Press Release
May 24, 2011

Transcript of interview on necrophilia, cyber stalking and Spratly issue

Interview after the hearing of the Senate Committee on Justice and Human Rights

On necrophilia

Well pinaparusahan na yang krimen na yan sa ibang bansa dito lamang sa Pilipinas hindi pa, ayon sa PNP at NBI wala namang ganitong uri ng mga nirereport sa kanila pero ang rason din siguro dahil wala namang batas na nagbabawal dito, madalas nagagawa lamang ito sa mga punenarya, siguro sa mga crime laboratories kung saka-sakali dahil sila lamang naman ang may access kung saka-sakali sa corpse na maaaring gawin itong necrophilia.

Yung stalking, dumadami daw yung sa internet

Actually naaprubahan na namin yung bill na ito last congress pero hindi kasama yung cyber stalking na tinatawag, ang nacover pa lamang namin last congress ay yung actual physical stalking at through communication device pero hindi kasama yung cyber stalking. It is new to us at isasama namin don sa panukalang batas given present technology para yung mga nangungulit at yung nag-i-stalk ikanga using the internet ay masaklaw na rin ng batas.

May kulong pa sa parusa?

Yes meron, ang panukalang pakulong non ay six months to six years ang proposed na penalty plus of course fines.

Sa necrophilia sa tingin nyo kaninong rights yung naba-violate considering na patay na rin naman yung tao?

Yung karapatan kung saka-sakali ng mga magulang o kamag-anak o mahal sa buhay nong namatay. Pangalawa sinuman ang gumagawa nito ay nagpapakita na may diperensiya sa utak o sa isip na dapat naman talaga ay ipagamot, parusahan o ipakulong, dahil hindi marapat at dapat hindi ginagawa ito bilang paggalang na lamang sa katawan ng isang yumaong Filipino.

Sa bill ipapakulong muna o ipapagamot?

Actually kulong depende kung mapapatunayan as a matter of defense iki-claim nya na lamang na wala siya sa kanyang sariling pag-iisip pero ang panukala ay kulong dahil ito ay krimen at hindi dapat ginagawa.

Bakit hindi kasama yung patay na lalaki sa bill tungkol necrophilia?

Para din naman yang batas natin kaugnay sa rape nong una, ito ay ginagawa madalas sa corpse ng babae, siguro may punto ka titingnan namin yung bagay na yon kung marapat at dapat na isama din kung saka-sakali ang ibat-ibang kasarian.

On Spratly issue umamin ang AFP na talagang wala namang magagawa kung ma-bully tayo

Alam mo parang sa paaralan lamang yan na may mga malalalking bata na nang-aapi ng maliliit na bata. Para sa akin may mga pamamaraan at may sistema para maiwasan at para ireklamo. Hindi naman kaagad mauwi sa suntukan, barilan o sakitan dahil kung alam naman nating dating maliit tayo, payat tayo bakit naman tayo lalaban sa malai ang katawan at marunogn pang magkarate. I think what the Philippine government did in filing a diplomatic protest was correct, initially not the first instance we should find a diplomatic solution to the problem. Ngayon kung nakakalalaki sila o hindi impression at pananaw na laamng yan na hindi dapat makaapekto sa mga estratehiyang dapat gawin ng ating bansa kaugnay sa ginagawang ito ng bansang Tsina sa atin.

Pero para saan daw yung diplomatic protest hindi ba natin kayang lumaban head on?

Sa paniniwala ko hindi naman na uso ngayon yung barilan at lusuban eh, ang mas napapanahon ngayon una diplomatically dahil sa pagliit ng mundo at pagiging independent ng ibat-ibang bansa sa isat-isa, economically or diplomatically you can actually hurt a country more than a militarily na maaaring may mawalan pa ng buhay, but economically and diplomatically at least wala naman buhay na malalagay sa balag ng alanganin.

News Latest News Feed