Press Release
September 12, 2011

DZMM: Interview with Mr. Ted Failon re: Anti-bullying Bill

Mr. Ted Failon: Magandang umaga po sa inyo Senador Antonio Trillanes IV.

ST: Good morning Ted, at good morning po sa inyong mga tagapakinig.

Mr. Ted Failon: Ang inyo pong anak ay ilang taon na po, 'yung biktima po ng bullying Senator?

ST: During that time he was around 10 years old.

Mr. Ted Failon: 'Yung pong ini-report na nangbu-bully sa kanya, ilang taon na po?

ST: A year older kasi grade six 'yun, siya grade five. Ang napansin lang namin palaging nawawalan ng pera, 'yung time na 'yun naka-detain pa 'ko, 'yun ang palaging sinasabi. 'Yun pala nakita ng teacher na everyday pala hinihingan silang magkakaklase, lalapitan sila ng grade six tapos hihingan sila ng pera. Sila naman hindi naman sila confrontative by nature so ibibigay na lang nila.

Mr. Ted Failon: Kinokotongan sila?

ST: Oo, 'yun ho ang nangyari doon.

Mr. Ted Failon: Baka gustong mag-pulis?

ST: In this bill magiging proactive na ang school sa anti-bullying policy na pwedeng nilang i-illustrate sa mga bata na ang mga ganitong practices constitute bullying kaya pwede na nilang i-report kasi hindi nila alam kung ano 'yun eh. Kawawa 'yung mga bata, parehas, 'yung nangbu-bully at 'yung binu-bully kasi 'yung mga nangbu-bully more often than not they end up criminals kasi hindi nakakatapos ng pag-aaral.

Mr. Ted Failon: Hmmm, tsaka ho 'yung danger ng mga nangbu-bully baka makahanap po ng katapat at masaktan. Mayroon hong report na isang pamangkin yata ng pulis eh binully, so 'yung pulis nag-react ng hindi maganda doon sa bata. Baka ho kasi magbunga po ito ng mga hindi magandang pangyayari. Senator, I'm sure you're aware itong republic act, itong juvenile justice system po natin, dito ho sa inyong panukala ano ho ang magiging pananagutan naman noong bata ho na nangbu-bully?

ST: Dito po pwedeng suspension or expulsion.

Mr. Ted Failon: Sa school lang po ito?

ST: Sa school lang kasi ayaw rin naman natin magkaroon ng stigma 'yung nangbu-bully kasi even 'yung perpetrators, ito 'yung mga epekto siguro ng mga nangyari sa kanila sa bahay or how they were brought up so hindi nila alam kung tama ba ito o mali. In compelling them to be proactive on anti-bullying, pwedeng mayroon silang program for the parents also so that way mase-set na ho natin ng mas maaga.

Mr. Ted Failon: Baka ho sabihin ng iba, Senator, na hindi na kinakailangn ng batas diyan, it's a matter of DepEd or CHED for college na mag-issue po ng panuntunan po para sa mga paaralan, you don't have to enact a statute for that.

ST: Alam niyo ho 'pag hindi kasi declared as a national policy ang mangyayari initiative lang ng iba't ibang eskwelahan so wala gaanong compelling force, hindi mare-raise sa consciousness. Pero 'pag ginawa nating national policy through this bill, it becomes a priority agenda ng mga school heads that this is a major problem.

Mr. Ted Failon: So kung baga ho you want to institutionalize itong anti-bullying program ng bawa't paaralan sa buong Pilipinas?

ST: Yes.

Mr. Ted Failon: Dito ba sa panukala ninyo, ililista ninyo kung ano ang bullying, kung anong act ang considered as bullying?

ST: Opo. Ide-define po 'yan as part ng the implementing rules and regulation, ide-define na po 'yan ng mga monitoring agencies. And we, as stakeholders like the parents and students, malalaman na natin kasi sa ngayon alam niyo po ano hindi na natin alam 'yung bullying sa elementary at high school as compared to what I experienced before. Iba na po ngayon kahit sa facebook lang mayroon ng bullying.

Mr. Ted Failon: Tiger bullying kung tawagin nila. Dito ho, sir, mayroon ho ba itong penal provision para sa school authorities for example na hindi makakatugon dito? Ano ho ba ang provision nito para ho sa reformative (inaudible)?

ST: For the public schools ho may administrative liabilities po sila for failure to comply. Sa atin naman po iba eh. Mailabas lang sa attention, maging proactive sila sa policy, makausap nila ang mga magulang na ganito po ang bullying. I believe malaking bagay na po 'yan, mai-isolate na po 'yung mga bully eh. Ngayon kasi sila 'yung naghahari kasi silent 'yung school, kapag nasaktan 'yung bata at magreklamo that's when they step in pero with this lahat ng estudyante malaman na, ah bullying pala ito pwede nang i-report.

Mr. Ted Failon: Kasi nga po noon pa ho 'yan. Panahon ho namin, panahon po ninyo, 'di hamak naman na ako naman eh mas lamang ng mga two years sa inyo. Iba ho ang bullying dati kaya ako 'yung aking outlet noong panahon namin ang ginagawa ko na lamang ay makipagbarkada ako o makipagkaibigan ako sa nakakatanda sa akin kasi parang may kuya ka ba sa school. Alam nila noong ako eh grade five, hanggat maari grade six or high school na 'yung kaibigan mo kaya parang lagot ka isusumbong kita. Hindi dadaragin kasi alam nila may kuyog sila kapag mas matanda 'yung mga kaibigan mo. Pero 'pag mas matanda naman ang kaibigan mo sayo mas maaga kang matututo ng bisyo, 'yun naman ang downside noon, mas maaga kang matuturuan ng bisyo ng mga nakakatanda sayo. Nasaan na pong stage 'yan, ito pong inyong panukala Senator?

ST: Eh ito nga po kasi may mga ibang priorities hindi naman kasama sa priority legislation 'yan so nandodoon lang siya sa committee pero I understand si Senator Angara is intending to have it sponsored. Hopefully this 15th Congress maipasa po natin.

Mr. Ted Failon: Palagay ko ho ano kapag kayo ay nag-hearing diyan kunin ninyo itong mga input ng mga psychologist natin, ito pong Plan Philippines na amin pong katuwang ano, ang AnakTV. Marami ho silang ginawang report tungkol diyan sa kanilang ginawang pag-aaral. Even daw ho sa buong Asya Pasipiko ang Pilipinas daw po ang may pinakamaraming reported cases ng bullying sa paaralan - elementary po at high school. Palagay ko po ito pong inyong panukala, sir, ay napapanahon ho. Sana nga po ito ay mabigyan ng espasyo, panahon ng Senado sa gitna po ng dami ng inyong trabaho. Senator, thank you po for your time, sir. Salamat po, sir.

ST: Thank you din ho.

Mr. Ted Failon: Mabuhay po kayo, sir. Aabangan ho namin ang inyong panukala.

News Latest News Feed