Press Release
September 18, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN DRILON
Radio dzBB with Nimfa Ravelo

Q: Tungkol sa kaso ni Gen. Garcia sapagkat kayo ang isa sa mga aktibong nag participate sa Blue Ribbon investigation. May nadiskubre kayong pera ni Garcia na hindi nadiskubre ng Ombudsman, pero na-discover ng AMLC. Ngayon, nakakulong siya hindi dahil sa plunder at siansabi na magsasauli sa kanya ang gobyerno dahil ikinulong siya. Ano ang tingin nyo sa nangyari?

Mali po. Hindi naintindihan ng spokesman ng Sandiganbayan. Sana na-misquite siya dahil totally erroneous yan. Unang una, yung pagkakulong nya ay dahil sa conviction nya sa court martial. Hindi dahil sa anti-graft o plunder na naisampa sa Sandiganbayan. Siya ay napasok sa Bilibid dahil sa kanyang conviction sa military tribunal. Yung military tribunal ibang kaso at ibang offense, ibang batas ang nilabag ni Garcia dun. Iba ang nasa Sandiganbayan. Yung sa Sandigabayan plunder, yan ang dahilan kung bakit sya nagkaroon ng plea bargain. He was arraigned under plea bargain for a much lesser offense. Ang sainasabi kasama sa plea bargain ang pag surrender ng kanyang mga ari arian. Mali na ibalik sa kanya ang pera paglabas nya sa Muntinlupa dahil ang pagbalik sa kanya ng pera o pagbuwag ng plea bargain ang determining factor kung pwedeng maibalik sa kanya temporarily yung pera. Assuming na yung kaso ng plunder kung saan na downgrade, assuming na maibalik sa plunder dahilan sa plea bargain ay mabubuwag o mabalewala, under plea bargain he will surrender P136 million kung hindi ako nagkakamali. If the plea bargaining becomes void, ibig sabihin lilitisin muli ang kaso ng plunder at kung siya ay mako-convict ng plunder, ang ari arian ay mapo-forfeit in favor of the government. What happens while the case is pending? Itong pera, kung naka-freeze, kung hindi ako nagkakamali at this is subject to verification of the record, baka may freeze order ang AMLC. Kung hindi man naka freeze, doon sa pag approve ng motion for reconsideration ng Ombudsman, ibig sabihin, lilitisin muli ang plunder, kasama dapat sa order ang pag-annotate ng kaso sa titulo ng mga ari arian at i-freeze ang mga accounts kung ano man ang natitira doon.

Q: Pero naalala ko meron kayong na point out na meron pang more than P100 million na nadiskubre ang AMLC?

Tama po yan. Account ang na-discover pero di alam kung may laman pa noon.

Q: Sabi ng Ombudsman ay iaapela pa nila sa Sandiganbayan na i-reject ang plea bargain.

Tama po yan. Ang plea bargaining ay inapuruba ng Sandiganbayan sa panahon ni dating Ombudsman Gutierrez. Nag-file ng motion for reconsideration ang bagong Ombudsman for the Sandiganyan to reconsider their approval of the plea bargaining. Pag nareconsider, ibig sabihin ibabalik ang kaso na plunder at habang nakabinbin ang kaso ng plunder, yung mga aria arian na subject matter ng plea bargaining, frozen lahat yan.

Q: Pero ibang usapan pag ni-reject ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ng Ombudsman ngayon?

Pag ni-reject ang motion for reconsideration, pwedeng pumunta sa Korte Suprema.

Q: Kailangan bang i-reopen ang Senate probe para i-clarify ito at para maungkat yung sinasabing kapabayaan ng dating Defense officials na hindi daw po nag follow up ng kasong ito sa office ni dating Pangulong GMA?

Unang una di na kailangang buksan muli ang investigation sa plunder. Maliwanag naman ang batas dito. Baka na misquote lang ang spokesman ng Sandiganbayan dahil hindi po tama ang sinabi niya. Dun sa hindi pag akto, sa akin dapat hingin muna natin ang report ng AFP kung ano ang nangyari dito because this could constitute gross negligence. Tignan natin, ayon sa record kung may basehan ang kasong criminal kina Norberto Gonzales at mga kasama niya for what appears to be a deliberate attempt to suppress the recommendations. Kailangang tignan natin they might have violated the Revised Penal Code--infidelity in the custody of public records dahil hindi makita. Sa akin, dapat hingin natin ang full report ni Sec Volt Gazmin. Sa pamamagitan ng inyong program, hihilingin ko sa Armed Forces to submit to the Senate committee on national defense and Blue Ribbon kung ano ang nangyari dito bakit 2 taon na nakabinbin ito at di naaksyunan.

