Press Release
January 30, 2012

MANIFESTATION OF SENATOR RAMON BONG REVILLA, JR.

I am just a bit worried finding out that the prosecution intends to present around 100 witnesses aside from the voluminous pieces of documentary evidence they are planning to to present. Kung isasama pa natin ang mga testigo ng depensa at kanilang mga ebidensiya, t'yak na napakahaba pa ng itatakbo ng paglilitis na ito.

Without trampling on the prosecution's right to present their evidence and the respondent's right to establish the best defense, baka maaring tingnan natin ang listahan ng kanilang mga testigo at ebidensiya to determine kung ang lahat ng ito ay kailangan o ang iba ay yung tinatawag na corroborative na lamang.

Walong araw na tayong naglilitis at iilan pa lamang ang mga testigong ating naririnig. We are going at a rate of just one witness per day on the average, at kung matutuloy ang ganitong takbo, mukhang magtatagal pa tayo rito - baka abutin na tayo ng isa taong.

[We are spending time and resources that could be spent on other equally important activities. Ang matitipid nating gastusin ay maaaring pa nating ilaan sa mga bagay na mas kailangan ng ating mga kababayan.

Alam nating importante ang isyung ito para sa buong bansa kaya naniniwala tayong nakabantay ang ating mga kababayan sa kahihinatnan ng paglilitis na ito.

Ang apela ko lang sa magkabilang panig - sa prosekusyon at sa depensa - huwag na natin ito patagalin. Nung umpisa, we were led to believe that the prosecution would be finished presenting their case in 3 weeks, pero mukhang imposible na yan. Three weeks na tayo ngayong linggo at hindi pa tayo natatapos sa isang Article. After this Article, may pito pa. At ang bawat araw na lumilipas ay may malaking epekto sa ating bansa at sa ating ekonomiya.

Aminin man natin o hindi, ang malaking porsiyento ng oras ng ating lehistlatura, hudikatura at ehekutibo ay nailaan na sa impeachment na ito. Maging ang mga marami sa ating mga kababayan ay mistulang tumigil na rin ang buhay dahil sa pagbabantay sa kahihinatnan ng pagdinig na ito.

We are all looking for the truth so let us bring out the truth. Bigyan natin ng katarungan ang magkabilang panig sa pinanakamabilis at epektibong pamamaraan.

Thank you Mr. President.

News Latest News Feed