Press Release
May 12, 2011

OPENING STATEMENT OF SENATOR TG GUINGONA

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Salamat po sa pagdalo ninyo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa mahahalagang issues na kinakaharap ngayon ng ating Armed Forces of the Philippines.

Nagpapatuloy po tayo sa kabila ng ilang kabiguan na dinadaanan ng paghahanap natin sa katotohanan. Pero kailangan tayong magpatuloy. Hindi pa po tapos ang trabaho natin.

At sa umagang ito, ito po ang ating trabaho ngayon- paghahanap ng katotohanan, pagbibigay ng katarungan at pag-implementa ng reporma.

Pakikinggan po natin ngayon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense sa kanilang mga repormang ginagawa at hindi muna natin papakinggan ang mga problema, katiwalian at mga kontrobersiya .

Today is the day when we will hear the reforms. What reforms has already been made? Ano na ba ang nagawa? Ano pa ang ginagawa at gagawin pang mga reporma? May bisa ba ito? Are these reforms that had been taking place, are they effective?

Lastly, kung kailangan po ng tulong ng Kongreso at Senado ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng karagdagang batas, iyan po ang trabaho natin ngayon umaga. Iyan po an g ating layunin.

Panauhin natin ngayon si DND Secretary Voltaire Gazmin, ang Chief of Staff ng AFP na si General Eduardo Oban . Ofcourse I am happy and delighted that my colleague is here with me, the Chairman of the Committee of National Defense, Senator Panfilo Lacson.

News Latest News Feed