Press Release
February 9, 2011

Transcript of interview with Se. Chiz Escudero at the session hall

On the proposed abolition of PMA

Hindi naman lahat ng pino-produce ng PMA ay may problema at lumalabag sa batas, halimbawa maraming ibang educational institutions naman na naproduce din na hindi maganda ang ginawa sa gobyerno at bansa, hindi rason yon para i-abolish yung mga educational institutions na yon. Kung saka-saklai may pangangailangan sigurong i-review, paghusayin at pagbutihin pa yung curriculum at ilang mga patakaran at procedures sa Philippine Military Academy pero hindi agarang abolition ang unang dapat nating gawin.

Anong dapat gawin?

As I've said i-review, i-review yung curriculum, tingnan kung papaano pa ito mapapa-improve at mapaghuhusay at kung may kinalaman talaga, wala namang pruweba talaga at koneksyon na kapagnaggraduate ka mula don ay hindi magiging maganda ang iyong performance sa AFP o PNP dahil marami rin naman tayong magagaling, mas marami tayong magagaling na opisyal mula sa academy na yan. Tingnan natin kung papaano pa nating mapapa-improve at mapaghusay, huwag namang aboliton kaagad ang solusyon.

Dapat daw maghinay-hinay ang mga senador sa pagtatanong sa mga guest para maiwasan yung nangyari kay Reyes.

Nasa desisyon yan ng kada individual na senador, sa panig ko hindi ko talaga hilig makipag-away o debate dahil maliit lang ang katawan ko baka magulpi ako at hamunin ng suntukan hindi ko naman kayang lumaban.

Kung executive session kung may sensitive na pinag-uusapan?

Kapagka may sensitibong bagay upon the majority vote of the committee and when it pertains to national security, oo pwedeng gawin yon pero case to case basis hindi naman pedeng lahat ng hearing ng senado executive session.

Last hearing na daw next week on plea bargain agreement

Hindi ko alam dahil hindi ko pa nakakausap si sen. Guingona tungkol sa bagay na yan, nasa labas pa siya ng bansa at babalik pa lang late this week.

Kailangan pa bang ipatawag ang pamilya ni Sec. Reyes?

Hindi na at wala rin namang nagpapatawag para sa kanila at sang-ayon s batas na umiiral sa ating bansa the crime is extinguished if at all kung meron man kasama na pagpanaw na rin ng kung sino mang inaakusahan. Para sa akin hindi na dapat gawin yon.

Under the Revised Penal Code daw pwedeng habulin sa mga naiwang kapamilya at responsibilidad na ibalkik ang mga ill-gotten wealth

Yung civil liability siguro pero yung criminal liability hindi yon napapasa sa mga heirs.

News Latest News Feed