Press Release
August 14, 2011

TRANSCRIPT OF dzBB INTERVIEW WITH SEN. DRILON
Balitang Todo-todo with Nimfa Ravelo

Q: Tungkol sa helicopter probe, nitong Thursday yung 3rd hearing ng Senate. Na-establish na kay Mike Arroyo ang choppers, kayo nag point out na tailor fit ang requirements sa pagbili ng choppers para yung kay Mike Arroyo ang bilhin, ano pa ang gustong hanapin ng Blue Ribbon committee?

Unang una Monday after tomorrow, hindi Huwebes. Hiningi natin ang presensya ng Napolcom na siyang nag approve nitong specifications para sa helicopters. Hihingin natin ang kanilang paliwanag kung bakit ba napalitan itong specifications ng helicopter kung saan dahil sa pagpalit, nadisqualify ang isang uri ng helicopter at ang helicopter na lang na pag aari ni Mike Arroyo ang naging qualified, dahil nung pinalitan ang technical specifications, hindi na pwede ang isang helicopter na inaalok ng Beeline. Kaya ating aalamin sa Napolcom kung bakit naman swak na swak ang specifications para sa Raven 1 choppers ni Mike Arroyo.

Q: Parang niluto?

Oo. Kung sa tahi ng barong, tamang tama ang tahi sa katawan ng helicopter ni Mike Arroyo.

Q: Ang gusto nating malaman kung bakit binago ang specifications kaya kailangang magpaliwanag dito ang head ng Napolcom at that time, si dating DILG Sec. Ronaldo Puno?

Tama po yan. Ganun din ang miyembro ng komite na nagrekomenda ng pagbabago ng specifications.

Q: Kasi supposedly sa proseso nila, merong magrerekomenda na baguhin ang specifications at aaprubahan yon ng Napolcom.

Tama po yan, dahil wala namang technical expertise ang Napolcom para maglagay ng technical specifications. Manggagaling yan sa end-user, yung PNP.

Q: Pag ito na establish na tailor fit ang requirements para swak sa specifications ng Raven 1 ni Mike Arroyo, ano ang kaso dun sir?

Kaya ibig kong i-establish ito dahil yan ang magpapakita na talagang may sabwatan upang maipasok ang helicopters ni Mike Arroyo sa PNP. Yung pag aari ni Mike Arroyo, sa palagay ko beyond reasonable doubt naipakita na siya ang may-ari. Ngayon, kaya malakas ang loob nila na magsampa ng perjury dahil sa testimony ni Archibald Po, pinapirma siya ng blank deed of sale. Ang aking suspetsa, itong mga helicopter, on paper, ay ibinenta sa ibang korporasyon o sa ibang tao, para ipakita ni Mike Arroyo 'ibinenta yan ni Archibald Po kay Juan dela Cruz eh, hindi ako ang may-ari niyan'. Ngunit paano mo naman ipapaliwanag na dahilan sa may blank deed of sale na pinirmahan si Archibald Po at pag lumabas ang pangalan ni Juan dela Cruz na siya ang pinagbentahan ni Archibald Po ng helicopter at yan po ay notaryado, ipapatawag ko po ang notaryo publiko at pagpaliwanagin kung humarap sa kanya si Archibald Po dahil ang sabi ni Archibald Po hindi siya humarap sa anumang notaryo publiko. Kaya yan po, sa aking tingin, ang magiging depensa ni Mike Arroyo na hindi siya ang may-ari dahil nailagay sa pangalan ng sinuman na may hawak ng blank deed of sale. Pangalawa, lahat ng circumstantial evidence nagpapatunay na sa kanya ito. Siya ang nagbabayad ng hangar fees, maintenance fees. Kung hindi siya ang may-ari bakit siya ang magbabayad? Ang ebidensya dito ay malakas: Nangongolekta ang accountant ni Archibald Po, pumupunta sa LTA Bldg., she identified kung sino ang nagbibigay sa kanya ng pera. Nakakapagtaka na sa transaksyon na ganito... in ordinary transactions maski na korporasyon ang kausap mo, ang ibinabayad sa iyo ang cheke. Ito puro cash. Para bang petty cash na bumili ka ng lansones sa palengke. Kaya ito ay indikasyon na talagang may itinatago. P1 million ang ibinabayad in cash, hindi naman pangkaraniwang nangyayari yan. Pangatlo, kung ikaw ay pangkaraniwang mamamayan, bakit naman ang pulis ang lumilipad ng helicopter, kung hindi ikaw ay Unang Pamilya? Yung nagla landing sa Malacanang, Area 3 was identified as Malacanang. May testimony din na ang dispatcher ni Mike Arroyo ang nag uutos sa kanya kung sino ang sasakay. Kaya all of these circumstances nagpapakita na talagang pag aari ito ni Mike Arroyo sinuman ang registered owner, kahit pa pangalan ng Lionair or Juan dela Cruz. Ngayon, ang PNP talagang sinikap nila na yung technical specifications sa pagbili ng helicopter ay swak na swak sa specifications ng helicopter ni Mike Arroyo. Nung umpisa, P105 million, brand new, biglang pinalitan ng specifications at hindi an kailangan ng brand new. Yan ay mga circumstances to show na talagang may sabwatan ang PNP at si Mike Arroyo.

