Press Release
February 2, 2011

Transcript of interview with Senator Sotto

Q: Sir, tama po ba na generally the telecos agreed for the registration of prepaid SIM Card?

Sotto: Yes! Sabi nila they are not adverse to it, they are just pointing out some issues, but I think we will be able to thresh out those issues, I mean we were able to answer them well, like in the case of issue of 80 million na hindi register na mahirap or 75 million na unregistered pre-paid. My suggestion is to deactivate portion by portion the number of pre-paid cards and they have to registered to be activated otherwise they have to buy new one but all the new ones should be registered.

Q: Ano nalang po ba yung kailangan na nakikita nyo if ever?

Sotto: we just have to pass the law para matapos na yung mga problemang yan, gaya ng injunction na tumatagal ng 9 taon. I filed that issue with the NTC year 2000 when I was the chairman of committee on public services, during that time ang issue palang nun ay kidnapping at mga scams, eh na TRO at injunction hanggang 2009. Mas-malala na ngayon, hindi lang mga kidnapping at mga scams, kundi pati mga bombings yun na rin ang ginagamit, so, it is really about time and it is never late kaya dapat ngayon na.

Q: May counter part bang bill sa House?

Sotto: meron daw, nag file daw si Cong. Rufus Rodriguez

Q: is this long over due?

Sotto: This is long over due, karamihan dito sa inyo kasama ko sa senado noong araw, taong 2000, pinaglalaban ko na ito, hindi lang tayo umubra sa korte.

Q: Ang problema lang daw nila yung registration ng mga IDs?

Sotto: Madali yun, any government IDs can be used, pag walang ID kumuha ng barangay certification, kung bata bibili school ID, at least mare-register mo hindi blangko ang pulis pag ito ay ginamit sa criminal activities, tayo naman nag-aalala lang dun sa ginamit sa illegal or criminal activities, wala naman tayong problema pag hindi mo ginamit sa criminal activities bakit ka naman matatakot dyan. Yung issue ng privacy? That is completely wrong, bakit tayong mga nagpo-post paid wala tayong privacy. Kailangan naka-register tayo kasi post paid tayo at yung pre paid na pwedeng gamitin sa illegal sila may privacy, malaking kabulastugan yan.

Q: Sir paano ang data based nun, sa PNP? sinong mag-handle ng data base?

Sotto: Sila rin ang may hawak nun (telecos), they just have to make available if the SIM Card is used in a crime or if there is complain against that particular SIM Card.

Q: Kailang ba ng court order?

Sotto: Hindi, pag may complain pwedeng umaksyon ang telecos nga eh, nasa kanila yan eh, tignan natin kung anong pwedeng ilagay sa batas, but we will give them elbow room, we will give them leeway on how to handle their data base, hindi naman yan bulatlat na basta ganun nalang.

Q: Any time frame to pass the law?

Sotto: given the agreement with other members of the Senate and the senate president, we hope to be able to pass this before the break.

Q: Sir, mukhang si senate president suportadong suportado ito, so madaling makakalusot.

Sotto: Oo, madaling makakasulot ito, sana ganun din ang mangyari sa House.

Q: Sir, ano yung safeguard? paano kung ninakaw yung cellphone tapos ginamit ng mga criminals tapos nakapangalan sakin.

Sotto: Still traceable, meron tayong pagtatanungan, hindi sa zero ka naguumpisa, katulad ngayon yung sim card sa bombing na-recover, so wala, sim card lang sya, pero palagay na itong sim card na ito naka-register kay Juan dela Cruz, pupuntahan mo at aalamin mo si Juan dela Cruz, sasabihin nya nanakaw, saan nanakaw at kelan nanakaw, at least meron kang pupuntahan.

Q: Eh di sir gagawin nilang excuse yan.

Sotto: kahit na, at least meron kang ini-imbestigahan, hindi ka blangko, hindi zero.

Q: Sir pwede naman daw gumamit ng pekeng ID para makapag-register, may batas ba kayong ilalagay dun.

Sotto: syempre, ipagbabawal yun at may mananagot pagka nangyari yun. But then again babalik naman ako dun sa at least meron kang paguumpisahan kahit fake pa yung ID at least meron kang hahabulin kung saan nag-register, sinong nag-register, sinong bumili kahit mali yung pangalan na binigay, made-describe nung bumili.

Q: Yung telecos open naman sila?

