Press Release
July 14, 2011

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. GUINGONA - 4TH HEARING PCSO

STG: Mukhang papunta na talaga ito sa ombudsman at kailangan magpaliwanag na sa korte . Klarong-klaro naman dahil may dokyumento eh.Talagang mananagot siya. Ang klaro ngayon na ang PCSO ay kailangan talaga ng mga reporma sapagkat nakikita natin 'yung mga pera ay nalulustay at ginagamit sa kung saan-saan maski hindi authorized, katulad ng blood money na wala naman authorization sa board pero ginagamit pa din.

Q: Malinaw na ba sa inyo na kailangan ng reporma?

STG: Malinaw na kailangan talaga ng reporma sa intelligence fund, hindi lang sa PCSO kung hindi sa lahat , kasama na ang National at Local government na kailangan ng reporma .Bilyon-bilyon ang nagagamit sa intelligence fund ngunit ang nagagamit at saka yung liquidation ay hindi klaro. Ang laki ng perang ito. Saan pumunta?Hindi natin masasagot sapagkat ang liquidation, certification lang. Kailangan talaga ng reporma sa PCSO . Gumagamit sila ng pondo kahit wala silang tamang kapangyarihan na gumamit ng pondo , for example, ang blood money. Hindi naman pala authorized ng board nila. Ang nangyari lang ay mayroon lang na tawag galing sa Malacañan. Noong tinanong naming si Uriarte kung sino ang tumawag , ang una sinabi niya na hindi niya matandaan at pangalawa sinabi niya na nag-invoke na siya ng right against self-incrimination. Pero maliwanag , mayroon tawag galing sa Malacañan. Sinabi naman niya sa nakaraang hearing na siya at si dating pangulong Gloria Arroyo ay nag-uusap on a personal level.

Q: Bakit hindi pinayagan si Uriarte kanina noong nagrequest siya ?

STG: No, because if you want to invoke the right against self incrimination , you invoke it per question. Hindi puwedeng blanket.

Q: Sina Garcia at Uriarte ay ipapatawag pa bas a susunod na hearing?

STG: Si Garcia wala na muna pero si Uriarte ay tuloy pa din.

Q: Wala bang liabilities sina Yuseco at Quisumbing kasi noong time na iyon ay nag-engage sila sa illegal practice ng pagbibigay ng commission.

STG: That would be for the courts to address but right now, I would like to congratulate them for coming out in the open and exposing something na kung wala sila , that would have been unknown to the public up to now.

Q: On pinning down the former board of PCSO.

STG: Ang pangunahinglayunin natin dito ay reporma ng PCSO ng sa gayon a hindi na maulit ang mga dating practices. Kung sa pinning down ng dating officials ng PCSO, mukhang may pananagutan talaga sapagkat madaming aksyon nila na hindi authorized by board resolutions.

Q: Will there be recommendations filing appropriate cases to them?

STG: Ayoko munang pangunahan iyan.

Q: Identified nab a na kung saan ba talaga galing ang funds?

STG: Kanina tinanong ko kung saan galing ang blood money na ginamit nila sa intel funds ay bahagi ba sa board resolutions? Kasi ang board resolution ang nagbibigay sa'yo ng kapangyarihan na gamitin ang pondo at sinabi nilang wala.

Q: Did they really give 5 million cash to Conejos for blood money?

STG: Hind, tseke ang sinabi eh at saka hindi kay Conejos binigay.

Q: PCSO does not have a prohibitions to help people who are in need.

STG: Yes, but I would rather say that they did it without authority.

Q: Pag-invoke ni Garcia at Uriarte.

STG: Yung kay Garcia kaya nga nag-usap kami at sa tingin naming, na nag-invoke na lang lagi ng right to self-inimination, sa tingin naming ay sa ombudsman na lang . Klarog-klaro naman sa inyo na sa kanya ang mga tseke at mga deposit slips. Later on , in the course of the trial, mapapatunayan talaga.

Q: Ano ang tatalakayin?

STG: Ang tatalakayin na lang ay ang mga figures na hinihingi ni Sen. Drilon tungkol sa mga income ng PCSO at yung issue sa lease of equipments ng PCSO with PGMC.

Q: One hearing na lang po ba sir?

STG: I hope so, so I can wrap it up.

Q: Sino ang invited next hearing?

STG: Dr. Carascoso, present and previous board.

Q: Yung reason of use of intelligence funds for destabilization, bilateral of security relation. Ano ito?

STG: Hindi mapaliwanag sapagkat either nag-iinvoke or sapagkat dahil certification lang ang liquidation. Pati yung bomb threat tinanong naming kung at least ng blotter sa pulis ay ni walang blotter.

Q: Sabi ng kampo ng dating Pangulong Gloria ay pulitika lang ang lahat kaya ayaw na nila mag comment

STG: Pulitika? May documents naman lahat eh. So klaro may basehan , hindi lang ito emotions. Mayroon talagang basehan na talagang nilulustay talaga ang pera at ginagamit na walang accountability.

Q: Established na ba ang role ni Gloria dito sa PCSO scandal?

STG: I think so, and she has to answer to that.

News Latest News Feed