Press Release
December 19, 2011

APPEAL OF SENATOR BONG REVILLA

In the wake of the onslaught of tropical storm "Sendong", I appeal to my colleagues in the Senate to reach out to our distressed countrymen in Northern Mindanao. Let us show that we care for our fellow men especially during this season of giving. I also urge the film industry to help. Together, let us make the victims of Sendong feel the spirit of Christmas.

Pupunta ako ng Cagayan de Oro para magbigay ng tulong. Bilang chairman ng Senate Committee on Public Works, magsasagawa rin tayo ng site inspections sa mga napinsalang imprastraktura sa lalawigan.

Nananawagan din ako sa ating mga kapatid at kasamahan sa industriya ng pelikulang Pilipino na magbigay ng tulong. Kung anuman ang maitutulong ng bawat isa sa atin, maliit man ay malaking kontribusyon din kapag pinagsama-sama. Ang mahalaga ay tumulong tayo. Ngayon higit na dapat ipakita natin na ang mga miyembro ng industriya ng pelikulang Pilipino ay nagmamalasakit sa kanilang kababayan. Ito ang panahon para suklian ang pagtingkilik ng ating mga kababayan sa ating mga pelikula.

News Latest News Feed