Sotto: Ok naman sila, open naman sila and hopefully hindi na nila gagawin yung ginawa nila noong raw na nagTRO pa sila, palagay ko hindi na nila gagawin ngayon kasi nakita naman nila epekto ng ginawa nila eh.

Q: Sir, walang additional charges pag magre-register ka?

Sotto: wala, magre-register, wala naman dapat additional charges, there should be no expense to anyone, it is just a matter of public safety.

Q: kahit saan ba magregister?

Sotto: Bahala na telecom companies dun, kung papayagan nila yung ganun pa rin, basta magre-register, kailangan bumalik sa kanila ng naka-register ang mga sim cards

Q: Sir, may limit ba sa number ng cellphone?

Sotto: wala naman tayong naiisip na ganun.

Q: pero sir taon ang bibilangin paggagawa ng batas?

Sotto: Hindi pipilitin nating matapos yun before the break, kasi this is a matter of public safety, there is an urgency to this issue, hindi ito naipilit lang, talagang kailangan ito nuon pa.

Q: Sir, anong break, this June?

Sotto: No, this holy week break.

Q: This March?

Sotto: Yah, hopefully.

Q: Sir, dahil sa wala pang batas?

Sotto: Eh nanganga pa tayo, pero sana voluntarily, itong mga bago gawin na ng mga telecoms. Yung ang panawagan natin sa kanila ngayon, as aearly as now, total magkakaroon ng batas, umpisahan na nila para magkaroon ng dry run para Makita na kung magkakaroon ng mga glitches o magiging problema sa pagre-register.

Q: Sir, what if this will give additional cost for them, baka magmahal ang sim card?

Sotto: Boss, sobra ang laki ng kita ng mga telecoms companies patawarin na nila ang maliliit na bagay na registration na yan, masyadong maliit yun.

Q: Sir, dun sa law na gusto nyong i-approve, walang additional?

Sotto: walang additional gastos, walang pass on to consumer, wala dapat na magagastusan dito. Wala naman silang maipapasa eh, magre-register lang, meron naman talaga silang registration. Pinaka malaking point na makikita nyo kung bakit siguradong kayang kaya nila yan, kahit sinong may sim card sa inyo na pre paid, alam na alam nila yan pagwala kanang load. Ibig sabihin naka-rehistro kayong lahat, di ba, obviously naka-rehistro kayong lahat. Alam nila eh pagka-wala kanang load. Kaya walang additional cost dyan.

Q: Sir yung sinabi ni Oscar Cruz?

Sotto: pagpalagay na nating meron, ang tingin ko wala naming mangayayari sa ganun, una sa lahat wala naman talagang malaking dahilan para e-destabilize nila itong present administration. Anong gusto nilang mangayari dito?

Q: incompetent daw?

Sotto: Hindi naman siguro, it is a matter of opinion, opinion nila yun.

Q: Too early baOo, masyadong maaga pa yan?

Sotto: Hindi mo naman maaalis na may magiisip ng ganyan.

Q: Sir hindi credible pag si archbishop Oscar Cruz ang nagsalita nun?

Sotto: Siguro may mga nakakarating sa kanilang ganun balita, Yung balita na sinasabi ni Bishop Cruz na nakakarating sa kanila, malamang totoo yun, si Bishop Cruz naman ang nagsabi eh, pero, yung laman ng balita ang malamang hindi totoo. Yung nakarating sa kanya yun ang kaduda duda, totoo ba o hindi.

Q: Tsaka may nakating sa kanya

Sotto: maynakarating, sigurado nga yun.

Q: pero kayo naniniwal ba kayo na kung sakaling totoo, malabong mag-materialize yun? Sotto: Malabo, hindi makakakuha ng suporta yun. Una wala naman tayong nakikitang major na isyu na nasaktan ang o nasira ang taong bayan o ang kaban ng bayan, as a matter of fact ang mga lumilitaw na kabalbalan yun dati pa ring kabalbakalan.

Q: Sir, sumasama daw kasi ang peace and order

Sotto: pwedeng i-address yun eh, kaman na bakal lang na kilos at tsaka siguro konting revamp dun sa mga namumuno ng military at pulisya mare-resolve ni president Noy yun. Hindi kailangan presidente ang palitan dahil masama ang peace and order.

Q: Sir hindi dapat baliwalain yung sinabi ni Cruz?

Sotto: Mabuti naman yung alert ka lagi, it is better to be on your toes all the time but take it n stride, wag mong dibdibin, pero dapat mong bigyan ng pansin.

News Latest News Feed