Press Release
February 27, 2011

Transcript of Nimfa Ravelo, DZBB interview with Senator Migz Zubiri

Q: may crisis sa Middle East at dahil dito malaki ang epekto nito sa presyo ng langis at matindi ang impact nito sa atin. Mayroon kayong panukalang batas na repasuhin ang oil deregulation law at gawing VAT exempted ang mga langis?

S/MIGZ: Nakikita naman po natin na sa problema ng world prices ng langis ay nagkakaproblema din po tayo sa pag akyat ng presyo ng langis dito sa ating bansa at may akda at gumawa po tayo ng hakbang para ma-cushion naman o humina naman ang impact nitong pag akyat ng world price ng langis dito sa ating bansa. Isa po rito ang mekanismo, itong pag-akda po ng pag-amyenda sa oil deregulation law ay napakaimportante dahil nuong ipinasa po itong RA 8479 ay akala po natin ay bababa po ang presyo ng langis eh ang nangyari ay parang nagkaroon ng monopolya ang langis at lahat po sila ang nagsi-akyat ng presyo ng gasolina so parang it became the opposite, hindi talaga bumababa kundi umakyat pa kasi po pinabayaan na po nating ang market forces, na maglabas po ng pricing itong oil companies.

Dito sa ating panukala ay bibigyan ng dagdag kapangyarihan ang DOE, ibalik po ang kapangyarihan ng DOE na magkaroon po sila ng monitoring powers dahil nawala po ito. hindi napo kasi sila pinapansin ng oil companies, biro mo ang DOE mismo at mga pangulo nuong mga nakaraang adminsitrasyon na ang nakikiusap pa at parang pakiusap pa, parang nagiging beggars pa tayo na huwag naman iakyat ng mataas o sa isang buwan na lang so parang nawala ang kapangyarihan ng gobyerno kayat isa po diyan na inilagay sa bill natin is to amend the oil deregulation law by providing more monitoring at visitorial powers ang DOE para makita makabisita sila, maginspect ng libro at makita kung tama ang pag angat ng presyo dahil minsan hindi na natin alam kung saan nila kinukuha ang formula.

Q: Not necessarily to go back to the old system na gobyerno ang magprepresyo?

Ang mahirap kasi diyan nandyan ang oil prices stabilization fund na kung saan ang gobyerno po mismo ang nagbabayad ng diperensya, parang subsidized ng govt, pero hindi kailangan kasi mawawalan tayo ng pondo sa basic services sa edukasyon at iba pa, so mas maganda kailangan na lang natin malaman kung anong formula o mekanismo ang ginagamit ng oil companies para ma compute nila ang presyo ng langis kasi ngayon bulag po tayo hindi natin alam na bigla silang magaanounce na bukas magaakyat tayo ng piso tapos bukas ibababa ng 25 sentimos so parang kunswelo de bobo na lamang ang ginagawa nila eh.

Q: Nasa oil dereg law na po ng nasa powers ng ng DOE ang pagmomonitor pero hindi naman po ata nasusunod?

Hindi ito nasusunod at alam mo nuong panahon ni dating secretary angie reyes sinubukan nilang busisihin ang libro ng oil companies pero mukhang hindi successful eh, sinampahan pa sila at nagkanap pa sila ng court order at kung ano anong mga legal documents para lamang po maka inspeksyon ang ating gobyerno dito sa mga libro ng oil companies at iba pang pribadong sector. So i think we should put it in the law, na dagdagan po natin sa oil deregulation law amendments na dapat mayroon talaga silang (DOE) monitoring, visitorial and inspection powers over all oil companies at mag-prescribe na po tayo ng pricing mechanism, ito po ang napakaimportante po ito pong formula po para malaman ng ating kababayan na kapag ang presyo sa intl market ay ganito din po ang presyo sa atin nito, simpleng formula lamang po dapat, kasi hindi natin alam at parang bulag po tayo eh, at kinaikailangan meron po tayong transparency para malaman ng taongbayan na kung umangat ng 5 dolyares per barrel sa intl market ay katumbas po iyang ng ilan or magkano sa atin in terms of centavos or piso so iyan ang napakahalaga.

At isa pang dapat din itulak ang matagal ko ng adhikain or advocacy itong pagtutulak ng alternative fuels at alternative transportation program. Ito po ang pagtutulak ng pag gamit ng LPG sa transportation, ito ay mga long term solution dahil LPG ay mas mura kesa sa gasolina. Itong bio ethanol, i am happy to report na dahil dito sa Isabela province may itatayo silang gree leaf na kumpanya ng isang kumpanya na may capacity na 15M liters of biofuels ang kaya para maitulak itong biofuel program natin kasama na ang biodiesel para naman po mapalakas at umasenso itong presyo ng ating magsasaka ng kopra hindi lamang po laging kulelat ang presyo ng kopra. Itulak din po natin itong hybrid vehicles, sa Amerika sikat itong electric cars. Itong Nissan merong po silang Nissan Leaf ito po ay fully electric vehicle na pag charge mo ng 4 oras ay katumbas po ng 150kms. so kaya ito buong metro manila paikot ikot ka at maganda pa kasi walang polution.

