Press Release
November 1, 2011

OFFICIAL STATEMENT OF SENATOR RAMON BONG REVILLA, JR. AND THE WHOLE REVILLA CLAN ON THE LATEST UPDATE ON
THE MURDER OF RAMGEN

Our family is as shocked as everyone. Nabigla rin kami sa kinalabasan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng aming kapatid na si Ramgen, at ngayon naman ang pagkakasangkot ng tunay na kapatid ni Ramgen at half-brother din namin na si Joseph.

Hindi pa man naililibing ang isa, isinasangkot naman ang isa pa. This is a tragic death made even more tragic by the fact that a family member is being implicated.

Hindi kami makapaniwala na may kinalaman nga siya, hangga't hindi napapatunayan, beyond reasonable doubt, na ginawa nga niya ang ibinibintang sa kanya. Ang hinihiling lang namin ay bigyanG- pansin ang credibilidad ng mga suspect na isinasangkot ang aming kapatid sa ama na si Joseph. The statements should be validated, not taken on face value, alone.

We call on the Task Force Ramgen to make sure that the result of the investigation must not lead to irreparable damage to the innocent, especially to their family members.

Ganunpaman, kung sinuman ang tunay na may kagagawan nito, kahit sino pa siya, dapat siyang managot.

Maraming salamat sa lahat na nakiramay at patuloy na nakikiramay at nagdarasal para aming kapatid at sa aming pamilya. JUSTICE FOR RAMGEN. So help us, God!

News Latest News Feed