Press Release
January 19, 2012

Transcript of DZMM Dos Por Dos Interview with
Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano

Anchor: Kanina at tsaka kahapon, isa ka dun sa mga tumayo senator at sinabi nilang parang naging prosecutor ka na rin. Pero kanina nakabawi ka at may mga ilang naging katanungan na tumutugon naman para doon sa panig ng depensa. Any reaction senator? )

Nagiging parang boksing na round by round na binabantayan ang prosecution at defense at ang mga senador. Tama naman na maging vigilant ang ating mga kababayan at kapatid sa media pero tandaan sana natin na kakaunti lang ang nakakapanood ng, halimbawa, mga oral argument sa Supreme Court.

Alam mo pag nanood ka sa Supreme Court at tiningnan mo ang tanong ng mga justices akala mo alam mo na yung boto nila. Pero kung ang ating mga tanong ay may tendency na kumiling sa isa, hindi ibig sabihin na doon na tayo. You have to elicit kasi yung kind of answers na kailangan mo (bilang judge).

Katulad kanina, nakita ko yung Article 2, maraming nalilito doon. Si Sen. Escudero nagtanong din tungkol doon. Kung pinayagan ako na tanungin na buong buo, I think mas malilinawan tayong lahat at ang aking sarili ay malilinawan ko rin.

Kasi kanina simple lang yung tanong ko. Sabi nila hindi ni-report sa SALN yung ibang properties. Kaya ang tanong ko sa kanila, paano niyo alam yan kung hindi niyo pa pala nakikita yung SALN?

These questions are not meant to put them in a bad or good light or to help them. It is meant to clarify the issue.

Kaya ko hawak tong manual ni Atty. Black sa Amerika dahil sabi niya dito "The technical rules of evidence were elaborated primarily to hold juries within a narrow limit." Ibig sabihin yung mga juries, hindi sila mga abugado kaya kailangan bantayan kung anong mga ebidensya ang nakarating sa kanila.

Pero sabi dito "They have no place in the impeachment process. Both the House and the Senate ought to hear and to consider all evidence which seems relevant without regards to technical rules."

Tandaan po natin na hindi katulad ng isang presentation ng isang committee hearing na pwedeng magpresent ang prosecution o pwedeng mag-argue. Lahat ng ebidensya dito dapat ay lalabas sa bibig ng witness.

Nahihirapan tuloy ang ating mga kababayan at pati yung ibang mga senator-judges na sundan dahil nga nauuna yung technicality kaysa sa buong katotohanan.

Remember, doon unique ang impeachment. This is not a criminal prosecution. Yung mga tanong namin I think bunsod rin talaga yun ng mga komplikadong rules na ina-adopt namin ngayon.

(Anchor: Mukhang sa nangyayari ngayon ay hindi pa si Chief Justice Corona ang on trial, mukhang ang senator-judges ang on trial)

Tama naman yun. At dapat naman mag-ingat kami. Kasi damned if we do, damned if we don't.

Yung first day sabi sa Inquirer, deafening silence daw kami ni Manong Joker dahil di kami nagsasalita. The next day naman nung nagtanong kami dahil sa paniniwala namin sa batas, kampi daw kami sa prosecution. Ngayon nung tinanong ko ang prosecution na bakit ganon, baka kampi daw tayo sa defense.

But in the end, I think we're all learning from this process. And in the end, ang desisyon talaga namin ay ayon sa merits ng evidence.

(Anchor: Di niyo ba pwedeng pagusapan yan sa caucus? Na sa susunod na hearing ay mabawasan na yung mga sobrang technicalities? )

Well, tuwing may break ay napaguusapan namin yan. Pati yung marking at kung paano mapapabilis. Kasi may nagcomment po nung isang araw na ang impeachment court ng mga senador, pinapanood ng buong Pilipinas, sana hindi maging katulad ng ordinaryo nating court na mabagal ang hustisya, minsan panay postponement.

So medyo tinamaan ako dun at tama yun. Kung kami ay hindi makakapagset ng magandang ehemplo, para narin nating sinabing walang pagasa ang ating justice system.

Sa Tuesday meron talaga kaming caucus at 11 o'clock. Sana naman hindi lahat ay mapunta sa aming balika. Sana naman yung depensa at ang prosecution ay maisip na ang obligasyon nila ay hindi lang sa kanilang kliyente o sa kanilang advocacy. May obligasyon sila sa buong bansa na nanonood.

Baka magaling nga sa technicalities pero ang magiging tingin naman ng taong-bayan sa justice system natin ay pagalingan ng abugado, hindi rin maganda ang epekto nito sa ating bansa.

News Latest News Feed