Press Release
February 24, 2011

TRANSCRIPT OF SEN. DRILON'S AMBUSH INTERVIEW
AFTER BLUE RIBBON HEARING

Q: On questioning Sulit to charge the prosecutors.

DRILON: Wala na akong matanong. Siya lang ang kaharap dito. Siya ang may supervision sa mga regular prosecutors, siya ang head of office kaya tinatanong ko kung sasampahan ba niya ng kaso dahil sa opinyon ni Senate President Enrile ay talagang grossly negligent yung mga prosecutors in allowing the plea of guilt to be entered.

Q: Yung view nyo is the same?

DRILON: Yes. Dapat silang kasuhan dahil sa aspetong yon, bakit pinayagan nilang mag-plead ng guilty to a lesser offense si Gen. Garcia when in fact the plea bargaining agreement has not yet been approved. Kaya naperwisyo ang publiko dahil dun sa kanilang kapalpakan.

Q: Sir dapat dalawa yung dapat mangyari dito: makasuhan yung special prosecutors at bawiin yung plea bargain agreement?

DRILON: Tama po yan. Pati ba naman yung kanilang palpak dun sa hindi nila pag-object sa plea of guilt at pagpasok sa plea bargaining agreement na talagang labag sa ating batas.

Q: Sa kaso ni Gen. Ligot sino ang dapat kasuhan dahil sa kawalan ng kaso kay Ligot at Edgardo Yambao?

DRILON: Wag muna tayong pumasok don. Tignan muna natin kung bakit hindi nakakasuhan. Ngunit ngayon may sapat na ebidensya para kasuhan. Yung po ang importante. Dapat kasuhan nila si Gen. Ligot, si Mrs. Ligot, yung kanyang brother in law na si Mr. Yambao.

News Latest News Feed