Press Release
May 23, 2011

Transcript of interview with Senator Migz Zubiri by DZRH Joe Taruc

Q: Update on Senate hearing on ARMM postponement?

Sen.Migz: Kasama namin nuong last Thursday sa Marawi City si Senators Bong Bong Marcos, chairman ng committee, at Chiz Escudero. Nagkaroon po ng public hearing duon maraming tao at punong puno ang gym at overwhelming po ang ayaw ma-postpone ang election. Lalong lalo na sa usaping pag-appoint ng opisyales duon, sabi nila anong klaseng autonomy ang ibinibigay nyo sa amin na iaapoint lang pala ang aming pinuno, leaders dito. May isang grupo nga duon tumayo si Former Gov. Tillah, tumayo siya at sabi nya mag-ji-jihad daw sila kung ganun ang mangyayari dahil ang mga ninuno raw nila na ipinaglaban ang autonomy sa Tripoli nuong panahon ni Presidente Marcos which is now the organic act ay mababale-wala na lang ang kanilang pagkamatay at pakikipaglaban.

Iyung pag postpone (ng ARMM elections ng dalawang beses) kasi dati ay in preparation for the elections. Pero iyung postponement nuon po ay pinakamatagal na po ang anim na buwan, pinakamatagal na iyun eh ito dalawang taon, ay matindi rito ay iyung dati hold over po, iyung nahalal na extend lang po ng kahit papaano, hindi po mag appoint tulad ngayon. Iyon po ang pinaka grabe sa desisyon na ito, itong panukala ni Senator Drilon na hahayaan natin na mag appoint ang Pangulo ng mga leaders ng ARMM.

Sabi nga nila eh bakit pa sila tatawaging ARMM gawin na lang MGMM - Malacanang Government of Muslim Mindanao, kabaligtaran daw ng autonomy. Ako naman bilang taga Mindanao ay siyempre pinakikinggan natin ang boses ng ating mga kapatid.

I think on this issue maraming pong senators ang tutol. Ang sinasabi kasi nila ay ireform ang ARMM, lahat kami sumasangayon na kailangan talaga ng reform sa Mindanao, nakita naman natin ang nangyari nuon katakot-takot ang nawalang pera grabe ang armado duon, ang private armies at political warlords, pero pwede po iyan buwagin, ayusin in an elected atmosphere- kasi may election na bagong mandate, eh di ipasok ng ang AFP, PNP na hawak naman ng pangulo.

Sabi ko nga tinanong ko si DILG Robredo, itong mga anomalya at nakita nyo ngayon lamang di ba at wala naman palang hadlang di ba? Eh di gawin natin na walang postponement.

Maraming "feelers" from Malacanang, pero sinabihan ko sila ng hindi ko pwede palitan ang aking posisyon sa bagay na ito. Magmumukha akong trapo at hindi na po ako makakapag pakita ng mukha sa aking mga kababayan sa Mindanao. Sabi ko, I am willing to be outvoted pero wag nyo ako kumbinsihin na palitan ang aking stand. Marami pong against (postponement of ARMM) of course naglabas na ng statement (sa media) sina Senators Chiz, BongBong Marcos, Miriam, Joker, Angara at marami pa pong iba.

Si Senator Chiz ay isang abogado at nakita din nya ang issue ng constitutionality sa postponement. Never po in the history na nagkaroon ng ganuon katagal na may appointment sa ARMM or any office. Kaya dapat pag aralan po ang issue na ito at huwag tayong padalos-dalos. Kung ituloy itong planong ito na postponement, baka lalong magkagulo at maging mitsa ito ng kaguluhan sa Mindanao...the best is this August 8 ay mag hanap na lamang ng kandidato ang pangulo at kung sino naman ang sinisuportahan ng administration ay kadalasan nanalo pero minsan sumasablay so mahalaga na piliin ang kandidato na magandang credibility, integrity at sa tingin natin ay madadala ang reporma sa Mindanao.

Ano ang sistema, criteria at methodology sa pagpili ng i-appoint at sabi pa nila huwag daw mag-alala at magtatawag daw sila ng people's summit eh ang pinakamagandang consultation ay election - vox populi di ba.

Karapatan naman nya iyon itong kamag-anak ni Pangulo na lumahok sa halalan. Pero ang chismis ay di ba hindi nagaway sa isyu ng ARMM itong si Peping, Tingting Cojuangco ay hindi sumasang ayon. In fairness naman po kay Ma'am TingTing ay may integridad at matagal na pong tumutulong sa ARMM, pag na elect at magkaroon ng isang Christian leader sa ARMM ay ok din at nangyayari naman po iyan.

Ang nangyayari sa gitnang silangan tulad ng Syria, Libya ay dahil galit ang taongbayan sa central govt na hindi nagkakaroon ng halalan so nagkakagulo sa kanila dahil ayaw nila ng authoritarian rule so tingnan natin ito iyan din po ang gamitin nating halimbawa dahil ang nangyayari sa ARMM baka gawin nilang bala iyan para magkaroon ng kaguluhan sa Mindanao.

Q: on oil price hike?

