Press Release
September 14, 2011

Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
TRANSCRIPT
Post-CA Hearing of Chairman Sixto Brillantes

Q: Do you think it's worth listening to the affidavit of Rafanan?

This is what I know. Ang mother of corruption ay election cheating. Walang nandadaya sa election tapos gagawa ng mabuti. Kung mandadaya, pagkatapos niyan, magnanakaw, tapos magsisinungaling o iko-cover up.

Several decades na, several generations, ang problema natin, corruption, ang problema natin pandaraya sa eleksyon. Kung hindi pa nagkaroon ng "Hello Garci", hindi mae-expose ang mga modus operandi ng mga election cheats. Tapos nagkaroon naman ng automation na dapat wala nang dayaan. Nagkaroon ng witnesses ngayon na magbubulgar ng dayaan ng 2004 and 2007.

But under Chairman Brillantes, so far, the COMELEC has gotten from bad to worse. Ang ganda na yata na noong 2010 na nangyari, si Chairman Brillantes na mismo ang nagsabi na madaming notorious diyan, pati sa Commission. Sinabi niya na mayroong mga operators diyan, pero hanggang ngayon walang naaalis.

Kung titingnan mo, musical chairs o rigadon lang ang nangyayari sa COMELEC. 'Yung mga taong naaakusahan ng mga anomalya, imbes na may honest to goodness na investigation, pinaiikot lang. Kaya hindi ko alam kung ano ang puno't dulo ng away ni Dir. Rafanan at ni Chairman Brillantes.

Ang gusto ko lang tingnan, sino ang nagsasabi ng totoo. Kung si Chairman ang nagsasabi ng totoo at nililinis niya ang COMELEC, dapat na siya ay i-confirm. Kung si Dir. Rafanan ang nagsasabi ng totoo at maraming anomalya,at hindi lamang pinoprotektahan, pero may kamay din si Chairman Brillantes, paano na ang tuwid na daan?

Tingnan ninyo ang COA, sobra ngayon ang pag-imbestiga lalo sa ARMM at iba't ibang lugar. Tingnan mo ang Ombudsman, it inspired so much hope. Bakit pagdating dito sa COMELEC, kahit ano ang itanong ko, either "tapos na 'yan", "dati na 'yan", "wala pa ako niyan", "kliyente ko 'yan". Kailan tayo makakarinig ng gusto nilang reform?

Q: Humingi po ba ng tulong sa inyo si Rafanan?

Si Dir. Rafanan, noong natanggal siya bilang director of the Law Department, as revealed kanina, asked to see me. And I told him, and he will verify this, na mag-focus na lang siya sa imbestigasyon sa DOJ-COMELEC sapagkat ito ang importante sa ating bansa.

Dahil kung mayroong makukulong dahil sa dayaan, 'yan na 'yon. After that, hindi na kami nagkausap. And after that, nabalitaan ko na lang na isa-isang inalis ang mga posisyon niya, and from a beloved whistleblower, from someone who is a crusader in COMELEC, from someone who everyone was saying na malinis ang bidding under him, tama ang ginagawa, ang tingnan ninyo ngayon, siya ang kontra-bida at siya ang hindi makasundo ng lahat.

Hindi ninyo maaalis sa akin na gustuhin kong magkaharap ang dalawa at lumabas ang mga issues. Kasi kung totoo na imbes na usigin, imbes na habulin ni Chairman Brillantes ang director na may alam sa anomalya, ay kaniya pang nilalakad ang kaso o pinoprotektahan, o ipinupwesto pa, what kind of election can we expect sa 2013 from this kind of Comelec?

Please take note 'yung sinabi ni Chairman kanina, admitted niya, less than P2 billion, pwede nang mabili ang mga makina. Pero kung ili-lease daw ay P7 billion. Bakit P7 billion ang binibigay sa kanila? Ano ba ang mas makakatipid tayo, P2 billion na sa'yo na, o P7 billion na lease?

Hindi ko alam na ganoon ang sitwasyon. Siya ang nagsabi kanina. So it's very important to me na kung may mangyayaring ARMM election, ang 2013 election at ang 2016 election, ay malinis. At hindi ito malilinis kung hindi lalabas ang mga issues na sumisira sa integridad ng ating eleksyon.

Let's give Dir. Rafanan a chance. Let him speak for himself. Ilabas niya lahat ang alam niya protektahan siya, tapos pabayaan mo nang makasagot ang mga ibang directors o si Chairman. So in the next hearing, there's a possibility that the other directors may also be asked to speak.

Q: Wala po kayong kinalaman sa affidavit ni Atty. Rafanan?

He simply asked if he can file at kung ano ang procedure. Siya ang nagsabi na pupunta siya dito, siya ang nagsabi that he will object. And he has been holding press conferences that I didn't know about. The one and only time that I talked to him was when he was still in the good graces of Chairman Brillantes at ang kaniyang kaisa-isang kinonsulta sa akin ay 'yung dapat hindi siya mawala sa pagiging director just because he will be investigating with the COMELEC.