Q: Pero meantime po na kailangan iyan ay pag isipan pa ng matagal tagal pa dapat ba kailangan ng mabigay mas mabigat ng penal provision para matakot itong mga oil companies kapag tinitignan ang kanilang libro?

Tama po iyan kasama na po iyan sa isa sa mga provisions ang pagbibigay ng mas mabigat na penalty para sa mga oil companies na hindi sumusunod sa batas at may penalties for non compliance at isasama natin sa final version pag nakalabas sa plenaryo na madadagdagan po ang penalties para matakot sila.

Pero kung gusto natin na ibaba agad ang presyo at dapat 12 percent bababa agad dito sa pag exempt ng langis. so kaagad agad mawawala ang P5.50 pesos agad sa 55 pesos na gasolina. Ang aking iniakda ay agad agad 12 percent, tax exempt dapat.

Q: paano po kapag nawala ang vat sa petrolyo saan po kukuha ang govt sa pampuno sa mawawala sa ating pamahalaan?

Alam mo nuong pinagusapan natin ang VAT isa po ako sa tumutol at kumontra diyan dahil ayaw ko po na malagyan ng VAT ang basic services tulad ng gasolina at kuryente dahil ito po ay ginagamit ng ating lahat ng kababayan mahirap o mayaman lalo na sa mga mahihirap na napepewisyo na sila...kayat ang suggestion ko po ay better tax collection, at magkaroon ng additional provision against sin taxes bawiin na lamang po sa paggamit ng sigarilyo at alak kesa sa ilagay sa gasolina, kuryente na pati mga students, senior citizens pati mahihirap ay apektado dito. kapag tinaggalan ng vat ang gasolina mas bababa ang presyo ng gasolina ay mas dadami po ang gagamit ngsasakyan for the delivery of goods, transport of products galing sa ibat ibang probinsya so magkakaroon po ng domino effect mas lalakas po ang ating ekonomiya. Mas mababa at hihina ang ekonomiya kapag mataas ang gasolina.

These are steps to take to mitigate the high oil price in the world market, ireview natin ang oil deregulation law, tanggalin po natin ang vat sa oil products at ituloy ang long term program natin na alternative fuel, alternative vehicle program itong biofuel, biodiesel, compressed natural gas, the hybrid cars.

Q: Kailangan ba ng emergency powers for Pnoy dahil sa middle east crisis?

Alam mo hindi na siguro kailangan bigyan ng emergency powers si Pangulong Noynoy. Iyan po ay naging debate nuong panahon ni dating pangulong arroyo at hindi rin po kami pumayag na mga lawmakers na bigyan ng emergency powers ngayon si pangulong aquino for the same reason na sapat naman po ang ating mga batas, sapat naman po ang kapangyarihan ng ating pangulo para ayusin at magkaroon ng solusyon dito sa ating problema.

In terms of amendments to the law napakasimple lang magpatawag lamang siya ng LEDAC pero hindi pa po siya nagpapatawag ng ledac, halos ilang buwan na ng kanyang adminstrasyon wala pa tayong ledac para pagusapan kung ano ang priority legislation ng ating gobyerno kasi pwede po niya sabihin na o sige ayusin natin itong oil deregulation law, bigyan ninyo ako ng ngipin sa batas na ito sa tingin ko wala pang 2 buwan maayos na ito mabigyan lang po go signal ng pangulo. pero iyun nga eh wala pa nga hindi namin alam, bulag pa kami hindi namin alam kung ano ang priority measure ng pangulo so maganda siguro na malaman natin. LEDAC is a give and take it is a discussion between two coequal branch of goverment para lalong umunlad ang ating bansa kaya sana mabuo na po itong ledac at the soonest possible time.

Kasama rin sa ating iniakda ang inventory, audit ng supply ng oil companies kasi ngayon kaduda duda talaga ang sitwarsyon at mga oil companies ang top 5 companies sa bansa na kumikita so dapat busisiin ito.

Q: Urgent po ito eh dapat pagtuunan ng pansin.

Sa totoo lang hindi lang oil prices pati na rin itong OFW problem natin sa middle east, at pagsunod sunod ang rebolusyon sa mga bansang ito dapat may malinaw tayong repatriation plan parang wala tayong contingency plan parang reactionary lamang po ang ating gobyerno palagi. Biro mo sa isang hearing sa HOuse ata na tinanong ang DFA kung meron tayong eroplano para sunduin ang ating OFWs pero meron daw pong ticket sa bus ang sabi ko walang hiya, kapalpak palpak naman ang ating sistema. Ilang daang libong OFWS ang maapektuhan sa atin kayat kailangan ayusin na ng DFA ang repatriation program at rehabilitaiton measure. so sa ating pangulo magkaroon po tayo ng job opportunities for our OFWS, unahin na ang contingency measure lalo na sa Middle East.

News Latest News Feed