Press Release
February 7, 2011

OPENING STATEMENT
Senator Teofisto "TG" Guingona III
3rd Hearing, Garcia Plea Bargaining Agreement
February 7, 2011, 9;00 a.m., Pecson Room

Magandang umaga sa inyong lahat. Ngayon ang pangatlong pagdinig sa Senado ukol sa Garcia Plea Bargaining Agreement at sa mga bintang na katiwalian sa AFP. Mula ng buksan natin ang pagdinig na ito, marami na ang mga nangyari.

UNA, naglabasan na ang ating magigiting na mga whistleblowers. Nais lamang pasalamatan ng komiteng ito sila Heidi Mendoza, Col. Rabuza at Col. Lim na nagtataya ng kanilang buhay upang makapagsabi ng totoo at tumutulong upang masugpo ang katiwalian sa bansang ito. Kasama po ng sambayang Pilipino, kami po sa Senado ay nagbibigay pugay sa inyong katapangan at humahanga po kami sa inyong pinakitang pagmamahal sa bayan.

PANGALAWA, ang Ombudsman ay naghain na ng Manifestation sa Sandiganbayan upang ipagpaliban ang pagdedesisyon sa Plea Bargaining Agreement ni Garcia habang sila ay nag-iisip pa 'kung itutuloy ang plea bargain agreement o hindi na nila itutuloy . Naniniwala po ako, ito po ay ang aking sariling opinyon, na void o walang bisa ang plea bargain agreement ni Gen. Garcia at ang ombudsman sapagkat kinakailangan ng batas na may pahintulot ng nagrereklamo -ang taong bayan. Pera ng taong bayan ang nawala. Nakita din natin noong nakaraan pagdinig na walang pahinulot ng Solicitor General . Kung ang puno ay walang bisa, walang bisa ang bunga.

Nakita din natin na ang ebidensiya 'nung una ay sinasabi ng mga special prosecutors ay hindi sapat pero ako naniniwala na sapat ito. Ngayon dahil lumabas si Col. Rabusa at Col. Lim nakikita natin na mayroon tayong malakas na ebidensiya. Salamat naman at ang ating mga kaibigan sa Ombudsman ay nakinig at nagfile ng manifestation.

PANGATLO, natutuwa din kami sa AFP in their sensitivity because they have announced that they are also starting an investigations on their own. After all the best reform is when an institution itself cleanses itself and reforms itself from within. We are very hopeful na malaki ang pagtitiwala naming na mayroon talagang mangyayari ngayon sapagkat ang AFP ay nagsimula na mag-ibestiga on its own and not only that mayroon tayong president na kakampi ng taong bayan. I'm very hopeful something will happen with this investigations. Ang katotohanan ay lalabas, ang katarungan ay maitutupad.

LASTLY, kung mayroon man dito na umiiwas sa katotohan , hindi nagsasabi ng totoo at sa tingin nila ay niloloko nila ang senado. Hindi po senado lang ang niloloko ninyo. Ang taong bayan po ang niloloko ninyo sapagkat ito ay tungkol sa dignidad ng taong bayan at tungkol din ito sa isyung 'kung naisahan ba ang taong bayan?

News Latest News Feed