Press Release
August 16, 2011

Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
Pre-Session Interview Transcript

On pushing for the passage of the FOI bill

Si Deputy Speaker Tanada and myself brought up the issue of the FOI (sa LEDAC meeting). Naniniwala naman kami na sincere ang presidente pero ang sinasabi niya na meron daw real issues pagdating sa implementation nito.

Ang aming pakiusap ay number one, bilisan ng both houses - Senate at Congress - ang pagpasa. Number two, magkaroon ng pag-uusap ang kanyang technical working group.

We left it at that and sinabi naman ni Sec. Carandang that there will be some coordination. So we're hoping na yung mga issue na ito ay maresolve. Inemphasize lang namin sa LEDAC kung gaano ka-importante kahit psychologically na yung FOI bill ay ipasa.

I do believe may pag-asa ito but there is going to be a lot of convincing that has to be done. Siguro in principle nagkakaisa tayo sa Palasyo pero sa implementation ng bill na ito nagkakaproblema.

Asahan ninyo na yung mga nagpu-push ng FOI bill ay susubok at susubok pa rin. We hope that before the next LEDAC mas magiging informed ang stand ng Palasyo at ang result ay maipasa at maisabatas ito.

On the resurfacing of Iggy Arroyo in defending his brother

Buti naman pumasok siya sa eksena at sana buksan na rin yung records. Kasi kung naaalala mo na siya si Jose Pidal at sinabi na yung natira sa election funds ay sa kanya napunta.

Ngayon na yung BIR ay independent, ngayon na yung COMELEC ay independent, pwede na nating tignan kung siya talaga si Jose Pidal at bakit hindi dineclare for taxation purposes yung excess na funds na milyon milyon.

Tignan na rin natin yung SAL at pondo ni Iggy Arroyo tutal mahilig naman siyang pumasok at magrepresent . Remember sinabi ni Serge Osmena na kilala niya si Iggy dati at walang wala yan. Bakit ngayon na naging president ang sister-in-law naging bigtime?

Walang problema na may magdepensa (ng kapatid). Walang problema na gumawa siya ng dahilan o rason. Ang importante panindigan niya at tingnan natin kung siya ay may tinatago o ginagamit lang niya ang sarili niya para itago ito.

Q: Iimbitahan ba siyang mag-appear sa Senate?

I think dadating rin diyan because of what he has been saying, Ang question lang is kailan na investigation. But front and center na rin ang kanilang pamilya, ang kanilang administrasyon at hindi naman tayo ang humahabol kay Iggy kung hindi siya mismo ang nagsasabi na siya si Jose Pidal. Eh di testingin natin at tingnan natin kung nagsasabi ng totoo.

Q: Dapat ba Ombudsman na rin ang kumilos?

The Ombudsman has said that she will be fair with the Arroyos and dapat lang. Pero ang kailangan ngayon ay kumilos din ng husto ang DOJ at ang Ombudsman dahil lumalabas na yung mga ebidensya.

Ang hinihingi naman ng lahat ng sides ay hustisiya. Yung madaliang pagkilos ng mga prosecutorial services natin ang kinakailangan.

Q: Ang pagsasalita ba ni Iggy ay nag-remind sa atin tungkol kay Jose Pidal?

Let's give him what he wants. Tutal dumedepensa siya at para niyang pinapaalala na 'Uy andito ako at hindi naman yung kapatid ko kundi ako.'

Kung gusto niyang sumama sa investigation, di imbestigahan natin. Pagbigyan natin siya.

News Latest News Feed