I sent words to the Chairman that it will be good to have people like Rafanan to lead the investigations.

Q: Are we saying that it's possible na involved siya sa mga may anomalya, or just saying na hindi effective?

There are three stages na pwede kang sumali sa anomalya: sa planning, sa actual execution, at sa cover-up. In his appointment, media groups and NGOs have been saying na election operator siya at kakontiyaba niya yung ibang mga operator dito Comelec. That's why many were saying na kahit na anong reporma hindi mo maaasahan sa kanya.

But he's been saying so many times na "Bigyan ninyo ako ng tsansa, lilinisin ko yung Comelec." Kaso hindi daw siya makagalaw dahil hindi siya naconfirm. Ang pinabalik ko sa kanyang salita, gumalaw ka na, basta't reporma talaga susuportahan ka ng CA.

Pero anong nangyari? Kung sino pa yung mga maraming kaso, yun pa ang pinuwesto. Kung sino pa yung nag-iimbestiga, kung sino pa yung nagwiwhistleblow at yung sumusuporta sa mga whistleblowers, yun pa ang kanilang tinanggal sa kanyang puwesto.

For me, most urgent and important is that we get to the bottom of the allegations of Director Rafanan. Because this is just a reiteration of many issues that we heard about before but during that time, 'wala tayong hawak'.

Narinig niyo naman kanina, bawat kaso na i-bring up ko, ang sagot lang ni Chairman tapos na yan, naimbestigahan na yan, etc. Garci boys daw naimbestigahan na eh yung nag-imbestiga naman si Chairman Abalos. What do you expect from that investigation?

Doon sa isang director, yung commission daw ang nag-imbestiga. What does he expect if that same director being investigated was involved in the actual investigation?

Tapos sasabihin ni chairman kanina na walang kaso o hindi naman kinasuhan ng Ombudsman. I find out afterwards that meron na palang ruling ang Ombudsman na suspendido ang mga officials na involved.

Why would you put people who have been convicted and given 6 months suspension in key positions? Kahit na tapos na ang suspension, bakit mo ippuwesto sa sensitive positions ang mga ito? Yun lang naman ang tanong ko. Wala na bang iba diyan? Wala na bang ibang magaling sa Comelec o sa labas ng Comelec? Kailangan ba na kung sino ang may mga paulit-ulit na kaso yun ang ipupwesto?

Sana, tingnan din natin kung sino talaga ang mga suppliers ng Comelec. Kasi I found out that halos 9 na suppliers lang na halos sa kanila lang umiikot ng supplies.

Again, I am keeping an open mind. Next week ang hearing, why doesn't the chairman show us a 7-day bonanza? Between now and Wednesday, why doesn't he show us what kind of reforms he can do in the Comelec?

So far, yung sinabi niya na mga mortal sins ni Director Rafanan kaya siya tinanggal, hindi ko maintindihan. Isipin niyo, masama na pala ngayong magsalita sa media. Matatanggal daw pagka ganoon. Sabi lang naman sa inyo "Mission Impossible (ang poll fraud investigation), mahihirapan kaya ito ang gagawin ko". That's why I reminded him 'Mission Impossible' is actually a positive statement.

Q: Kung sakaling sa Wednesday matuloy na yung kanyang confirmation, will you invoke Section 20?

No need to invoke Section 20 or consider it unless I am convinced that there is a reform in the Comelec. I am not saying that sa lahat ng bagay masama kay Chairman Brillantes. Pero baka hindi siya para sa Comelec. Baka may iba pang position na pwede siyang ilagay ng presidente.

But we have to put a reformist dito sa Comelec. If he is saying that he is a reformist, show us the reform. Ang hirap sabihin na quiet work. Siya quiet worker pero yung mga maiingay na workers tinatanggal. Doon nalang ako sa noisy pero nilalabas yung anomalya.

Let me reiterate. Kailan ba nagsimula ang problema ni Director Rafanan? Noong inexpose niya na walang imbestigasyon na nangyari sa Garci boys. At nung nagsimula siyang imbestigahan ang kapwa niya officials ng comelec.

Before that walang problema si Director Rafanan. Kung ang krimen niya ay hindi siya marunong makisama, guilty. Pero kung ang kanyang krimen ay pagsasabi rin ng anomalya at pagw-whistleblow sa Comelec, guilty rin.

Bakit ang chairman hindi sumali sa paglilinis ng comelec?

Q: reaction sa sinabi ni Sixto na walang friends si Rafanan sa Comelec

Hindi natin maalis na malawak na rin ang friendship ni Chairman Brillantes. Nakaupo siyang chairman so he will have his supporters and believers. Hindi mo rin maalis na marami rin ang nasagasaan si Director Rafanan kaya may mga ayaw maniwala sa kanya.

Ang hinihingi ko lang is benefit of the doubt. Hindi ko sinasabing paniwalaan na natin si Director Rafanan but let's give him the benefit of the doubt.

News Latest News Feed