Sen. Migz: Matagal ko nang adbokasiya iyan, nakita naman natin na parang kulang ang ngipin ng ating gobyerno sa pag inspection sa mga libro ng oil companies parang binu-bully tayo ng mga companies na ito...at nakakapagtaka na tuwing maglalabas ng statement itong oil companies na tama ang computation at formula at hindi nila niloloko ang taongbayan pero pag dating sa income nitong 3 oil companies sila ang pinakamayaman ng kumpanya sa ating bansa, top 5 corporation in terms of income, so kawawa naman tayo at malaki naman ata margins na ginagawa nila na apektado ang kababayan natin dito.

Dapat mas transparent ang computation pero ngayon wala parang bulag ang publiko sa bagay na ito.

Suportahan natin itong panukala natin ang pagamyenda sa oil deregulation law. Dahil ang gobyerno po ang administration po ni Pangulong Aquino ang makikinabang dito eh dahil magbibigay tayo ng malakas na ngipin, pwersa at responsibilidad itong DOE dahil parang inutil po sila ngayon.

Mayroon din po akong panukala na tanggalin muna ang VAT sa oil products dahil may domino effect ito, itong diskwento na ito para sa drivers eh ok pero paano ang magsasaka at iba pa?, mas maganda tanggalin natin ang VAT at makinabang lahat. Well, pwede naman i maximize ng gobyerno ang tax collection, aksyonan ang smuggling para makakolekta at off set natin sa sin taxes ang anumang mawawala sa taxes on oil. Ito kasi sa oil lahat apektado, mayaman o mahirap. Habang tumataas po yan oil prices ay lalong yumayaman ang gobyerno pero ang mamamayan at napepwerwisyo so lalo tayong nahihirapan.

Nanawagan din tayo sa DTI na maginspection sa mga merkado at bantayan ang presyo ng pangunahing bilihin dahil sa tingin ko inaabuso rin ng ilan ang pag akyat ng presyo ng langis.

Q: on 22 pesos eCOLA? Sen.Migz: Itong binigay ng national wage board na 22 pesos ay napakaliit po, hindi po puwedeng pambili ng isang kilong bigas, ito pwede sa palay para sa manok. Sana naman ginawang 50 pesos man lang. Ako naman ay kung mag survey naman tayo ng negosyo ngayon ay napakaganda po ng kanilang income statement, nakita naman natin sa BIR ang collection nila, sa newspapers business is up pero ang ating kababayan ay hirap na hirap na. Anong magagawa ng 400 pesos a day ng isang pamilya at pasukan na ng June at marami sa kanila ang hindi makakabayad ng tuition fee dahil kusing lamang po ang ibinigay ng wage board. Kung ako si PNoy dapat kinausap at ipinatawag itong wage board at dinagdagan or dinoble itong 22 pesos para may impact at maramdaman ng taongbayan.

Iaakyat daw nila presyo ng ticket sa MRT/LRt eh di bagong problema naman iyan so ngayon pantasamantala on hold pero kung tuloy eh di dagdag pahirap na naman. Hindi pa basic pay itong 22 pesos ha ito ay allowance lamang, hindi kasama sa overtime, bonus po. Ni hindi kasya sa isang kilo ng bigas ito. May domino effect naman po ito, pag inakyat ang sweldo eh gagastusin din naman iyan eh, iikot sa ating ekonomiya so may pakinabang din lahat.

Matagal ko ng sinasabi, paos na po ako sa pagsasalita ukol sa biofuels, lalo na itong ethanol 38 pesos as compared to 55 pesos gasoline ay napakalaki po ng diperensya pero hindi ko po alam bakit hindi pinapatupad ng DOE ang mandatory 10 percent ng ethanol blend baka mayroong lobby? Sa ibang bansa na nag eexperiment na ng 85 percent ethanol, 15 gasolina...ang natutuwa rito mga magsasaka at magkakaroon po ng income sila, rural areas magkakaroon ng economic actitity duon so lalo na nagkakagulo sa gitnang silangan si hindi baba ang langis kaya kailangan mayroon tayong fuel independence. Gamitin natin ang mga nakatiwangwang na lupa for biofuels marami po tayo gaya ng isa Isabela para mayroon tayong area for food at fuel.

Q: on RH bill?

Sen. Migz: Personally, hindi pa ako nakakadesisyon kung susuportahan natin or hindi (ang RH bill) dahil may mga probisyon sa bill na hindi ako sang ayon at mayroon din ok tulad ng sa basic women's health in barangay health level, magbigay ng gamot, equipment pero iyung sexual education sa grade 5 ay hindi ako sang ayon duon. In fairness naman sa proRH may mga sitwasyon talaga na suportahan ang maternal health care, tulad ng experience ko ang aking asawa siya ay ceasarian so kelangan gumamit ng proteksyon dahil hindi pwede at makasama sa kanyang kalusugan.

Maganda siguro magsagawa tayo ng bagong survey sa isyung ito para malaman natin ang sentimiyento ng ating kababayan. Sa Mindanao, depende kung saan pag city areas mga marami pong pro RH at sa rural naman malakas ang simbahan ay marami rin antiRH. So this is divisive pero tingnan natin kung anong mangyayari sa batas at pagaaralan natin yan.

Ang akin lamang po sana huwag na lamang po siyang (PNoy) magsalita ukol sa bagay na ito hayaan na lamang ang mga cabinet secretaries nandiyan ang DSWD, kasi mas lalong napipikon ang simbahan sa isyu na ito, hayaan na lamang nya ang mga secretaries.

News Latest News Feed