Q: Kaya po pala hindi naaksyunan ng 2 taon nakatambak daw sa Malacanang tapos yung records hindi nila makita. Hindi ba po kumbaga pag nagpapalit ng guwardiya, magtu turnover ng dokumento. Hindi po ito kasama sa kanilang tinurn over?

That's no longer surprising to me. Dapat tignan kung ito ay negligence lang, gross negligence o talagang sinasadyang itago o walain ang mga papeles na ito.

Q: Amenable kayo sa balak ng Ombudsman dun sa motion for reconsideration? Yung mga ganito may habol pa kaya, kung nag agree na ang dating Ombudsman, nagpirmahan na nga, inaprub nan g Sandiganbayan tapos hahabulin ng bagong Ombudsman?

Sinusuportahan ko ang position ng Ombudsman. From the very start sinasabi natin na mali ang plea bargaining. Sana makita ng sandiganbayan ang merit ng motion for reconsideration ng ating bagong Ombudsman.

Q: On 2012 budget, may nakuha kaming kopya ng sulat na tinatawag ang kanilang grupo na Constitutional Fiscal Autonomy Group--nakapirma ang mga namumuno sa CoA, CSC, Ombudsman, noted ng SC. Ang kanilang hinihingi ay kilalanin ang fiscal autonomy. Hinihingi nila na ibigay nang buo ang kanilang pondo.

Tama yan. Matagal nang issue yan. Kasama yan sa position ng Korte Suprema. Kung titingnan nyo ang dokumentong yan, kasama diyan yung Court Administrator (Midas Marquez). Ito po ay ating titignan at pag-aaralan nang husto. Inaprubahan ng House of Representatives ang panukalang ilagay sa MPBF itong pondong ito. Ang position ng Malacanang ay hindi ito pagbawas sa pondo ng constitutional agencies kundi ito ay nalagay sa isang pondo kung saan automatic ang release pag na fill up ang positions. Ang sinasabi ng mga kritiko ay ito ay nagiging hawak ng Malacanang at pag hindi nagastos ito, gagawing pork barrel ng Malacanang. Sa akin po, pwede nating lagyan ng special provision na ito ay hindi pwedeng galawin ng anumang ahensya kung hindi nagastos para sa mga suweldo para sa vacant positions.

Q: Paano yon sir? Special provision to a special provision?

Special provision na sasabihin na hindi pwedeng i-realign ang anumang hindi nagastos dito. Pwede po yan na ilagay sa special provision. Ang depensa ng Malacanang at Budget secretary na ito ay to prevent abuso ng savings. Nakita natin sa judiciary, 550 vacancies sa mga huwes. Ito ay nakakadagdag sa delay ng resolution ng kaso. Ito ay directly-related. Ang disposition rate ng husgado ay 37.5% lang. Ibig sabihin sa bawat 100 kasong pumapasok, 37.5% lang ang nade desisyunan. Ang worse ang Sandiganbayan, 3.5%. Sa bawat 100 kaso, 3 kaso lang ang nadedesisyunan. Ito ay related sa vacancies sa judiciary. Kung walang huwes, sino ang magdedesisyon? One-fourth of the judiciary positions are vacant. Kaya siguro ito ay isang paraan na ginawa ng Malacanang para pilitin na ifill up ang positions na vacant. Sa katunayan, sinasabi ko nga sa budget hearing, siguro kung between today up to the end of the year mag hire tayo ng 550 judges, wala nang question ito. Wala nang constitutional issue. Pangalawa, mas bibilis ang pag decide ng mga kaso sa husgado. Ito ay isang paraan para mapilitan ang pag fill up nang mas mabilis ang 550 positions sa judiciary kung saan mahigit P1 billion ang ginagamit para lamang sa mga bonuses. Ito ay nakaka distort ng salary scale natin. Mas mataas ang sahod sa judiciary. Naba-balewala ang Salary Standardization Law. Ito ang ibig i-correct ng DBM. Inaamin ko na may mga constitutional questions ngunit sa aking tingin, tignan natin kung ano ang magagawa in order to address this constitutional issue and at the same time address the policy issue that our cases are pending in the courts for unreasonably long periods of time because of the vacancies. Yan ang dapat nating direksyon.

