Press Release
January 31, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the impeachment trial of CJ Corona

Q Surprising ba yung mga sinabi kanina?

SP Surprising? Parang quicksand. Hindi ko na sasabihin para kanino.

Q Pinuna ninyo po kanina na parang sila mismo sa Prosecution ang mismong nag-iimpeach dito sa witness?

SP Sabi ko kung sasalungatin mo yang witness, witness mo yan. You are bound by what he says.

Q Yung sinabi nung witness kanina somehow humina na totally yung allegation ng prosecution na mayroong discount, special favor na nakuha si CJ based dun sa testimonya?

SP Hindi ko na tatalakayin yung kanyang testimonya sapagkat bawal yun.

Q Apparently ganun po yung nangyari dahil hindi nakipag-usap yung abogado?

SP Dapat yun, bago nila isalang yung witness nila, sasabihin sa kanya kung ano yung kanyang deklarasyon. Pero, yung tunay na deklarasyon, hindi yung tuturuan. Ang tatanungin na mga question ay ganito, para nga maayos. Ngayon, kung may duda yung depensa na tinuruan, palalabasin niya yun sa cross examination.

Q Pero kung ganun pala yung testimony, pwedeng hindi nila inoffer ito bilang testigo?

SP Ako, binabatay ko yung mga rulings ko sa aking karanasan. Hindi ako magsasalang ng testigo na hindi ko alam yung kanyang nalalaman na dapat palabasin ko dun sa direct examination. Kailangan mag-usap muna kami. Ano ba ang alam mo dito sa transaksiyon na ito? Ano ka dun, at ano ang kalagayan mo? Alam mo ba yung ganito, yung ganyan, para sa order ng pagtatanong.

Q Sa tingin ninyo hindi ganun yung nagiging practice ng prosecution?

SP Hindi nila kinausap. Sabi nga, dun lang sila nag-usap sa waiting room.

Q Napikon po ba kayo sa paraan ng pagtatanong ng prosecution sa sarili nilang testigo?

SP Hindi ako napipikon. Kaya lang, para matapos, kaya ko pinapalo yung gavel para order yun. Ibig sabihin nun, kayo, tumigil muna kayo at magsasalita ang presiding officer para maayos ang proseso.

Q Hindi kayo nadisappoint na nagkaroon ng sudden turn around? SP Hindi ako mapipikon dito. Pag mapipikon ako dito, mawawala yung focus ko.

Q Parang natatawa pa kayo kanina?

SP Nalalagay sa alanganin yung mga abogado sa kanilang mga testigo dahil nga hindi sila naguusap bago pumasok sa Impeachment Court.

Q Yung testimony po ba nung witness today pasok po ba sa Article 2?

SP Hindi, tatanggapin namin yun pero yung mga inobjectionan, na nasustain yung objection, hindi papasok yun. That will not be considered.

Q Pero sir yung very liberal po kanina Pinapayagan ninyo?

SP Pinapayagan ko na nga dahil nakita ko nga na nahihirapan sila kaya pinakiusapan ko na yung depensa na Pabayaan mo na lang na dumating. Saka mo na lang tanungin sa cross-examination. Para matulungan nga na i-lay yung basis ng question niya.

Q Ano po yung masasabi natin sa parang mga inconsistencies dun sa sinasabi kanina nung witness?

SP Alin dun ang inconsistent?

Q Yung una sinabi niya na hindi sila nagreport dun sa water damage, pero nung huli...

SP Sabi niya, yung building insured. Ngayon, ibig-sabihin nun lahat ng units, ang kabuuan ng building, kasama yung mga kwarto dun, mga units, naka-insure yun. Ngayon, ang hindi tinanong, mayroon bang report dun sa unit na yun? Walang nagtanong dun.

Q Yung huling document na nilabas ng prosecution, magagamit po ba yung contents nun?

SP Tinanggap namin yun. The document speaks for itself. Wala namang ibang batayan kung ano ba ang sinabi nung report na yun.

Q Tanggap na po as evidence?

SP Oo.

Q Sir, ano ang nafoforsee ninyo na unang naproject ng Impeachment Court na 2-3 months?

SP Hindi ko naman mapre-predict ngayon. Sa dami ng witnesses, kung one every day, one hundred session days divided by four, aba, matagal-tagal yun.

Q May nakita ba kayong irregularity dun sa reduction sa price?

SP Hindi ko masagot yan sapagkat gagawa na ako ng conclusion.

Q Pero yung sinabi ni Senator Koko kanina?

SP Payo yun, individual na perception yun.

Q You will not do the same thing, Sir?

SP I will not, I will not.

News Latest News Feed