Press Release
August 23, 2011

Senate Minority Leader Alan Peter S.
Cayetano Pre-Session Interview Transcript

On SC granting FG's request to block the enforcement of DOJ's watch list order

Ang puwedeng tanong sa Supreme Court ay kung nava-violate ba ang karapatan ng isang tao na mag-travel by merely being placed on a watchlist.

Pero lahat ito'y pwedeng mawala at lahat ito'y walang saysay kung haharap na lang sila sa mga imbestigasyon. Bakit silang magkapatid ay tago nang tago sa hustisya, parating nagsasabi "in the proper forum". Bakit, wala bang kapangyarihan ang House? Wala bang duty ang Kongreso na imbestigahan itong mga ito?

Totoo ang mga sinasabi ng witnesses, mabigat ang mga ebidensya, kung sila ay haharap na lang, mawawala ang mga issues na ito. Kapag sinabi ko na humarap, hindi lang humarap in the sense na magpakita sila. Katulad ng ating hamon sa kanila, pumirma sila ng dokumento na pwedeng buksan ang financial records nila.

Kung makikita na inosente sila, wala nang issue. Katulad ng sinasabi natin palagi, kung hindi kinurakot, hindi dapat matakot, hindi ba? Walang dapat itatago.

Ngayong tago sila nang tago, masisisi mo ba na nilagay sila sa watch list at paghinalaan sila ng tao, samantalang ayaw naman nilang lumabas at direktang harapin 'yung issues?

Q: Nakakulong ang book keeper na si Rowena del Rosario. Anong tingin ninyo na hihingi daw ng petition for habeas corpus sa Supreme Court?

Karapatan niya 'yan. Pero malinaw ang rules ng Senado na kapag sumuway sa order, being evasive at ayaw sumagot, at lalo na kung nagsisinungaling, we can hold people in contempt until they come out, tell the truth and cooperate.

Only when we violate their constitutional rights should the court give them release. Ako'y naniniwala na walang violation of constitutional rights dito.

Q: May nangyaring detention na ganito na ba dati?

Napakarami na over the decades. One of the power of Congress is to hold people in contempt.

Q: Base sa hearing, ang kaniyang pagsisinungaling ba ay may pinagtatakpan siya?

Makikita naman sa pagtatanong na hindi niya masyadong kilala si Iggy at hindi siya malapit doon. It's not enough to make an assertion. You have to prove na tama ang assertion mo.

She should be given another chance on Thursday. Let her prove na talagang kliyente niya si Rep. Iggy. Kahit na sabihing si Iggy ang kliyente niya, ang tanong ko ay saan nanggaling ang pera ni Iggy?

Kaya binabalik ko sa issue doon sa una niyang sinabi na siya si Jose Pidal at sinabi niya na ang perang nasa kaniya ay galing sa sobrang kinita sa campaign funds ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong vice-president pa siya. Doon ba ay nagbayad siya ng buwis? Tinitingnan na ba ng BIR 'yon?

Whatever the issue is, it's a sign of the need for accountability. 9 years ka diyan na parang untouchable, hindi naman pwede na iba ang batas natin sa mayaman at makapangyarihan, at iba ang batas natin sa mahirap.

Q: Pinaamin lang daw talaga si Iggy doon sa Jose Pidal?

That's just a confirmation of what we knew before at pinagtatakpan nila noong araw. So let's see as the evidence comes out.

News Latest News Feed