Press Release March 22, 2011 Transcript of Interview of Senatror TG Guingona after the Caucus Q: Ano po ang resulta ng caucus? STG: Inapprove na 'yung proseso para sa pagbibigay ng contempt. Ito po 'yung proseso. Una, magkakaroon ng hearing ulit. Uulitin sa testigo ang mga tanong . Ngayon kung pareho pa din ang sagot nila , then doon ma- cite sila into contempt at doon ay maaresto sila. Q: Kailangan pa ba ulitin ang motion to cite them for contempt? STG: Hindi na kailangan. Ang kailangan lang ulitin ay yung mga tanong kung saan sila nag-invoke ng sinasabi nilang self-incrimination. Hindi lahat ng tanong doon, dalawang klase iyon. Proper invocation and improper invocation. Ang ibig sabihin ay ang tamang pag-gamit ng right to self-incrimination. Kung tama ang paggamit nila, wala na tayong pag-uusapan doon sapagkat tama. Sa tingin naming hindi tama ang paggamit sa right to self-incrimination. Yung mga tannong na iyon ay napili na naming. So, next hearing , tatanungin naming ulit sa kanila. Q: Kung ano yung mga tanong na hindi puwede gamitin ang right to self-incrimination ? STG: Yes, at kung pareho pa din ang sagot nila , then ma-cite na sila into contempt. Q: Like what questions? STG: Uulitin na lang naming kapag andoon na . Q: Right there and then ipapa-aresto na sila? STG: Yes. Q: Paano kung hindi sila dumating? STG: Let's cross the bridge when we get there. They have been appearing naman all the time. There's no reason to suspect that they will not attend. Q: Bakit kailangan pa ulitin ang mga questions? STG: First of all, this is a two step process. Ang first step ay kailangan alamin mo kung tama ang paggamit ng right to self-incrimination. Kasi kung tama ang paggamit ay wala na tayong pag-uusapan kasi tama naman pero kung hindi tama kailangan tanong mo sa kanila kung yan ba talaga ang sagot nila. Kailangan mag-himay ka muna kung alin ang tamang paggamit o hindi. Q: Is this the result of the panel formed yesterday? STG: Yes, ito ang resulta ng panel na nag-aral. Q: Sila po ba ang nagsulat ng questions? STG: Yung questions ay nakuha sa transcripts. Naitanong na ito at uulitin na naman. Q: Yung mga natanong na iyon ay mali na talaga ang paggamit nila? STG: Yes.Sa tingin namin at pananaw namin ay mali ang paggamit nila. Wala silang karapatan para gumamit ng I refuse to answer on the grounds that will incriminate me. Hindi nila puwede sabihin iyon. Q: Lahat ng member inapprove na ma-cite sila Mrs. Ligot? STG: Walang nag-object. Halos lahat pumirma. Hindi ko lang maalala kung sino . Yung mga wala doon siyempre hindi pumirma. Q: In effect, approve na siya? Kailangan niyo lang sila mahuli? STG: Yes. That's another thing , if they change their answer. Hindi ba? Uulitin natin yung tanong sa kanila . Sapagkat noong una na pagtanong sa kanila, sinabi nila na "I refuse to answer on the grounds that it will incriminate me" . Ngayon , na establish naming na hindi tama ang paggamit. So uulitin naming at kung ang sagot nila ay pareho pa din, contempt na iyon. Pero kung ang sagot nila binago nila [at] sinagot ang tanong, wala na tayong pag-uusapan. Q: Even in just one question? Or all questions? STG: On all questions. Q: Kahit isa lang ang nag-invoke sila they can decide? STG: Yes, sapagkat sa pananaw naming hindi tama ang paggamit. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|