Q: Proof din ba against FG yung credit memo na sinasabi ni Rene Sia na nag wire transfer daw ng $500,000 ang LTA Inc. sa Robinsons?

Dalawang memo yan. Yung una, downpayment na $500,000 ipinadala sa Robinsons thru telegraphic transfer at ang telegraphic transfer ay pinondohan ng LTA Inc., nakalagay doon sa telegraphic transfer receipt. Yun namang $700,000 plus na siyang final payment, ang sabi ni Archi Po kinausap siya ni Mike Arroyo na magbukas ng dollar account, at nagkaroon ng credit memo, ibig sabihin inilipat yung mula sa isang account in the same bank to the account of Archi Po at ito ay ginamit na kabuuang bayad para sa helicopter, Archi Po transmitted to Robinson.

Q: Documentary evidence na rin ito?

Tama. Hiningi ko kay Archi Po na i-trace nya kung sino nag utos ng credit memo dahilan sa hindi naman na pwedeng maglipat ka from one account to the other, in the same bank I think sa Perea St. or somewhere in Legaspi Village. Kung credit memo ibig sabihin within the same bank. Hindi naman pwedeng credit memo from one bank to another, kailangan ang bank accounts ay parehong banks.

Q: Kung na-establish na kay Mike Arroyo ito, ano ang krimen doon? Ang PNP walang nagsasabi na napilitan lang silang bilhin...

Kung walang magsasabi sa PNP na napilitan silang bilhin, ang ibig sabihin may sabwatan between Mike Arroyo and PNP. Lahat po sila masasangkot sa anti-graft case dahil may conspiracy to enter into a contract that is grossly disadvantageous to the government. Ang P105 million dapat 3 brand new choppers pero ang nangyari ay 2 luma at 1 brand new. Yung 2 luma pag aari ni Mike Arroyo at nagkaroon ng sabwatan para maibenta sa PNP sa halagang brand new.

Q: Pero sir ang kausap nang direkta ng PNP dito ay Maptra, hindi si Mike Arroyo...

Balewala yun dahil ang Maptra alam sa ebidensya na hawak ng Maptra na ang mga helicopter na ito hawak ng Lionair at ang Lionair matibay ang ebidensya na kay Mike Arroyo. Pangalawa kahit ano ang sabihin nila na hindi nila alam na galing ito kay Mike Arroyo, the circumstances ay iba. Bakit kung hindi nyo alam, bakit naman nahulaan ang technical specifications? Bakit nila biglang pinalitan na requirement na 3 bago biglang 2 luma at 1 bago?

Q: Yung PNP kasi tinatanggi nila na kay Mike Arroyo ito. In the absence of such testimony hindi naman po ibig sabihin ay magpapahina na against FG?

Yung circumstances nagpapakita na talagang umpisa pa lang yung balak nila maibenta ang helicopter ni Mike Arroyo sa PNP.

Q: Sa PNP wala po bang nag-iindicate sa inyo na gusto nang magsabi ng totoo at umamin na mukhang napilitan lang sila?

Wala.

Q: Pero pag may umamin, yung aamin makakalusot sa kaso?

Yung aamin gagamitin nating state witness kagaya ng binigyan natin ng immunity si Archi Po at De Vera.

Q: Kumbaga ma-encourage na magsabi ng totoo para makatulong sa bayan at hindi makakasuhan.

Tama po yan. Paulit ulit kaming lahat na sinasabi namin na 'kayo naman magsabi na kayo ng totoo dahil kung hindi kayo magsasabi ng buong katotohanan, pati kayo lalabas na kasabwat nyo ang ibang tao para yariin ang gobyerno.

Q: Kay Mike Arroyo critical po na umattend siya sa Senate hearing?

Nasa kanya po yan. Kung ayaw nyang umattend, wala siyang masisisi kung ang rekomendasyon ng Blue Ribbon ay magsampa ng kaso laban sa kanya dahilan sa wala siyang hinaharap na deklarasyon. Kung ayaw nyang humarap maghanap sya ng rason, kung ang Blue Ribbon will accept his reason at hindi na bibigyan ng subpoena, so that's up to the Blue Ribbon.