Q: Baka maging pork barrel daw ng Presidente?

Dalawang bagay yan: sinasabi nila maging pork barrel ng Presidente pag hindi nagamit, pwedeng ma-convert. Ang sagot diyan, kung ire-release mo, pork barrel din ng agency. Di lang ng judiciary, kung hindi ng lahat. Gagawing bonus. Just to address that particular problem, di pwedeng i-realign itong budget na ito kung hindi magamit. Pambawas ng budget deficit. Pwede po yan. Papayag akong tignan dahilan sab aka lumalabag nga sa Saligang Batas ngunit hindi ako sang-ayon na dapat nating baguhin dahil ito ay magiging pork barrel ng Malacanang.

Q: Doon po tayo sa constitutional issue.

Opo. Having said that, tignan natin how we can resolve the constitutional issue and at the same time resolve the policy issue na dahilan sa mahigit 550 vacancies or 25% ng mga positions for judges ay mabagal ang pagdesisyon ng kaso sa husgado. That is the policy problem that we have to address and we have also to address the constitutional issue.

Q: Tama po ban a kunwari ang pinag uusapan nating unfilled positions, kunwari 100 ang kailangang empleyado ng Senado, pang 100 empleyado ang budget niyan. Pag hindi napunuan ang 20 positions, ibig sabihin 80 lang ang personnel, yung budget para sa 20, yun ang planong ipitin ng Malacanang?

Yan po ang 20 na ilalagay sa MPBF kung saan pag na fill up ang 20, ire-release ang sahod para sa 20. Dahil ito rin ang source ng pabaon system sa AFP. Ang budget sa mga sundalo ay on the basis of troop strength at troop ceiling. Ang actual ay kulang sa troop strength. Halimbawa, ang sasabihin ng AFP ang troop strength natin ay 100,000 kaya pondohan natin ng P100 million. Ngunit ang actual troop strength ay 80,000 lamang, kaya yung 20,000 ay hindi naha-hire. Yung P20 million na naka-allocate para sa 20,000 na troop ceiling ay ginagawang pabaon sa AFP. Ito ang unfilled positions sa judiciary at ibang agencies na nagiging source ng bonus.

Q: Ang ipino point out ng ilang senador, okay lang daw sa Executive offices na i-hold ang budget para sa unfilled positions. Ang pumapalag ang constitutional agencies na sabi nila may fiscal autonomy sila.

Uulitin ko. Nire-recognize natin na may punto sila. Ngunit siguro nire-recognize din nila, unang una ito ay hindi ginagamit sa sahod kundi ginagamit sa bonus. Pangalawa ang mga vacancies sa judiciary ay dahilan kung bakit maraming kaso ang hindi nadedesisyunan dahil 550 vacancies at ang mahigit sa P1 billion ay dapat gamitin sa sahod sa filled up positions hindi dahil sa bonus. Yan din ang sitwaasyon sa ibang constitutional agencies. This is a policy issue which we must address kasabay ng constitutional issue.

Q: Text question: Minsan na kayong nagkasagutan ni Sen Joker dahil sa miscellaneous personnel benefits fund. Ito yung sinasabi ni sen Joker na produkto ng evil genius at sabi niyo naman ay tinutuwid ang evils ng nakaraang administrasyon. Kung ang mga pinuno ng constitutional bodies ay pumapalag sa balak ni Sec Butch Abad, kanino daw po kayo makikinig? May kaba po ang ibang Senate insiders na baka manaig ang pagsasama niyo ni Sec Abad sa Balay faction?

Mayroong sariling pag-iisip si Sen Drilon.

Q: Text question: Paano ang opposition ng constitutional bodies? Sino ang pakikinggan: yung kaalyado sa DBM over their autonomy?

Magaling talagang mag intriga ang media.

Q: May may pinoint out din si Sen Angara , yung sa constitutional bodies okay lang po sa kanya dahil parang sa kabuuan ng budget, kung sa 100% ay .5% lang ang ating pinag uusapan dito. Ang kanyang concern ay sa regular agencies like DPWH, mayroong utos kasi si Sec Abad sa ibat ibang agencies na huwag nang mag lobby sa Kongreso para sa realignment ng pondo. Tantamount to telling Congress na wag nang pakialaman ang pondo. Yan ay aprubahan na lang nang basta.

