Press Release
August 15, 2011

Press Conference of Senator Loren Legarda,
Chair of the Committee on Climate Change

REPORTER : Tungkol po don sa 76 million, kulang po ba yon for the coral reef...?

SLL : Ayon sa UP Marine Science Institute at saka sa Worldwide Life Fund ay less than 5% ng ating coral reefs na siyang tinatawag na nasa pinakamahusay na kondisyon. Eh tayo naman ay isa sa ilang bansa lamang na may 76% ng pinakamayamang lugar in terms of marine biodiversity sa mundo. Ang Pilipinas ay isa sa mga miyembro ng tinatawag na Coral Triangle at nilagdaan natin ang ating agreement that we will protect our marine environment, dahil ang kawalan ng ating coral reefs ay kawalan ng bahay ng isda at kawalan ng pagkain ng daan-daang libong nagugutom na pamilya sa ating mga mangingisda sa kanayunan.

Kaya ang pagprotekta ng ating marine biodiversity ay hindi lamang para sa environment, para sa siyensya, para sa environmental advocates, kung hindi issue din ito ng pagkain. Ang ating nawawalang coral reefs dahil sa climate change, tinatawag diyan coral bleaching, pagpapasabog ng mga dinamita at saka sa mga illegal forms of fishing, at sa ating pagwawalang-bahala, sa ating hindi pagbabantay ng mga coastal areas, at yung kakulangan ng pondo, ay nagdudulot ng kawalan ng libu-libong tonelada ng isda kada taon na maaring mapakain sana sa mahigit na isandaang libong nagugutom na pamilyang Pilipino.

REPORTER : Ma'am, kung hindi enough yung 76 million, parang for you, how much yung enough?

SLL : Pinaliwanag naman ni Sec. Paje na merong ADB loan na 505 million pesos para sa integrated coastal resource management. Ito'y susuriin natin kaya humingi ako kung anong areas sa country. Gaya ng sinusuri natin ang kabundukan at yung accomplishment ng DENR in 50 years at ang gagawin nila in 6 years para magreforest, gusto rin nating makita ang forest of the sea, dahil kung meron tayong kayamanan sa ating kabundukan, sa ating mga puno, ay marami rin ang ating kayamanan dapat sa ating mga forest of the sea na tinatawag.

It boggles the mind. 70% of the world's biodiversity is found in our area. We are in that region which is the richest. But why are we poor? Bakit tayo gutom, bakit tayo mahirap? Bakit tayo import nang import ng pagkain at lahat ng mga bagay kung tayo'y isa sa pinakamayaman na bansa sa buong mundo. In terms of natural resources. Kaya kailangan lang ilagay natin ang ating resources sa tamang lugar, sa tamang bureau at yan ay ginagawa natin sa budget.

REPORTER : Ma'am other issue. Sa dengue, diba sabi ng DOH mas lalala, tapos kino-connect na nila sa climate change.

SLL : Remember when we said, ang pagbabago ng klima, ang climate change ay nakakaapekto hindi lamang sa kabundukan, sa ating karagatan, sa ating over-all environment, kundi pati na rin sa public health. Dahil nadi-displace ang mga hayop, di ba, kung nagbabago ang klima. At pag nadi displace ang mga hayop, nagpupunta sa mga urban areas kung saan may mga tao, lalo na kung congested an gating mga informal settlers, urban dwellers, pag dikit-dikit ang mga lugar at lalo na sa non-implementation of laws. I-connect nyo yan, sa non-implementation ng Clean Water Act, dahil ang mga esteros ay marurumi at ng ating mga karagatan at ilog ay ginagawa nating septic tank dahil wala ngang sewage treatment. Tapos may epekto ng warming temperatures dulot ng climate change.

Ang first privilege ko nung 1998 tungkol sa forest limit. At that time, sabi nila, "Anong pinagsasasabi ng batang ito?" First privilege speech of a neophyte senator, ngayon 2011 ang pinag-uusapan natin ay forest limits. In 98, they probably thought, immaterial yan, irrelevant yan. It's so important, because how can you protect something that doesn't even exist? Let's listen to the call of nature, let's listen to the signs are all around us.

Deteriorating health, outbreak of diseases, less than excellent condition of coral reefs, mangroves destroyed, mountains which are bald, floods and typhoons and landslides. These are the signs of the times, ano pa bang hudyat ang ating gusto? And the solution is not far behind us . Just follow our laws, we have the laws.

Di ba nga nilatag na natin, and I was happy to say I was part of it all. Clean Air Act, Clean Water Act, Solid Waste Management Law, Climate Change Law, nandyan nakalatag lahat. Sundin lang natin. Pondohan, sundin. I-monitor, i-audit. Kaya nga ang gusto ko at ginagawa ko actually, gini green audit ko ang mga departamento sa bawat hearing. Igi-green audit ang kanilang performance noon at igi-green audit ang budget allocation. At saka yang green audit, hindi lamang yan para sa mga environmentalists, para yan sa kabuhayan, pagkain at kalusugan. Konektado lahat yan.

News Latest News Feed