Press Release
January 24, 2012

Transcript of Ambush Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

Q: Sir, kanina sabi ninyo kung hindi satisfied sa inyo ang ruling pwede kayong palitan, sir bakit kailangan nyo po ito sabihin? Nagtatampo po ba kayo?

SP: Hindi. Kung unsatisfied sila sa aking pamamalakad ng impeachment trial, then all they have to do is change me.

Q: May nararamdaman po ba kayo na hindi satisfied sa inyo?

SP: Wala, wala naman pero ang sinasabi ko sa lahat yun in general.

Q: Sir, sa question na kung kayo ay kailangang maging liberal o flexible, bakit po ngayon ito pinag-uusapan?

SP: Hindi ko alam eh, kaya nga sinabi ko sa kanila sabihin ninyo sa akin kung gaano ako maging liberal, hanggang saan ba?

Q: Sir, bakit po kritikal na inyong madetermina ang hangganan ng iyong pagiging liberal?

SP: Kung liberal ako, ibig sabihin 'nun diskusyon ko nalang yun, kung gusto ko, o sige bahala ka, bahala ka na dyan, Jinggoy. Ikaw na ang uupo dyan basta pakinggan mo.

Q: Sir kailan kayo magiging liberal kailan kayo magiging teknikal? O case to case?

SP: Depende sa Rules na involved.

Q: Depende rin po sa issue?

SP: Oo. Alam mo mayroong tinatawag na substantive due process, yun sa mga ebidensya sa facts, and procedural due process na kailangan yung proseso na nasasaad sa mga rules ng paglilitis ay sundan mo, sundin mo, entitled yun. Yung nakasakdal na sundin yung proseso na yun

Q: Sir, kailangan nyo pa bang magkaliwanagan pa kayo pong lahat ng mga senators sa puntong ito kung kelan kayo liberal kelan kayo teknikal?

SP: Hanggang ngayon walang makapagsabi kung paano ako magiging liberal eh. Hindi magiging liberal ang lahat.

Q: Hindi po ba makikita nung last week sir na liberal enough na po ang impeachment court dito dahil napagbibigyan na nga sir ang prosecution?

SP: Di ba nga, sinabi ko doon nung premiro pa lang, 'yung private prosecutor nila. Kasi nakikipagdebate doon sa witness. Sabi ko sa kanya hindi mo pwedeng salungatin yung testigo mo, sapagkat testigo mo yan e. Bakit mo dinala rito na maging testigo mo kung sinasalungat mo siya. So, sabi ko kung 'yan kako ay laban sayo na testigo sabihin mo, may argumento yun eh, gawin mo ang dapat mo gawin, papayagan ka ng husgado na magtanong ng maski anong klaseng tanong.

Q: Sir, sa caucus nyo po ba bukas pag-uusapan nyo kung gaano kayo magiging maluwag doon sa impeachment...?

SP: Hindi, pag-uusapan naming 'yung disposition 'nung issue.

Q: Sir, yung scope po ng article 2. Sir tama po bang sabihin yung issue kung kayo ay magiging teknikal o liberal para po ma-determine kung ano talaga ang scope ng article 2?

SP: Hindi. 'Yun ay kwan eh..

Q: Sir, sa kabuoan na po ito

SP: Hindi, 'yun eh part of procedural due process. Kailangan sinasabi na 'yung i-pi-presenta mo 'yung paratang mo sa maliwanag na paraan at hindi argumento ang gagamitin.

Q: Sir kung na-i-rule na separate po pala dapat ang ill-gotten doon sa issue ng SALN, maari pa rin po ba nilang baguhin yung kanilang... ?

SP: Maari, pero babalik sila sa House. Hindi sila authorized to amend the articles dito.

Q: Sir, paano po yun, ang desisyon it's either maaaring payagan po ninyo o hindi yung presentasyon po ng mga testigo...?

SP: O-object yung depensa pag kwan...

Q: So, 'yun 'yung dedesisyon sir? 'Yung scope ng number 2... Sir, hindi po ba dumating sa punto na gusto 'nyo na pong ibigay dun sa gustong mamuno sa korte yung posisyon dahil sa medyo hindi nagkakaintindihan?

SP: Hindi naman, ang sinasabi ko lang sa kanya kung ayaw ninyo ang aking patakaran na susundin natin yung Rules of Evidence e di, ako naman handing magbibitiw kung meron kayong ipapalit sakin. Walang problema yun.

Q: Sir, hindi pwede pong amyendahan ang nilalaman ,ang sakop ng article...?

SP: Pwede pero kailangan babalik sila 'dun sa House at pagbobotohan nila yung amendment.

Q: Sir, in terms po ng article 2 ano po ba yung assessment po ninyo doon?

SP: Ang sinasabi 'nung depensa may multiple charges in one article of impeachment. Pangalawa, yun e parang stranger na sa article 2 sapagkat dun sa article 2 ang sinabi lang nila ang tungkol sa hindi nagdidisclose ng SALN 'yung respondent.

Q: Sir, problematic kana ba ng article 2?

SP: Alam mo kasi, sa kaso lalo na kung prosecutor ka very critical yung drafting of information. Very critical yun. It governs 'yung presentation of the evidence maraming lalabas na issue 'dun 'pag hindi maganda ang pagkagawa noon.

Q: Are you saying sir na hindi maganda ang pagkakagawa...?

SP: Hindi ko sinasabi yun.

Q: Sir, should they have been more...

SP: I have to go.

Q: Pero dapat sir, mas careful sila next time?

SP: I will not teach them. They are lawyers, they passed the bar.

Q: Pero kapag sa court ba yun pag hindi maayos ang pagkakalatag pwedeng malaglag ang kaso?

SP: Alam mo kung sa korte 'yun itatapon sa basura 'yung mga ganung alegasyon.

Q: Sir were you offended by the prosecution sir, are you offended sir personally?

SP: No, I could not take offense. I am too old in the season of this game to take offense personally.

News Latest News Feed