Press Release
May 16, 2011

Trillanes, nais ng komprehensibong polisiya laban sa 'cyber crime'

Naghain ng panukalang batas si Senador Antonio "Sonny" F. Trillanes IV na naglalayong maglatag ng isang komprehensibong policy framework na magsasaayos sa mga kakailanganing alituntunin para sugpuin at labanan ang tinatawag na "cyber crime".

Sa Senate Bill Blg. 14, ipinapapataw ni Trillanes ang mabigat na parusa laban sa mga gagawa na cyber crime gaya ng pagkabilanggo ng hanggang sa 12 taon at multa na aabot hanggang P800,000.

Ayon kay Trillanes, batid ng lahat ang kahalagahan ng mga computer dahil napapadali nito pag-iimbak at pag proseso ng samu't saring impormasyon at nakatulong ng husto ito sa paglinang ng industriya, pagbabangko, telecommunications at engineering.

Ngunit batid din ng senador ang kaakibat na panganib sa klase ng makabagong teknolohiyang ito na karaniwan ay pinagmumulan din ng bagong uri ng kriminal at krimen gaya ng hindi awtorisadong pagkalap ng mahahalaga at pribado o personal na impormasyon na ginagamit ng ilan upang pagkakitaan.

"There is a need for the Philippines to have a law that will define cyber crimes, identify punishable acts involving computers with corresponding penalties, determine legal procedures for the investigation and prosecution of cyber crimes, clarify jurisdictions, provide for a clause on mutual assistance and cooperation, and identify a local body that shall be responsible for providing 24/7 assistance to foreign entities in the resolution of cyber crime cases," ani Trillanes.

Ang panukalang batas ay naglalayong isa-isahin at liwanagin ang mga gawain na maituturing na cyber crime kabilang na ang pagnanakaw ng personal at mahahalagang impormasyon, panggagaya, cybersex, child pornography, trafficking, prostitusyon at panghihingi ng salapi.

Naglalayon din itong lumikha ng Computer Emergency Response Council (CERC) sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na siyang mangangasiwa sa pagbuo at pagpapatupad ng pambansang action plan sa pagsugpo sa cyber crime.

Nais din ni Trillanes na makipag-ugnayan ang pamahalaan sa ibang bansa sa para pagtunton, pag-imbestiga at pag-usig ng mga cyber crime.

"It is hoped that thru the passage of this bill, cyber criminals will be discouraged from engaging in these illegal act. The passage of this bill will send a clear signal to the international community that our country is serious in combating cyber crimes", sinabi pa ni Trillanes.

News Latest News Feed