Q: Yung katwiran na may heart ailment siya, magbabantay siya kay GMA na may sakit, sapat bang reason para tanggihan ang Senate invitation?

Depende sa findings ng Senate-designated doctor. Amin pong hiniling no less than the director of the Phil Heart Center, Dr. Manuel Chua Chiaco, foremost heart specialist sa ating bansa. Palagay ko namang pag sinabi nyang pwede, hindi naman nya itataya ang kanyang reputasyon para lang maituloy ang pagharap ni Mike Arroyo sa Senado.

Q: Halimbawa kung sasabihin ng director ng Heart Center na talagang hindi niya kakayanin at hindi makakapunta, pwede bang i-compel ng Senate at least to submit an affidavit?

Pwede nating hilingin ngunit kung ayaw niya hindi natin siya pwedeng pilitin. Kung ayaw niyang humarap at ayaw nyang magbigay ng affidavit, kami po ay magdedesisyon base sa ebidensyang aming nakuha.

Q: Kumbaga kawalan nya yon kung hindi sya magbigay ng panig sa Senate?

Tama po yan.

Q: Text question: paano kung ma-disprove at palabasin ni Mike Arroyo na hindi talaga siya ang may-ari?

Sa aking tingin walang paraan na ma disprove nya na hindi sya ang may ari. In fact, kung hindi talaga sya ang may ari, gumawa sya ng affidavit holding Archibald Po and Lionair free and harmless of any liability kung i-donate ni Archibald Po yung helicopter sa PNP.

Q: Desisyon na raw ng Senate leadership, upon the recommendation of Senate Blue Ribbon, na isailalim sa witness protection program sina Archi Po ng Lionair at Hilario de Vera ng Maptra. Ano ang effect sa perjury case na sinampa ni Mike Arroyo against Archi Po?

Sa Witness Protection Act, itong admission sa witness protection program ng mga witnesses sa congressional inquiries, ito po ay ipapadala sa DoJ secretary at siya ang mag oorder sa mga prosecutors na huwag nilang isampa ang mga kaso na kasama sa hearing ng Senado.

Q: Ibig sabihin nun idi-dismiss lang ng prosecutor ng Pasay City kung saan na-file ang kaso against Archi Po?

Tama dahil gagamitin si Archi Po na testigo sa kaso laban sa sinumang lumabag sa Anti-graft Law dito sa kasong ito.

Q: Pero yun ay limited lang sa testimony nila sa Senado? Kung concerning doon, yun lang?

Tama po yan.

Q: Sinasabi na ang mga Arroyos ay persecuted daw. Hindi naman sila pino prosecute talaga. Ano ang tingin nyo sa ganoong claim? Nasa preliminary investigation pa lang naman pero nasa watchlist kaagad sila.

They covered everything. Hindi naman pwedeng sa 10 taon silang nakaupo, sa 10 araw pwede mong mahalungkat ang kanilang ginawa. It takes a little time at pinag iingatan dahil ayaw naman na pagsampa ng kaso, walang basehan at walang ebidensya, yun sasabihin talaga nila that they are being persecuted. Ngayon naghahagilap pa lang ng ebidensya, binubuo ang kaso at makikita naman kung may basehan o wala ang pag imbestiga na ginagawa natin.

Q: Yung pagsasailalim sa watchlist, I'm sure alam na alam niyo ito dahil naging Justice secetary kayo, ano ang patakaran para isailalim sa watchlist at ano ang kaibahan sa hold departure order?

Yung HDO ay pagbabawal ng paglakbay ng isang mamamayan sa ibang bansa dahilan sa siya ay may kaso. Sa HDO ang husgado lamang ang pwedeng magpalabas dahil ito ay restriction on the freedom of a citizen to travel, kaya ito ay judicial action lamang. Hindi pwde ang DoJ mag issue ng HDO. Ngunit ito ay inabuso ng nakaraang administrasyon at ang DoJ noon ay nag iissue ng HDO. Ito ay nakakasuklam at hindi tama na mag issue ang DoJ ng HDO. Yung watchlist, pwede po yan sa DoJ sa aking tingin, although I do not recall na yan ay ginagawa ko noon. Yun naman ay just to inform, sabihin natin na merong lalabas na respondent in a case, yan just to inform the DoJ of the departure of a particular individual. Ngunit hindi batayan ang watchlist para pigilin ang isang mamamayan kung walang order ang husgado.

