Press Release March 2, 2011 TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SENATOR TG GUINGONA III STG: As expected bukas ay magiging Ligot show . Andiyan si General Ligot, nagsabi din si Mrs. Ligot na darating siya at si Mr. Yambao na kapatid ni Mrs. Ligot. Nandoon din si Mr. Frank Chavez na nag-file ng charges against Mr. Ligot. Q: May aasahan pa tayong iba pang ibubulgar ni Col. Rabuza? STG: Sa tingin ko wala na siguro. Nag-shift na from General Garcia to General Ligot and his family, who by the way, [General Ligot] has no plunder charges yet. Wala pa pong pandarambong na isinumite ng Ombudsman . Nakakapagtaka sapagkat mas malaki di umano'y ang ninakaw nila sa pera ng bayan na seven hundred million pesos kaysa kay General Garcia and yet 'yung Ombudsman ay hindi nag-file ng plunder case . Q: Dapat ba magresign ang Ombudsman? STG: Titignan natin , abangan natin ang Committee Report. Mayroon tayong partial committee report na hinahanda ngayon. Q:Paano ninyo nakuha 'yung confirmation ng magkapatid na Yambao. STG: Sa staff ko. Sinabi nila na dadating [sila]and in fact si Mr. Yambao , the other day, pumunta mismo sa office ng Blue Ribbon. Sinabi niya na hindi daw siya nagtatago. Darating siya bukas. Q:Kung hindi tumupad si Mrs. Ligot? STG: Wala na siya sa ospital eh . Noong pina-check namin ay umalis na after the hearing. Mukhang ribbonitis talaga . Q: Kung hindi siya umattend despite of the call and wala na siya sa hospital ? STG: I would suppose so . Unless she has another medical certificate certifying that she has ribbonitis. Q: Kung hindi umattend papa-aresto ninyo? STG: Huwag muna. Titignan muna natin ang mga rason kung sakali. Huwag natin pangunahan . Hindi pa naman eh. Kung dumating ? Eh di wala tayo issue. Q: Last hearing na tomorrow? STG: Sa Ligot issue,yes, I hope so. Alam mo naman 'kung manganak 'yan eh , hindi mo alam kung ano 'yung puputok at kung ano 'yung lalabas. Q: May surprise witness ba kayo bukas? STG: Ako wala. Wala na kaming surprise witness. Q: After this, ang Ombudsman ay kikilos na para kasuhan ang mga Ligot? STG: Dapat lang. Q: Si Rabusa nagfile na ng plunder? STG: Oo pero 'yung papeles ay nasa Department of Justice wala sa amin. Q: Ano comment ninyo sa impeachment? STG: Wala muna comment sapagkat ako ang magiging huwes niyan pag dumating dito. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|