Hindi po. May karapatan at kapangyarihan ang Pangulo, sa pamamagitan ni Sec Abad, na magkaroon ng policy na huwag mag lobby ang mga secretaries na dagdagan ang budgets nila because that is the President's budget. kahit may President's budget, kung sasabihin pwede naman palang palitan ng mga secretaries ang budget ng Pangulo, di baliwala ang President's budget. But that does not prevent the legislature from adding to the budget, subject to constitutional limitations. Sa ating system of check and balance, may kapangyarihan din ang Pangulo na mag line item veto. Kung hindi sang ayon sa kanya ang Budget ay hindi ire-release. Kaya nung panahon ni GMA, nag conditional veto siya sa mahigit P60 billion congressional insetions. Kapangyarihan ng Pangulo yan. Hindi dapat maging concern ang utos ng Pangulo sa kanyang Cabinet dahil yan ay kanyang budget. Kung ang kanyang budget ay papalitan sa pamamagitan ng pag lobby ng kanyang miyembro ng Cabinet, balewala ang President's budget. Uulitin ko, hindi bound ang Kongreso na baguhin ang budget, provided na yan ay hindi lalabag sa Saligang Batas. Having said that, kahit i-realign natin, pwedeng i-line item veto ng Malacanang ang mga amendments ng Kongreso.

Q: Text question: Hindi ba sa pagba budget ng Malacanang ngayon, parang walang tiwala sa mga agencies kagaya ng planong i-impound ang pondo para sa vacant positions. Pinoint out din ni Sen Angara na parang walang tiwala ang Malacanang sa mga agencies, tuloy baka hindi gumalaw ang mga proyekto ng DPWH, DepEd sa takot na sila ay ma-Ombudsman o ma-Blue Ribbon.

Unang una hindi ko maintindihan ang walang tiwala...

Q: Yung MPBF at ang sobrang higpit na paglabas ng pondo eh parang walang tiwala sa mga agencies.

Unang una, ang mahigpit na paglabas ng pondo, yun ay dahil sa first half nagkaroon ng pagbabago sa proseso. Halimbawa nung nakaraang administrasyon, kahit walang program of work may release of funds. Kaya maraming nilustay at ninakaw na pera ng bayan noon, bilyun-bilyon ang nawala. Sa katunayan, ang budget ng Department of Agriculture nung nakaraang administrasyon tungkol sa farm-to-market roads--P7.5 billion for six months--ating tinitignan ngayon. Meron kaming mga naga-gather na ebidensya that these farm-to-market roads bago magpalit ng administrasyon, mahigit P7.5 billion ang ni-release na walang program of work. Mukhang hindi makita yung farm-to-market roads. Ito ang mga ganitong klaseng pang aabuso na binago pagpasok ng bagong administrasyon. Siyempre sa pagbabago ng proseso, hindi agad ma-release ang pondo habang hindi nababago yung proseso. Sa ngayon, itong prosesong ito ay umiiral na. Hindi naman po sa dahilan na walang tiwala. Temptation is always there kaya hinihigpitan ang discretion. Sa ngayon the reforms are already in place. Nangako ang DPWH bago matapos ang taong ito ay P80 billion ay ma-disburse ng DPWH, out of the P90 billion budgeted for 2011. Tungkulin nating lahat na lagyan ng paghihigpit kung nakikita natin na naaabuso ang dating sistema.

Q: Sa bagay sir maigi na may fear factor. Mangimi naman ang ilang namihasa at umabuso.

Opo. It's not a question of trust, it's a question of actual incidents in the past administration. Yung pasalubong system, kung hindi ba hinigpitan ito ay makikita ba natin? Dahilan po dito nagkaroon tayo ng miscellaneous personnel benefits fund kung saan sinusuri nang husto ang programa tungkol sa hindi napi-fill up na positions. Hindi nalalayo diyan ang mga betarano: yung ghost veterans, mahigit 100 years old. Kung titignan mo ang record, they defy all longevity data ng Pilipino itong ating mga World War II veterans. Ito ay lahat tinitignan dahil may obligasyon ang pamahalaan na alagaan ang pera ng taumbayan.

Q: Nung Friday night ay naipasa ng HOR ang 2012 budget. Kasama sa inaprubahan ang special provision na ating dini-discuss sa MPBF. Paano yon kung yung binabanggit nyo kanina na pwedeng magkaroon pa ng amendments... pwede bang baguhin ng Senate o sa bicam na?