Q: Pero sir nasa watchlist na ang mag asawang Arroyo, si Mike Arroyo nag file ng case sa SC kinu question ang pagsali sa kanya sa watchlist.

Hindi ko alam kung watchlist ang inissue o HDO. Kung watchlist lang, sa aking tingin ay walang basehan ang kao. Ngayon kung HDO ang inissue ng DoJ, yan ay medyo may legal problems sa tingin ko.

Q: Inilagay sa watchlist kapag nakikita na sila ay may potential na tumakas dahil may kasong hinaharap dito?

Tama po yan kaya titingnan lang at bantayan kung sila ay aalis, hindi naman pwedeng pigilan just because ang isang mamamayan ay nasa watchlist.

Q: Text question: pwede bang i-defer ang prosecution ng mga Arroyos dahil may karamdaman sila?

Ang pagsampa ng kaso ay hindi pwedeng pigilin dahil sa karamdaman. Ngunit ang paglilitis ng kaso ay pwedeng ipagpaliban dahil sa karamdaman ng akusado. Ibig sabihin ang akusado can't stand trial because of his or her health. Ang isang karapatan ng akusado ay magiging present during the trial. Kung may sakit siya at hindi pwedeng humarap sa husgado, may basehan ang pagpapaliban ng paglilitis. Ngunit ang karamdaman ay hindi dahilan para ipagpaliban ang pagsampa ng kaso.

Q: Sabi ni Arch. Oscar Cruz at ng spokesman ng CBCP, ang suggestion nila ay hinay-hinay sa mga Arroyos dahil may sakit sila, lalo na si GMA.

Sa legal na usapan, yung paghahanda ng kaso ay hindi pwedeng ihinto dahil sa karamdaman. Kaya ang pagsampa ng kaso, batay sa preliminary investigation, ay hindi naman pwedeng ipagpaliban. Unang una, technically may prescriptive period... of course ito ay mabibigat na kaso kaya matagal ang prescription. Kung yan ay ordinary cases, halimbawa libel, kung ipagpaliban ang pag file ng kaso ay baka mag prescribe. Ngunit pag naisampa mo na ang kaso, pwede mo nang ipagpaliban ang trial dahilan sa the presence of the accused is essential, kasama sa ating due process. Kung hindi sya pwedeng humarap dahil sa karamdaman pwedeng ipagpaliban ng huwes ang paglilitis ng kaso.

Q: Text question: paano pag nagharap ng deed of sale si Mike Arroyo na kay Juan dela Cruz halimbawa yung mga helicopters, hindi ba tatanungin si Archi Po kaugnay ng circumstances sa helicopters?

Ang sinabi ni Archi Po nung sila ay nag transaksyon dito, pinapirma siya ni Mike Arroyo ng blank deed of sale. Kaya pag may biglang humarap sa Senado at inaamin na siya ay may ari ng helicopter, marami akong itatanong to prove na ito ay fictitious sale.

Q: Tambak na raw ang kaso sa DoJ, iba ibang tao at grupo ang nagsampa ng plunder cases laban sa Arroyos pero lahat nasa preliminary investigation. Hindi ba masyadong matagal ang kilos ng DoJ?

Ako ay nakikiusap sa mga grupo na pagdating sa DoJ, naghahanap yan sapat na ebidensya para ma justify ang pagsampa ng kaso. Ito namang ating mga kasamahan, good intention, ngunit mukhang nagmamadali at ayaw kong isipin na sila ay nagmamadali dahilan sa media coverage. Ang aking payo sa kanila, hinay hinay at tingnan nang husto ang mga kasong sinasampa kung merong sapat na ebidensya. Sa plunder, yan ay non-bailable offense. Hindi basta-basta magsasampa ng kaso ang Ombudsman o DoJ kung walang sapat na ebidensya dahilan po ang judge ay hindi mag iissue ng warrant of arrest for a non-bailable kung mahina ang ebidensya. Dito mukhang nagkakarera sila sa pagsampa ng kaso. Yan po ay ingatan natin at alamin nang husto kung may sapat na ebidensya. Bakit ba ang tagal sa pagsampa ng kaso? Simple lang: baka kulang ang ebidensyang hinaharap sa mga taga-usig. Kaya ako po ay nakikiusap sa ating mga kaibigan na maayos naman ang intension na sampahan agad ng kaso ang mga Arroyos, ngunit ingatan po natin at hindi ordinaryong kaso at hindi ordinaryong mamamayan ang masasampahan ng kaso. Seryosong kaso ito, plunder, dating Pangulo at dating Unang Ginoo ang respondents. Dapat matibay ang ebidensya at ingatan natin, pag aralan nang husto at huwag namang bigla biglang i-file natin para tayo ang nakakauna sa kaso. Hindi po tama yan.

