maging basis for impeachment.

Nasagot na ninyo ang una kong katanungan sa sinasabi ninyong, reportedly, si Chief Justice ang nag-order ng recall sa 3.31.

To the prosecutor (Rep. Arlene Bag-ao), what makes this case different?

Sa tingin ba ninyo, final and executory na ang kaso kaya hindi dapat ni-reopen?

Rep. Arlene Bag-ao (AB): Opo. Kung titingnan po natin ang wording ng resolution, pareho sa 2009 at 2011. Pareho po na may nakalagay na final and executory.

ASC: Please explain further what you want to show here. Is it that final and executory na pero nabago at si CJ Corona ang may pakana?

AB: Ang punto, without going to the merits, because that is still an issue that we're talking about, ang bottomline po ay ang partisipasyon ni CJ Corona sa pagbabaligtad ng kasong ito na in contradiction sa mga sinabi niya that he did not participate. Sinasabi niya na he did not participate pero klarong klaro naman that he did.

ASC: Klaro po sa amin na kung siya ang nag-cause ng recall, o kung siya ay nag-participate o hindi, klaro sa amin na gusto ninyong patunayan iyon. Ang hindi klaro sa amin ay kung ano talaga ang gustong mangyari pagkatapos. Tinanong ng defense counsel ang witness kung hindi ba galit din doon sa ibang miyembro ng korte na kahit final and executory na pero naibaligtad pa. Ibig sabihin impeachable din lahat ng justices na nag-reopen ng kaso?

AB: Hindi po namin 'yan sinasabi sa ngayon. Ang gusto lamang po naming patunayan at in fact, 'yon ang nakalagay sa aming complaint, ay napakapartikular.

ASC: Hindi po ninyo 'yan sinasabi ngayon pero hindi din ninyo sinasabi na hindi sila impeachable doon.

AB: Hindi po 'yon naging bahagi ng aming paghahanda.

ASC: Nililinaw ko ito sapagkat madami ang nagtatanong, hanggang ngayon, maging abogado man o hindi, kung bakit si CJ Corona lang ang hinahabol kung desisyon ito ng buong korte. Sa aking paniniwala, isa iyon sa nililinaw ng ating Presiding Officer at Chief Justice noong umpisa. Kailangang ipakita ninyo kung bakit si Chief Justice ay kailangan i-impeach, samantalang desisyon ito ng buong korte.

To the witness (FASAP President Roberto Anduiza), bakit noong tinanong ka ng defense, ang sagot mo, okay lang 'yung ibang mga justices? Hindi po ba mali 'yon sa tingin ninyo na final and executory na, babaligtarin pa ng korte?

FASAP Pres. Roberto Anduiza (RA): Unang-una, mali na final and executory na, babawiin pa. Pangalawa, siya lang ang kakaiba. Nag-inhibit na siya sa umpisa, nag-participate siya sa recall, at nag-inhibit ulit pagakatapos.

ASC: Assuming na totoo na siya ang nagmaneobra, para mangyari ito, kailangan na sumang-ayon din ang iba, at sumunod naman ang iba. Hindi ba buong korte ang nagdesisyon nito at hindi lang si CJ Corona?

RA: Kung malalaman po namin na ganoon, may liability sila.

ASC: Ang gusto kong puntohin ay dapat malinaw na malinaw sa amin at sa buong bansa na kapag in-impeach natin ang isang justice sa isang desisyon, ano ang kaibahan ng liability ng buong division o ng buong en banc doon sa liability ng isang justice lang?

Thank you, Mr. President.

News Latest News Feed