Bicameral legislature tayo. Meron kaming kapangyarihan na tignan din at magkaroon kami ng sarili naming amendments at pag uusapan sa bicam. Hindi pa natin nakikita kung ano ang amendments na nilagay nila o special provisions na nilagay ng House sa MPBF.

Q: Definitely ay ine-entertain nyo ang pag question ng constitutional agencies.

Pinag aaralan natin kung ano ang solution dito. We are not conceding anything but we are open to studying the issues faced.

Q: Text question: Paano na discover ng Senate ng P7.5 billion? Missing roads po ba ito? Saang lugar?

Ito ay sa Oversight Committee on Public Expenditures, kasama sa committee on finance, na kung saan isinusumite ng mga ahensya ang mga pondo na kanilang natanggap at nagastos. Isa dito, nakita natin nung nakaraang administrasyon, between January 2010-June 30, 2010, P7.5 billion was released for farm-to-market roads. Ito po ay panahon ng election. Ating tinitignan kung ito ay napunta sa farm-to-pocket roads or roads to my farm, or wala talagang nangyari dito, wala kang makitang kalsada at wala yung pondo ng pamahalaan at ito po ay ating tinitignan.

Q: May actual releases?

Yes.

Q: Natukoy nyo kung saang districts?

Just in general. Pinag aaralan pa natin.

Q: Pero natignan nyo na ba sa budget deliberation sa DA?

Nakita na natin. Isa sa tinatanong ko noon yung farm-to-market roads, may item doon sa farm-to-market roads, kung ano ang mga prosesong kanilang sinusunod para mas sigurado na hindi muli malustay ang farm-to-market roads budget. Isa sa pinaliwanag sa atin, pinakita sa budget hearing, na mayroon silang GPS or sistema kung saan sa pamamagitan ng technology mababantayan nila na hindi magkakapatong patong ang farm-to-market roads.

Q: May flyover na yata e

May flyover na yung farm-to-market road dahil patung patong yung farm-to-market roads taun-taon. Isa po yan sa ating tinitignan. Kaya ganun ang tinanong natin at ganon ang sagot ni Sec Alcala dahil alam niya na nagkaka flyover sa farm-to-market roads.

Q: Ang peculiarity nyan ay panahon ng election?

Panahon ng election ito.

Q; House passed the budget, wrap up na po ang committee hearings sa Senate?

Hanggang October ang aming committee deliberation. Ipinasa ng House on 2nd reading ang General Appropriations Bill. As a matter of practice in the House, pagkatapos nila maipasa on 2nd reading, mga 3 linggo tatalakayin ang amendments through a small committee in the House. Ang mga congressmen will submit their amendments to the small committee. Ang schedule namin, mga October 12 aaprubahan on 3rd reading ang GAB at iaakyat sa Senado on or before October 12, para bago mag break sa October 14 ay naka refer na officially sa committee on finance at we can take it up in the floor pagbalik namin sa November.

Q: Meron pa po palang ng sapat na panahon sa debate sa RH kasi sinasabi na maaga iaakyat ang budget, ito kaagad ang matatalakay at wala nang time para sa RH.

Hindi po. Itong schedule ng debates sa budget, ito ay na approve sa caucus and this was also approved in plenary. Alam ng lahat na ang debates on the floor sa budget pagbalik namin from our break. Kung hindi po ako nagkakamali, mga November 7 or 8 siguro.

Q: On schedule naman ang pagtalakay sa budget?

Tama po yan.

Q: On RH, napansin ko lang sa mga nakapila na mag interpellate kina Sen Pia Cayetano at Miriam Santiago, parang wala pong taga Liberal, except kay Sen Recto yata na nakapila. Usapan daw po ba yon na para hindi magtagal ang debate?

We are just listening muna. We have not said that we are not interpellating, neither have we registered our reservation. Ako po ay nakikinig at pinag aaralan natin at kung may kailangang tanungin, we still have that opportunity. Pero sa ngayon, we're just listening.

Q: Wala pa kayong stand?

Tama po yan.

Q: Paano daw pananagutin ang responsible sa farm-to-pocket roads?

We do not want to come to any conclusion. Ang sinasabi natin ito po ay ating tinitignan. Kung dati mayroong fertilizer scam, baka ito naman may overpass na farm-to-market road, parang patung-patong. Medyo masyadong efficient ang dating namumuno sa DA, they were quite efficient in utilization of funds.

News Latest News Feed