Q: Text question: ano daw ang specific issues na dapat sagutin ni dating DILG Sec. Ronnie Puno pag siya ay humarap sa Blue Ribbon?

Sabihin niya lang ang katotohanan, hindi na kailangang specific questions. Hindi ba pag sumusumpa ang testigo: 'do you swear to tell the whole truth and nothing but the truth? So help me God'. Yan po ang tanong.

Q: Pero primarily sir ang kailangan niyang sagutin bakit iniba ang requirements na ang resulta ay swak sa Raven 1 ni Mike Arroyo?

Ang tanong na dapat niyang sagutin sa sarili niya, ito ba ang buong katotohanan?

Q: Yung binabanggit nyo na wag bara-bara ang pagpa-file ng plunder. Swak ba ang case na sinampa ng Bayan Muna against GMA and former PCSO general manager? Nagsampa agad sila ng plunder case tungkol sa intel funds ng PCSO based sa Senate hearings.

Ayoko nang magbigay ng detalye kasi it might prejudice the resolution of the case kung sapat o hindi sapat. Ang akin lamang ay yan ang aking payo sa ating mga kasamahan.

Q: Yung sa Ombudsman, banner ng mga pahayagan na kukuha si Morales ng 100 abugado. Ito ba ay kasama sa budget nila ngayong taon o mapopondohan or 2012?

Hindi ko pa nae examine ang budget ng Ombudsman ngunit susuportahan ko yan. Hanapan natin ng pondo para sa ganon ay mabigyan natin ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na paglilitis sa kasong ito dahilan sa hindi biro ang mga kasong lumalabas ngayon. Kailangan talaga ng mahuhusay na abugado, abugadong matino at marunong sa paglilitis ng mga kaso. Susuportahan ko ang request ni Ombudsman Chit Carpio-Morales na magkaroon ng karagdagang abugado. Kung hindi ako nagkakami, noon pa mayroong drive na kailangan ng additional lawyers. Hindi ko lang alam kung ilan ang hinire ng nakalipas na administrasyon dahil mukhang marami pang vacancies. Kaya siguro bukas titingnan ko kung ilan ang vacancies sa Office of the Ombudsman at kung anong pondo ang hindi nagagamit dahilan sa hindi napi fill up ang vacancies na ito. But in general I support the move for additional 100 independent and competent lawyers to help the Ombudsman prosecute the cases.

Q: Text question: paano kung umattend na si Mike Arroyo sa Senado pero pag tinanong nyo ay mag invoke ng right to remain silent at right to privacy?

Karapatan ni Mike Arroyo yan, hindi pwedeng balewalain at yan ay nakasaad sa Saligang Batas. Ngunit hindi pwedeng blanket invocation, hindi pwedeng pag-upo niya ayaw niyang sumagot at he would invoke his right against self-incrimination. Dapat sa pagtanong, doon ay titingnan niya kung yun ay makaka incriminate sa kanya.

Q: Yung natuklasan na helicopters ni Mike Arroyo hindi ba ito ay issue sa kanilang ITR?

Hindi ko pa na-check. Tama po yan at isa sa mga bagay na dapat tanungin ay kung saan nanggaling ang mga perang ito? Bakit puro cash?

Q: Dapat mag reflect din yung helicopters na meron silang ganon para sa pagbabayad ng buwis?

Hindi sa pagbabayad ng buwis kundi sa kanyang net worth, sa statement of assets, liabilities and net worth.

Q: Kung hindi nila ma reflect, perjury ba yun sir?

Kung hindi ma reflect, meron silang pananagutan sa kanilang SALN na false ang kanilang SALN.

Q: Dalawang Cabinet members agad ang nag resign sa 14 months pa lang ng Aquino admin. May mga komentaryo sa isang column ni Ms. Winnie Monsod sabi niya parang hindi ito nagre reflect nang maganda sa leadership ni Pangulong Noynoy. Ano ang tingin nyo rito sir?

Unang una, ang 2 miyembro ng gabinete, ang pagbibitiw ay dahilan sa personal reasons at sabi ni Sec. Lim ibig niyang magkaroon ng sapat na panahon para sa kanyang pamilya. So let's take it at that. Yun ang rason nila.

Q: Unfair ba na sabihin na reflective ito kung paano mangasiwa ang Pangulo?

At best ang sasabihin po baka magkaiba ang style of management ni President Noy at ng 2 miyembro ng gabinete. Pwede pong sabihin na magkaiba ang style. Ang Pangulo ang siyang mananagot sa taumbayan, hindi yung kanyang gabinete.

News Latest News Feed