Press Release
January 31, 2012

Remarks of Sen. Manny Villar on property pricing
Impeachment Trial, January 31, 2012

Villar: Gusto ko lamang bigyan ng kaunting kaliwanagan ito. Iba-iba po ang policy ng developer diyan sa condominium. Maraming circumstances po iyan. Meron pong naghahabol ng benta, wika nga, kapag yearend, at malalaki ang discount. Meron namang namumrublema at meron naman, tama iyon, kapag inabot ng bagyo at nasira, talagang mga special na presyo na iyan. Normally maraming flexibility po ang mga manager diyan. Wala sila iyong mga hanggang 10% ka lang, merong flexibility sila. Babanggitin ko po, siguro ito na lamang example ko ang aking contribution sa diskusyon na ito. Noong Disyembre po, sa mga nagbabasa po ng dyaryo at siguro milyun-milyon po ang nakabasa nito, isang malaking developer po ang nag-offer ng 40% discount to anybody, to everybody. Hanapin nyo po ang dyaryo noong Disyembre at makikita po ninyo, dalawang pages po iyon. 40% discount to everybody sa condominium, lahat ng units nila. Alam ng ating witness iyon. Iyan lamang po ang aking contribution dito. Ang masasabi ko lamang po, napakaraming factors that govern pricing. Hindi po simple iyan. Hindi yong puhunan lang, hindi iyong kung binagyo lang. Minsan yung pangangailangan. For example, kung 2007 maaaring katatapos ng world crisis noon. Medyo mahirap ang bentahan, agresibo po iyan. Kapag 2010 na medyo boom, mahihirapan kayong kumuha ng malaking discount, kung minsan pipila pa kayo. Pero kapag may isang developer na gustong mag-agresibo, depende po iyan sa programa nila. Kamukha nung isang company na tama namang policy, hindi ko sinasabing maling policy. Kung gusto nilang mag-dominate ng market, malaking market share--40% discount open to everybody.

Sotto: May we urge Sen. Villar to disclose the name?

Villar: Isang napakagaling na developer at hinahangaan kong developer, SMDC ang nag-announce niyan.

News Latest News Feed